LARRY'S POV--
Ang gulo na ng isip ko, may chance pa kaya na kausapin ako ni Sally? Pero sana meron pa, ang laki ng naging kasalanan ko sa kanya, sa tuwing mapapaisip ako at aalalahanin lahat ng nagawa ko, napapailing na lang ako, di ako makapaniwala na kaya kong gawin ang lahat ng yun, at sa babaeng mahal ko pa. Pero ngayon alam ko na ang lahat, na di pwede, na di kami para sa isat isa, na wala na talagang pag-asa, na haggang dun na lang ang lahat.
Sally please sana kausapin mo ko,
sa huling pagkakataon.
Lalabas na lang muna ako, gusto kong magpahangin at makapag isip muna, dahil bukas na ang pinaka hihintay ko, pero wala pa ring kasiguraduhan, hindi ko alam kung makikipag kita sya sakin, di ko alam kung kakausapin nya ko, pero lahat tatanggapin ko , deserve ko ngayon ang masaktan, deserve ko ngayon ang maiwan.... kung maibabalik ko lang lahat diba, e di sana masaya, sana okay ang lahat, sana malapit pa din ako kay Sally kahit na di ako ang kasama nya basta alam kong masaya sya...
Naglakad lakad lang ako sa labas ng bahay namin at nagpunta sa isang malapit na garden dito umupo ako sa isang bench na malapit sa isang man made river, maganda dito, tahimik, at ang tanging maririnig lang ay ang tubig na umaagos mula dun sa river na yun...
"Larry......."
Nakapikit ako nang biglang may tumawag sakin.
Pagtingin ko sa likod si dad lang pala, kala ko kung sino na.
"Dad, pa-pano nyo po nalaman na nandito ako?"
"Nakita kasi kita na lumabas ng bahay kaya sinundan lang kita dito, kung okay lang ba..?"
"Of course dad... " nginitian ko lang sya at pina upo sa tabi ko.
"Anak,,,, are you ready for tomorrow?"
Napatingin ako sa kanya,, then i smiled..
"Yes, dad, i'm ...... ready..."
Bigla na lang akong kinabahan, kasi sa totoo lang, natatakot ako, kahit na sabihin ko na kaya ko, alam kong bibigay din ako, alam kong mahirap pa rin..
SALLY'S POV--
"Kuya,, okay ka lang? bakit parang balisa ka dyan? may problema ba? masama ba pakiramdam mo?"
"Hindi... hindi no.. ahh.. ano lang kasi.... ahh.. Sally tanda mo ba nung nag yaya akong mag movie marathon tayo,,... uhmm.. actually i was about to tell you something..."
hmm.... Sabi ko na nga ba ehh,,, kaya kakaiba nun si kuya eh,, parang ewan na di maintindihan.
"Ehh bakit di mo kaagad sakin sinabi? Ano ba yun kuya??" tanong ko habang nagtatakaw sa kusina..
"Ahh... kasi kinausap ako ni tito about Larry .. alam ko na lahat nun..."
O__O ... seryoso?? napatigil na lang ako sa pagkain ko.... pero di ba dalwa lang kami ni tita ang may alam. tss..
"Pero ... paano? ehh kami palang ni tita ang nakakaalam nun ahh..."
"Pinasabi ko kasi kay tito na wag sabihin sayo na alam ko na ehh... pero.. sasabihin ko na nga sana sayo yun, nung araw na yun ehh kaso nagdadalwang isip ako, baka kasi magalit ka sakin, dahil alam kong ayaw mo syang pag usapan... kaya nag decide si tito na sya na lang ang magsasabi sayo, kasi sabi nya kailangan mo na din tong malaman.."
Napaisip ako sa sinabi ni kuya, tama naman sya eh buti na lang di nya sinabi yun at kung tutuusin si tito naman talaga ang may karapatan na sabihin yun sakin eh.
"Siguro nga kuya, tama din yung desisyon mo nun na wag na lang munang sabihin sakin, mas okay na din na si tito yung nagsabi sakin..." at nginitian ko sya.. i know what to do now.
