"ANDREI!!!!!" ........ tsss.. ano kayang gnagawa nito dito...
"Larry???" hah! nagulat sya ..oo.. yung itsura nya ang sarap ibaon sa lupa!! nakakapang gigil sya!
Pasalamat sya, mahaba pa ang pasensya ko.
"Yes,, it's ME, Andrei.. tagal na nating di nakakapag kwentuhan ah.." Gusto ko lang maging cool, cool LANG MUNA..
"Anong kailangan mo?" Napatayo sya sa kinauupuan nya.. Gusto nya ba ng gulo.. bibigyan ko sya, kung gusto nya..
"Pare, chillax ka lang, gusto ko lang na makipag usap sayo" sabi ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid ko.
"Ano bang dapat nating pag-usapan?" ramdam ko gusto na kong sungggaban ng lalaking to,, pero hinay hinay lang muna tayo..
"Ano?? o SINO ang dapat nating pag-usapan?? tss... Andrei----"
"Bakit mo alam na nandito ko..." bastos to ah singit ng singit di pa ko tapos magsalita.
*sigh* " nagpunta ako sa inyo,........ oo.... sinadya kita, pero wala ka daw, at dito ka daw nagpunta.. kaya nagpunta na din ako dito... at ikaw? anong gnagawa mo dito?" oo nga naman,,, bakit nandito tong lokong to?
"ha? ahh wala.. masama bang pumunta dito..?" sagot naman nya sakin habang masama pa din ang tingin.. kung nakakapatay ang tingin nito????? oo aaminin ko matagal na kong patay!! tss,...
"Okay Andrei... let's talk about Sally.." naglakad lakad ako papunta sa may likuran nya.
"What about Sally?" tapos tumingin sya sakin..
"Mahal ko pa rin sya at di yun nagbago,, at alam mo bang ikaw ang sagabal sa buhay ko?? sa buhay NAMIN? kaya kung pwede lang STAY AWAY FROM US! yan lang ang gusto kong sabihin sayo, kaya kung pwede lang gawin mo..." umalis na ko baka d na ko makatiis makasakit pa ko...
---------------------------------
SALLY'S POV--
Kasabay ko si Kuya, at inihatid nya ako sa room ko, oo parang bata no.. ayaw lang nya talaga akong ipapalapit dun sa Larry na yun..
Habang nag lalakad kami,, nakita namin si Andrei,, naalala ko tuloy yung nangyare, nahihiya ako sa kanya, pati narin kay Faye, nakakahiya, kung malaman nya, tssk...
Bumulong sakin si Kuya,, pero...
"Sally, classmate naman kayo ni Andrei sa math diba, im sorry pero kailangan kong gawin to..."
huh??? ano daw?? kailangang gawin ang alin?? ang gulo ah.. pero nahihiya talaga ako...
"Andrei.... uhmm.... pwede bang favor???" tapos biglang tumingin sakin si kuya..
"Sure... ano yun??" tapos tumingin din naman tong isang to sakin!!! grabe tong dalawa e!
"Gusto ko na ....... siguraduhin mo na hindi makakalapit si Larry dito sa kapatid ko.. or call me if there's any problem.. basta gusto ko lagi mo syang sasamahan.."
what???????????????????? NO WAY!!! pero .... bakit pa... d ba alam na mas lalong magkakaroon ng gulo kapag ginawa yun ni Andrei? Si kuya di nag-iisip...
"Pero-ano----- kuya.. nakakahiya naman kay Andrei....... ahh.... Andrei wag na...... nandyan naman si alexa, lagi ko naman syang kasama... kuya... okay na ko... baka di na ko guluhin nun no..... tsaka-------"
nagulat na lang ako kasi biglang nagsalita si Andrei..
"Hindi.... babantayan kita... yan ang sabi ng kuya mo... wala na kong pakialam sa lalaking yun... una na kami brad......." tapos nun. hinigit na nya ako... anong nangyare dito sa lalakeng to,, di na tuloy ako nakapag paalam kay kua.. haayy...!!! naman!!
"Andrei,,, saglitt----------- a-ano ba........... teka nga...... d mo naman klangang seryosohin si----"
O_O
"SALLY SA AYAW AT SA GUSTO MO, BABANTAYAN KITA, MATAGAL KO NANG SINABI SAYO YAN DIBA......!!!!!" ngaun lang ako sinigawan ni Andrei ng ganito,... bakit parang nanlambot ako bigla...
"so-sorry Andrei.. pa-pas--------" hawak pa nya yung kamay ko, at mas lalo pa nyang hinigpitan...
"sorry , sorry Sally, halika na.. basta,, araw araw kitang babantayan .... okay,,, ?" sabi nya sakin.. tapos nagkatitigan lang kami... Sally.. gising......... hindi .......!!! may Faye yan no!!
"teka. di naman ata pwede yan.. alam na ba to ni Faye,,??"
Teka bakit bigla syang napatigil?? problem??
"wala na kami........" tapos hinila nya ulit ako... pero... wala na sila?? bakit?? dahil ba sa mga nangyayari kay Andrei?? dahil sa problema ko?? ........
siguro nga.... nadadamay si Andrei dito at di pwede un.. ang tanga tanga naman kasi!!!!!
"what?? pero ...Andrei...... dahil ba sa problemang to?? Andrei pasensya kung naiipit ka sa ganitong sitwasyon... di ka na dapat--------"
"Sally,,, don't be sorry...... kung nag aalala ka... don't be, okay kami ni Faye hindi sya galit sakin, kahit sayo,, wlang problema okay... basta ang importante....maging okay na sana ang lahat ng problema.... ayaw kitang...... ayaw ka naming nakikitang nasasaktan..... "
di na ko nakaimik pa...
Andrei wag kang ganito.... ang hirap kasi ehh... mahal kita,,,,, pero di mo naman ako mahal.........
alam nya ba yung salitang MASAKIT?? ayoko na.................. baka umasa na naman ako neto e... tsskkk....
magkatabi nga pala kami sa math class... ang awkward.. walang imikan,, lagi lang akong nakatingin kay Alex, si Larry,, nasa dulo yun, buti naman... pero kabado ko baka kung anong mangyare ehh.. kasi si Andrei daw babantayan ako, tapos Larry andyan lang lage.. tsskkk...... sakit sa ulo... nakaka-stress!!
------------------------------
ANDREI'S POV--
'stay away from us??' 'sagabal?' 'sa kanila ni Sally???'
di pa rin mabura sa isip ko. pano akong sagabal sa buhay NILA ni Sally? e sya nga tong UMEPAL!! nakakapang init ng dugo!! kung hindi dahil sa kanya, eh matagal ko nang nasabi sa kanya, kung gaano ko sya kamahal!!! SYA ANG SAGABAL HINDI AKO!!
..............................
Di ko namalayan na nagbell na pala.. tiningnan ko muna si Alexa, bago ako tumingin kay Sally, umiiwas sya ng tingin pansin ko..
"ahh... Sally,,, pasensya dun sa kanina" ang awkward pa din..
"...... wala yun.. kalimutan na naten yun...." tapos nag smile sya pero halata pa rin na di sya okay... ayoko ng ganito... gusto ko nang umamin sayo,, pero alam ko namang this in not the right time..
gusto ko nang sabihin ang lahat...... pero takot akong malaman nya,, baka magbago na naman.. baka mas lumayo sya... baka...
baka....
iba ang nararamdaman nya para sakin......
Alam kong mahirap pang gawin yun sa ganitong sitwasyon...
Pipiliin ko munang itago ang lahat....