"Gabing matutulog si kyle kina jasper"
"Nangmatapos magligo si kyle at jasper, nagbihis na itong dalwa ng pantulog na damit para makapag pahinga na sila"
"pinahiram ni jasper si kyle ng masusuot dahil wala dalang bihisan si kyle"
JASPER: bro ito na ang pinaka malaki kong damit at short, try mo na isuot feeling ko kasya naman yan sayo.
KYLE: Sige isusuot ko na bro, salamat
JASPER: Sige lang bro.
KYLE: bro oo nga pala, bakit 'dikopa nakikita ang magulang mo na nandito sa bahay niyo kasama mo.
JASPER: si papa nasa ibang bansa dun siya nag ta-trabaho, tas si mama naman busy din sa work kaya minsan lang siya nakakauwi.
KYLE: Anong pangalan ng mama mo jasper
JASPER: Joane bakit bro?
KYLE: wala lang natanong ko lang bro."Nang matapos si kyle magbihis umupo na ito sa kama at inaantay niyang matapos mag bihis si jasper para sabay na silang magpahinga"
"natapos na si jasper mag bihis kaya naman umupo na ito sa kama sa tabi ni kyle"
JASPER: bro anong problema?
KYLE: ha? wala bro.
JASPER: bro we're friends since high school, kaya alam ko pag may problema ka o wala. ramdam kita bro.
KYLE: wala bro wala ako problema.
JASPER: okay sabi mo e, pero ramdam kita na may problema ka bro, but I don't want to force you na sabihin mo sa'kin kung anong problema mo, pero kung gusto mo naman mag open sakin, I'm free to listen.
KYLE: bro pwedi payakap?"Yumakap si kyle kay jasper at naglaglagan ang mga luha nito"
"Ilang minuto pa nagbitaw na yung dalwa sa pagkayakap at nag usap"
KYLE: bro paano kung maysabihin ako sayong bagay na hindi kapanipaniwala pero totoo yung bagay nayun, maniniwala kaba sa'kin?
JAPSER: oo naman bro, ikaw yan e, kaya kahit anong sasabihin mo maniniwala ako.
KYLE: may gusto akong lalaki na hindi niyo nakikita.
JASPER: ha? pwedi palinaw bro 'di kita ma gets.
KYLE: may espirito akong nakikita at siya yung nagpatibok ng puso ko, ang pangalan niya ay nico bro.
JASPER: espirito? seryoso ka bro?
KYLE: oo bro seryoso ako.
JASPER: anong sinasabi mo? may sakit kaba?
KYLE: bro seryoso ako. naalala mo noong umaga na sinundo niyo ako nina rose at anthony sa condo para sabay sabay tayo pumasok, andun siya bro samay sofa naka upo noong araw nayun. tas naalala mo noong exam, yung totoo bro wala akong maisasagot nun sa exam pero kasama ko siya noong araw na yun sa loob ng room kaya naman nagawa kong makapag cheat sa exam. sa totoo lang karamihan ng sagot ko nanggaling sayo, binabasa niya yung mga sagot mo tas sinasabi niya naman sa'kin. 'di ba ang hirap paniwalaan kahit sino walang maniniwala sa'kin kaya nga sayo ako lumapit kasi alam kong ikaw yung best friend ko at malaki ang chance na maniwala ka sakin kasi ikaw ang mas nakakakilala sakin kumpara kay rose at anthony. bro totoo ang sinasabi ko espirito siya na ako lang nakakakita. it's up to you kung maniniwala ka sakin o hindi."Natulala si jasper sa mga narinig niya kay kyle"
KYLE: ayos lang bro kung hindi ka maniniwala sa'kin gusto ko lang naman na makapag open sayo.
JASPER: bro naniniwala naman ako sayo e. ngayon napagtanto ko na kung sino yung nico na tinatawag mo, siya pala yung espirito na sinasabi mo na nakikita mo, diba?.
KYLE: oo bro siya yun.
JASPER: naalala mo noong umaga na sinundo ka namin sa condo mo, may binanggit kang pangalan at siya ang hinabilinan mo na bahala na sa condo mo. tas naalala ko noong bago mag exam may tinawag kana namang panagalan tas kinawayan mo pa. tas isang beses nga nakita kita sa SM kasama mo ata
siya dun.
KYLE: ha anong sa SM?
JASPER: naalala mo noong birthday mo, 'diba gumawa kami ng surprise party para sayo, pumunta ako ng SM noong araw ng birthday mo para bumili ng cake tas nakita kita sa SM na nag lalakad mag-isa walang kausap pero mukang may kausap, walang katawanan pero mukang may katwanan. e mukang masaya ka noong araw na yun kaya hindi na kita nilapitan pa. bro may sasabihin ako sayo sa maniwala kaman sakin o hindi, nararamdaman ko din siya, yung nico na sinasabi mo.
KYLE: paano bro?
JASPER: noong birthday party mo noong hinalikan kita ramdam ko na nasa pinto siya nun bro at naka tingin satin. tas noong paalis na ako sa condo mo bro ramdam ko ang init sa labas na para bang nababalot ng kalungkot noong gabi nayun. sa maniwala kaman o hindi nararamdaman ko siya bro pero hindi ko siya nakikita.. ngayon bro ramdam ko na mag-isa kalang at hindi mo siya kasama.
KYLE: bro maniwala ka sakin naniniwala ako sa sinasabi mo. kasama ko nga siya sa sm noong araw nayun. ngayon alam ko na kung bat niya nalaman na hinalikan mo ako noong gabi nayun. nandun pala siya nun at ramdam mo. pero hindi ko siya nakita noong gabi nayun kasi lasing na lasing na ako. tas noong umaga pagtapos ng birthday ko umuwi siya sa condo at nagtalo kami, pag tapos ng pagtatalo namin umalis na siya sa condo at hindi na nagparamdam ulit.
bro, miss ko na siya sobra, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na siya makita simula noong umalis siya 'di ko na alam kung paano at saan ko siya mahahanap.
JASPER: bro pasensya kana ha, dahil sakin nagulo pa kayong dalwa pasensya kana bro pasensya kana talaga."Naiyak si jasper habang humihingi ng tawad kay kyle at sinisisi ni jasper ang sarili niya sa nangyari"
JASPER: bro pasensya kana kasalanan ko ang lahat. sorry talaga brooo.
KYLE: wag mo sisihin ang sarili mo bro, hindi mo lang yun kasalanan kasalanan nating dalwa yun kaya wag mo bro sisishin ang sarili mo
JASPER: bro siya ba yung tinutukoy mong lalaki na mahal mo, na hindi namin nakikita?
KYLE: oo bro, siya yung lalaki nayun. minsan nga sinasabi ko sa sarili ko bat hindi nalang ikaw ang mahalin ko. kasi unang-una tao ka, kaybigan kita at maskilala kita. pero hindi ko naman magawang lukuhin ang sarili ko kaybigan lang talaga ang nararamdaman ko para sayo. sorry kung hindi kita magawang mahalin gaya ng inaasahan mo, pero pangako ko kaya kitang mahalin ng sobra bilang kaybigan ko na parang kapatid ko.
JASPER: Mahal mo na siya?
KYLE: oo mahal ko na siya kahit sa maikling panahong nagkasama kami. sobrang saya ko tuwing kasama ko siya, sobrang saya ko pag nasa tabi ko siya, sobrang saya ko pagnakikita ko siya. basta masaya ako sa kanya.
JASPER: naiintindihan kita bro na mahal mo na talaga siya, mabuti narin na ako nalang ang mag paparaya lalo na't alam ko na masaya ka sa kanya. ngayon mas naisip ko na na mas mabuting maging kaybigan nalang tayo kesa sa ini-expect ko. kasi atleast ngayon alam ko na mahal mo din ako bilang kaybigan mo at masaya na ako dun.
KYLE: Salamat sa pang unawa bro.
JASPER: oo naman, salamat din kasi kahit nalaman mo na hindi ako straight at nagustuhan kita hindi ka lumayo sakin or nailang.
KYLE: hindi ako lalayo sayo at maiilang kahit anong mangyari bro.
JASPER: Itigil na natin tong drama natin bro, ngayon isipin nalang natin kung san natin makikita si nico.
KYLE: natin? ibigsabihin bro tutulungan mo ako?
JASPER: oo naman bro tutulungan kita kasalanan nating dalwa yun e, ayuko na ikaw lang magdusa sa paghahanap sa kanya, pati gusto ko mag sorry sa kanya sa nagawa ko.
KYLE: sige tulong tayo. sigurado naman ako na hindi pa tuluyang naglaho yun kasi hindi pa niya alam kung bakit siya namatay."kaya naman nag-isip si jasper at kyle sa mga lugar na posibilidad na pweding mahanap si nico"
JASPER: bro san ba kayo nag meet?
KYLE: sa siminteryo bro.
JASPER: tama sa siminteryo natin siya makikita bro kasi dun lang pwedi siya bumalik kasi gaya ng sabi mo kung hindi pa siya tuluyang naglaho dahil 'di niya alam kung bakit siya namatay. it means dun lang ang posibilida na lugar na pwedi niyang babalik.
KYLE: tama ka bro tara puntahan natin siya sa sabado.
JASPER: sure bro. so paano tulog na tayo?
KYLE: sige bro tulog na tayo , salamat sa lahat lahat ha sa paniniwala sa'kin, sa pag unawa, at sa pag papatulog sa'kin ngayon dito sa inyo.
JASPER : Welcome ka lagi bro. basta kaya kong gawin para sayo gagawin ko."Naalala ni kyle si nico sa sinabi ni jasper"
"Ilang minuto pa humiga na ang dalwa sa kama at natulog, yumapos si kyle kay jasper kagaya ng dati nilang pwesto pag natutulog"
END CHAPTER 11
Quotation
"Be comfortable with your bestfriend"

BINABASA MO ANG
"I'm still existing"
CasualeAnong gagawin mo kung pagising mo sa umaga ay nasa siminteryo ka? Ang story na'to papaiyakin kayo, papakiligin patatawanin at papaganahin ang imagination niyo. hindi eto kagaya lang ng isang ordinaryo na babasahin, kaya sana basahin niyo salamat t...