Chapter Three

4 1 0
                                    

Ace's POV

Paggising ko ay agad kong ginawa ang daily routine ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain. Gaya ng dati ay mag-isa na naman akong kumain sa mesa.

"Alis na po ako, yaya" paalam ko kay yaya Telma saka lumabas at sumakay sa kotse ko.

"Mag-iingat ka, sir Ace" pahabol niya.

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko patungong LIA at agad naman akong nakarating sa destinasyon ko pero gaya ng dati ay nakaabang na naman ang BG kaya paniguradong mabubugbog na naman ako!

d-.-b

Bakit ba lagi na lang!?

d>>_<<b

"Owww, bakit parang hinang-hina ka ngayon, tuta?" kunyari ay naaawang tanong ni Lucas.

Napabuntong hininga na lang ako dahil pinalilibutan na nila akong tatlo.

"Hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan niyo ako nang pahanon" walang emosyong usal ko.

Napaluhod ako matapos kong maramdaman ang malakas na suntok sa sikmura ko. Pamilyar na sa akin ang pakiramdam na ito pero hindi masanay-sanay ang katawan ko.

"Dahil ang sarap mong paglaruan" sambit ni Beiran saka ako muling sinuntok sa mukha at tinadyakan.

Nagpagulong-gulong ako sa sahig dahil sa lakas ng sipa niya.

d>>_<<b

"Ano? Hindi mo na ba kaya!?" tanong naman ni Windler saka ko muling naramdaman ang sipa niya sa mukha ko.

Napaubo ang ng dugo dahil sa sipa at suntok nila!

"Tara na, okay na yan para sa araw na 'to" dinig kong ani Lucas.

Sandali pa akong nahiga sa sahig dahil pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko dahil sa mga suntok at sipa nung tatlong bugok!

d>>_<<b

Nang makabawi ako ng kaunting lakas ay dahan-dahan akong tumayo kahit pa medyo nahihilo pa ako. Gaano ba kalaki ang naging kasalanan ko nung past life ko para maging ganito kasama ang karma ko!?

Napasinghal ako matapos kong mahawakan ang basag nang labi ko dahil sa pagpunas ko sa dugong tumulo sa labi ko.

d>>_<<b

Naglakad na ako patungong main gate pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay napansin ko nang may kakaibang nangyayari dahil sa mga magsisigawang estudyante. Kumpol-kumpol din sila na para bang may kung sinong sikat na dumating o nagtatanghal.

d-.-b

Gaya ng dati ay hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay naglakad na lang ako patungong faculty ko. Nang malapit na ako sa room ko ay huminto ako dahil pakiramdam ko nahihilo pa rin ako. Ang lakas ng sipa at suntok nila ngayon ah!?

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon