"Isang maingay na boses ng babae ang sumalubong sa umaga ni kyle at jasper""Kumatok itong babae sa pinto"
JOANE: Jasper gising na. jasper gising na.
KYLE: jasper may babaeng nakatatok sa pinto, ang aga aga ang ingay ingay, sino ba yun?"narinig ni joane ang sinabi ni kyle"
JOANE: nak sino yang kasama mo diyan? abay gising na kayo at bumaba para makapag almusal na tayo.
JASPER: best friend ko po ma, naki-tulog dito sa'tin."Nagulat si kyle sa sinabi ni jasper kaya napabangon ito"
KYLE: mama mo yun?
JASPER: Oo, bakit parang gulat na gulat ka? e bahay namin ito.
KYLE: sh*t bat 'di mo sinabi sa'kin agad na mama mo yun, baka narinig niya yung sinabi ko sayo.
JOANE: oo narinig ko nga yung sinabi mo tungkol sa'kin, lumbas na kayo diyan bilisan niyo."Kinakabahan na si kyle sa takot sa mama ni jasper"
JASPER: hala narinig niya sinabi mo bro, humanda ka mamaya, wag kana mag tangka lumabas sa kwarto na ito, kasi pag labas mo, end of the world na.
KYLE: Seryoso ka bro? may ibang pinto paba kayo 'dito palabas ng bahay na hindi ako makikita ng mama mo?
JASPER: Joke lang bro, namumutla kana sa takot e. mabait si mama lalo na't alam niyang kaybigan ko.
KYLE: kinakabahan parin ako bro. satingin mo galit kaya yun sa'kin?
JASPER: 'di natin alam bro. may narinig siya sayo na hindi maganda kanina e, kaya humanda kana, hala kaaaaa. sige na una na ako bumaba sumunod ka nalang.
KYLE: bro sabay na tayo bumaba, samahan mo ako mag sorry sa mama mo.
JASPER: abay tara na, bumagon kana diyan."Bumaba na yung dalawa para mag breakfast, pero si kyle ay kinakabahn parin sa takot sa mama ni jasper"
JASPER: Goodmorning ma.
"sumigaw ang mama ni jasper"
JOANE: ano yang sinasabi ng kaybigan mo na maingay ako ang aga-aga, 'di ko nagustuhan ang sinabi niyan sakin ha.
"Nangangatal na si kyle sa takot"
JASPER: ma, matatakot na sayo si kyle.
"Tumawa ng napakalas ang mama ni jasper"
JOANE: ikaw pala si kyle. wagka matakot sa'kin binibiro lang kita, hindi naman talaga ako matapang, feel at home anak.
JASPER: sabi ko naman sayo mabait yan si mama.
JOANE: hindi ka manlang ba babati ng goodmorning sakin kyle?
KYLE: Goodmorning po tita.
JOANE: wag ka matakot sakin mabait naman ako e. lalo na't kaybigan ng anak ko. wag ka mag-alala 'dikana iba sakin, best friend ka ng anak ko since high school at na ko-kwento ka niya lagi sa'kin pag nauwi ako dito. sa totoo lang parang ayuko na umuwi dito kasi tuwing nauwi ako pangalan mo naririnig ko sa bunganga ng anak ko. pero mukang mabait kang bata ka kahit ngayon lang tayo nagkita. dahil 'di kana iba sakin tawagin mo nalang din akong mama wag nang tita para nadin kitang anak bata ka."biglang umimik naman si jasper"
JASPER: ma yung niluluto mo nasusunog na, asikasuhin mo na yan maghihilamos lang kami
JOANE: ayaw mo lang e-kwento ko kay kyle ang mga kino-kwento mo sakin about sa kanya e. sige na bilisan niyo na mag hilamos para makakain na tayo.
KYLE: sige po tita.
JOANE: wag na sabing tita, mama nalang.
KYLE: sige po ma.
JOANE: feel at home anak, wag na matakot sa mama ha."habang naghihilamos silang dalwa ng muka inaasar naman ni kyle si jasper"
KYLE: kaya pala ayaw na umuwi ng mama mo dito kasi nananawa na siya sa panagalan ko, na laging nalabas sa bunganga mo.
JASPER: ikaw lang ang lagi kong kino-kwento sa kanya, ikaw kasi best friend ko at tsaka diba sabi ko naman sayo na hindi lang kaybigan ang tingin ko sayo dati diba at alam yun ni mama.
KYLE: ha alam din yun ng mama mo?
JASPER: oo naman.
KYLE: buti hindi siya nagalit sayo noong nalaman niya na ang gusto mo ay lalaki.
JASPER: hindi naman siya nagalit sakin. sabi nga niya sa'kin anak niya ako at tanggap niya ako kung sino ako at kung ano ako. alam mo ba dati may kapatid si mama na lalaki na nagka boyfriend at ang swerte noong lalaki at noong kapatod ni mama dahil tanggap sila ng magulang nina mama. kaso yung kapatid ni mama wala na matagal nading panahon, kinuha na siya ng nasa taas.
KYLE: oo nga swerte nila na may magulang silang mabait at tanggap sila.
JASPER: kaya sabi dati ni lolo kay mama bago siya mamatay, kung magkaka anak si mama ng hindi straight wag niyang itataboy bagkos tanggapin niya
KYLE: e ano ba kinamatay ng kapatid ng mama mo?
JASPER: hindi ni mama kino-kwento sa'kin mas mabuti nalang daw na wag kong malaman.
KYLE: ah ganun ba? swerte mo sa mama mo, kasi mabait siya.
JASPER: hohoy bat ganyan ka mag salita, bakit hindi ba mabait ang daddy mo sayo? ano nga pala pangalan ng daddy mo?
KYLE: Edward pangalan niya. naging mabait na siya sa'kin simula noong nag kaayos kami, at mas naging ama na siya sa'kin ngayon kumpara sa noon.
JASPER: mabuti yan atleast ngayon ramdam mo na na may ama ka.
KYLE: Alam mo ba na yung tito mo ay parang ang daddy ko.
JASPER: paano?
KYLE: Si dad bago niya makilala si mama may naging shota siya na lalaki.
JASPER: ha ang dad mo? seryoso ka bro?
KYLE: Oo seryoso ako, wag ka maingay ha sayo ko lang sasabihin ito. mahal na mahal niya yung lalaking naging shota niya, kasi unang-una sobrang bait daw nun at pinakilala si papa sa magulang niya at ang nakakatuwa pa tanggap silang dalwa ng pamilya nito. kaso yung tao nayun ay kinuha na ng nasa taas binawi na sa kanya, kaya simula nooong mawala yung lalaki na mahal ni papa, nasira ang buhay ni papa. tas nakalipas ang ilang taon nakilala naman ni papa si mama at nabuntis niya ito pinanagutan. dahil nagsama si mama at papa nagawa naman ni papa mag move on doon sa lalaking minahal niya kahit pa unti-unti. kaya noong gabing nag-away si mama at papa at nasabi ni papa na aksidente lang na nabuntis niya si mama, nasaktan ako bro pero atleast ngayon malinaw na sa akin na aksidinte lang talaga nabuntis ni papa si mama kasi lasing sila noong nayari yun. siguro kaya nasabi ni papa ang bagay nayun dahil naubos na ang pasensya niya kay mama noong nag aaway sila, at sigurado ako na hindi ginusto ni papa sabihin ang bagay nayun. pero ngayon napatunayan ko na, na mahal talaga ako ni papa, dahil ginagawa niyang makipag ayos sa'kin at ayusin ang relasyon naming dalawaa bilang mag ama.. ahm bro paano na, tapos na ako mag hilamos tara na lumabas at kanina pa nag aantay ang mama doon sa lamesa nakakahiya na, nag tagal tayo dito.
JASPER: tara na, wag ka mag-alala wala akong pag sasabihan ng kwenento mo sa'kin about sa papa mo, atin-atin lang yun."Kumain si kyle sa bahay ni japser kasama ang mama ni jasper, madami silang napag kwentuhan about sa dating pag aaral ni joane at kalukuhan nitong ginagawa noong college din siya"
"Matapos silang kumain nag paalam na si kyle kay jasper at sa mama nito"
"Nangmakaalis si kyle kina jasper nag-usap si Joane at si jasper about kay kyle habang nag iimis ang mama niya ng kinainan sa lamesa"
JOANE: Nak gusto ko yung ugali ng best friend crush mo, mabait palabiro at magalang.
JASPER: ma, best friend nalang po wala na yung crush malinaw na samin na friends nalang kami ni kyle.
JOANE: okay, ano ba totoong pangalan ni kyle mas gusto ko pa siya makilala nak.
JASPER: bakit naman?
JOANE: wla lang para mas makilala ko pa siya at ang pamilya niya.
JASPER: Kyle Mendez po. tas yung papa naman niya ay Edward Mendez tas yung mama niya patay na 'di ko natanong sa kanya."Noong narinig ni joane ang pangalan ng ama ni kyle, nalaglag ang basong hawak nito, kaya nabasag"
END CHAPTER 12
Quotation
"Kahit anong paglimot ang gawin natin sa mapait na nakaraan, hindi mo na ito malilimutan, bagkos harapin mo ito ng buong tapang at wag mong kalimutan"
BINABASA MO ANG
"I'm still existing"
AcakAnong gagawin mo kung pagising mo sa umaga ay nasa siminteryo ka? Ang story na'to papaiyakin kayo, papakiligin patatawanin at papaganahin ang imagination niyo. hindi eto kagaya lang ng isang ordinaryo na babasahin, kaya sana basahin niyo salamat t...