CHAPTER 17

27 2 0
                                        

"After 3 days"

"Bumalik na si nico sa condo"

NICO: kyle gising na, kyle, kyle

"Minulat ni kyle ang mga mata niya at sa hindi niya inaasahan si nico yung nagising sa kanya"

"Nang makita ni kyle si nico bigla itong napayapos  kay nico dahil sa tuwang nakita na niya ulit si nico"

NICO: wag kang maingay kyle baka magising pa si edwad, tulog na tulog pa ang papa mo.
KYLE: san ka galing nico? bat ilang araw kang hindi nagparamdam?
NICO: Nagpunta ako sa lugar na sinasabi ni edward, sa lugar na tahimik mapayapa maganda ang tanawin at masarap ang hangin. yung lugar na lagi naming pinupuntahan noong nabubuhay pa ako.
KYLE: anong ginawa mo dun nico?
NICO: nag isip-isip at nagpahinga ng panandalian.
KYLE: e kamusta kana? ayos kana ba?
NICO: eto ayos na ayos na ako nakapag-isip na sa mapayapang lugar e. kyle pwedi ba humigi ako ng pabor sayo.
KYLE: anong klaseng pabor? bakit parang kinakabahan ako?
NICO: pleaseee
KYLE: ahm, ano yun?
NICO: pwedi bang bago ako umalis sa mundong ito, pumasok muna ako sa katawan para makapag paalam kay edward ate joane at kay jasper, gusto ko sana magkakasama sila bago ako magpaalam para maayos na si ate at si edward bago ako umalis sa mundong ito.

"Hindi na napaimik si kyle noong marinig niya ang sinabi ni nico"

KYLE: ahm. pano ka papasok sa katawan ko?
NICO: dahil ikaw lang nakakakita sa'kin at kayang kumausap sakin, kaya kong pumasok sa katawan mo pagnakapikit ka.
KYLE: paano mo nasabi na gagana yun? hindi ba dilikado yun?
NICO: nagawa ko na yun kyle noon, noong gabing tulog ka nagawa kong pumasok sa katawan mo.
KYLE: aw bat 'di mo sinabi sakin?
NICO: baka magalit ka.
KYLE: bat naman ako magagalit, 'diba sinabi ko naman sayo basta kaya kong gawin ang bagay na gusto mo, gagawin ko para sayo.
NICO: sweet naman, hindi kaparin nagbabago.
KYLE: ahm nico, kaylangan mo ba talaga umalis dito sa mundo namin?
NICO: oo kaylangan lalo na pag kinuha na ako ng nasa taas, kung pwedi nga lang na wag na umalis dito, gagawin ko, gusto ko kasi mas makasama ko pa ng matagal ang taong mahal ko at ikaw yun, kaya kung may milagro isa lang hinihiling ko, sana makasama kita hanggang sa dulo ng buhay mo.
KYLE: Mahal din kita nico.
NICO: kyle may nakikita na akong liwanag, at pa tatlong araw ko na siyang nakikita at laging kasama, tas ang liwanag na yun palaki ng papalaki sa araw-araw.

"Hindi makakaila sa muka ni kyle na sobrang lungkot niya at ayaw niya umalis si nico sa tabi niya pero wala na siyang magagawa pag kinuha na si nico ng liwanag"

NICO: kyle isa pang pabor, sana pagnawala na ako wag kang maging malungkot ha, sana maging masaya kaparin at isipin mo na nawala ako dito sa mundong ito kasi may isang kagaya mo ang tumulong sakin para matuklasan ang totoong nangyari sakin. at ipinagpapasalamat ko yun ng malaki sayo, hinding kita makakalimutan. kaya kung mamimiss mo ako alalahanin mo lang masasaya nating ala-ala dalwa ha.

"naglaglagan ang mga luha ni nico noong sinasabi niya yun kay kyle"

NICO: kyle Gusto mo ba malaman kung gaano na kalaki yung puting liwanag na nakikita ko?

"tumango lang si kyle at hindi na umimik kasi umiiyak na ito"

NICO: yung liwanag na nakikita ko, kunti nalang kasing laki ko na, at pag yun ay pumantay sakin, ibig sabihin kukunin na ako ng liwanag nayun. siguro kung susukatin ko yung liwanag kung hanggang kelan nalang ako dito sa mundo niyo siguro hanggang bukas nalang ako dito sa mundo niyo. kyle makinig ka sakin ha, mahal na mahal na mahal na mahal kita at ayukong maging malungkot ka pag umalis ako sa tabi mo, ayuko maging kagaya ka papa mo na naging malungkot simula noong nawala ako sa kanyang tabi at sa mundong ito. kyle ipangako mo sakin na magiging masaya ka ha, ayuko makikita-kitang malungkot habang nasa taas ako. lagi kang maging masaya ha yun lang hiling ko sayo. pangako ko hinding hindi kita malilimutan dahil mahal na mahal kita. kakain ka lagi ng tama sa oras ha, wag lagi matulog ng hating gabi na, yung alak minsan lang dapat nainom nun, maging mabuting anak ka sa ama mo, at alagaan mo ang ama mo ha, mahalin mo siya, kasi sigurado ako kahit malaki ang pagkukulang niya sayo minahal ka niyan simula noong pinanganak ka ng mama mo sa mundong ito. kilala ko ang papa mo kaya nasasabi ko ito sayo. kyle pwedi bang yapusin mo ako ng mahigpit.

"Niyakap ni kyle si nico ng mahigpit kahit naiyak parin ito, hindi tumagos ang katawan ni kyle kay nico dahil si kyle ang unang humawak kay nico, nagkakalapat lang sila pag si kyle ang nagsisimulang humawak  kay nico"

KYLE: wag mo ako kakalimutan ha, mamimiss kita, hindi ko alam paano magsisimula ng wala ka pero gagawin ko yung pabor mo sa'kin, gagawin kong maging masaya para sa huling hiling mo sakin. kahit mahirap kasi nasanay na ako na nandito ka.
NICO: goodboy kyle.

"umalis sa pagkakayakap si kyle kay nico at hinalikan niya si nico sa mga labi nito"

"Matapos ng dalwa maghalikan niyaya na ni kyle si nico humiga sa tabi niya"

KYLE: nico, higa ka muna sa tabi ko samahan mo muna ako dito, ayuko pang bumagon gusto ko sulitin ang araw na ito na nahahawakan pa kita at nakakausap.
NICO: sige ipod ka ng kunti dun at tatabihan kita.
KYLE: Nico pwedi mo ba ako kantahan kagaya ng kinakanta mo kay papa?
NICO: pwedi naman, sige higa ka sa hita ko at kakantahan kita.

"kinantahan ni nico si kyle hanggang sa makatulog ulit ito"

"Malipas ang buong maghapon magkasama lang si kyle at nico sa loob ng kwarto, habang si edward naman ay nakahiga lang sa sofa sa labas"

"Habang tulog si nico tumawag si kyle kay jasper"

KYLE: jasper bro?.
JASPER: bakit bro?
KYLE: alam na ni nico ang totoong nangyari sa kanya, nagkikita na siya ng liwanag at yung liwanag nayun ay kukunin na si nico bukas, bro hindi ko kaya, hindi ko alam gagawin ko, pero wala na kaming magagawa  para takasan ang liwang na susundo sa kanya.
JASPER: ano ba sabi sayo ni tito pag nawala siya ano dapat mong gawin?
KYLE: gusto niya na maging masaya parin ako at ipagpatuloy ko ang buhay ko, kahit wala na siya sa tabi ko o paligid ko. kaya kahit mahirap gagawin ko yun para sa kanya kahit masakit le-let go ko siya. gusto nga niya makasama ako hanggang sa dulo ng buhay ko at gusto kudin yun kaso wala kaming magagwa kundi sumuko at palayain ang isat-isa.

"hindi mapigilan ni kyle ang umiyak habang kausap si jasper sa cellphone, pero lingid sa kaalam ni kyle na gising din si nico habang nag uusap sila ni jasper sa cellphone at naiyak din itong si nico habang naririnig yung mga sinasabi ni kyle"

JASPER: bro wag kang maging malungkot pag umalis na si tito ha, alam naman natin na mahihirapan ka kasi nasanay ka na nandidiyan siya sa tabi mo, pero kung yung huling hiling niya sayo ay maging masaya ka, kahit mahirap bro gawin mo nalang ha, para din naman sayo yun bro yung hiling ni tito. kaya sana pagnawala na si tito sa tabi mo, ipagpatuloy mo parin yung dating ikaw ha, yung masayahing kyle na kilala ko. wag ka mag-alala kasi kahit mawala si tito sa tabi mo meron kapa namang ako, si mama at si tito edward ha, laban lang. at alam ko lagi ka niyang susubaybayan pag nasa taas na siya.
KYLE: salamat bro ha, salamat sa lahat lahat, lagi kang nandiyan para sa'kin at para patibayin ang loob ko, sobrang swerte ko sayo kasi kahit anong mangyari lagi kang nasa tabi ko at 'di mo ako pinababayaan.
JASPER: Welcome bro, best friend tayo na parang kapatid kanarin sakin, kaya pag may problema ka lapit kalang sa akin ha wag kang mahihiya andito lang ako lagi para sayo.
KYLE: Salamat ng marami bro ha. ahm oo nga pala nandiyan ba ang mama mo?
JASPER: wala pa bro pero nag text siya na pauwi siya mamaya, bakit bro?
KYLE: gusto ni nico makausap ang mama mo bago siya umalis sa mundong ito at makapag paalam ng maayos sa kanya at sayo.
JASPER: ahm. san ko dadalhin  si mama bro?
KYLE: dito sa condo bro, bukas.
JASPER: maniniwala kaya siya satin na si tito nico still existing.
KYLE: kami na bahala dun bro, basta dalhin mo siya dito bukas ng umaga ha.
NICO: sige bro, salamat bro sa pagtulong mo kay tito ha.
KYLE: oo naman bro basta kaya kong gawin sa tito mo gagawin ko.

"matapos ang usapan ni kyle at jasper himiga na si jasper sa tabi ulit ni nico at yumapos ito ng mahigpit hanggang makatukog"

"Dumating na si joane sa bahay nila"

JASPER: ma? kamusta po? may gagawin kaba bukas?
JOANE: wala nak, bakit?
JASPER : pwedi mo ba ako samahan bukas ng umaga ma?
JOANE: saan nak?
JASPER: may aasikasuhin lang po akong importanting bagay at kaylangan naduduon po kayo.
JOANE: Sige nak, mga anong oras ba yun?
JASPER: mga 9oclock po ng umaga ma.
JOANE: sige anak

"Natulog na si nico at kinakabahan sa mangyayari bukas pero masaya parin ito kasi alam niya na ang tito niya ay makakapag pahinga na"

END CHAPTER 17

QUOTATION
"Kung mahirap mag patawad, mahirap din ang magpaalam"

 "I'm still existing"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon