Chapter 14

2 1 0
                                    

Tine's POV

"Read that, I'm leaving now" turo ni Ace sa papel na ibinigay niya sa akin. Gaano ba kadami ang rules niya?

d-.-b

"Aalis ka na agad? Hindi ka man lang ba pipili ng club na sasalihan mo?" natigilan si Ace sa akmang pagtalikod niya nang biglang sumulpot si Yesha sa kung saan.

"Hindi ako interesado" sagot naman ni Ace saka naglakad pero muli na namang natigilan nang magsalita si Yesha.

"Hindi ka interesado? I thought you were just afraid of people after living like an invisible person?"

"Hmm..you know nothing so don't talk as if you do" halatang naiirita siya kay Yesha.

"Why don't you go for a change?"

"Change? Change go for me even if I don't want to" makahulugang sambit ni Ace.

"Not a bad idea, Brix! Bakit hindi mo subukang sumali sa club?" singit ni Saint, nilingon naman siya Ace.

Walang kahit na anong salitang lumalabas mula sa bibig ko. Nanatili lang akong nakatayo pinapanood sila habang nagsasagu--nag-uusap. Napatingin ako sa papel na hawak ko kung saan nakasulat ang 'so called rules' ni Ace Brixton Cuevaz.  Kunot noo kong tinitigan ang kapirasong papel. Pwede ko itong buksan at basahin ngayon pero may kung ano sa loob ko na magsasabing huwag muna.

"Tine.."

Ano nga kayang mga rules ang sinulat niya? I'm curious.

"Tine??"

Did he really came just to give me this? Effort ba yun? Hm?

"TINE!!"

"WHAT!?" wala sa sariling sigaw ko nang bigla akong tawagin ni Saint. Uh oh. "Sorry..what is it, Saint?" napapahiyang tanong ko.

Noon ko lang napansin na wala nang tao sa paligid bukod sa amin. Si Ace, Yesha, ako at ang mga kaibigan ko. Bakit hindi ko man lang napansin na umalis na sila? Tumingin ako kila Yesha at Ace at gusto kong matawa dahil sa iisang reaksyon sa mukha nila.

"Ano bang iniisip mo diyan?" kunot noong tanong ni Timothy. "Kanina ka pa namin tinatawag" dagdag pa niya.

"They're asking you if you want Ace to choose his club with you..for a change" saad naman ni Zion.

"Ako? Bakit ako?" takang tanong ko.

"Because you're his boyfriend??" patanong na sabi ni Zion. Oh..

Dahan-dahan kong ibinaling kay Ace ang paningin ko pero wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya. Normal niya na yan? Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa nangyayari, naiinis, nagagalit o nandidiri. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya kaya sinubukan ko siyang titigan sa mata pero agad din siyang umiwas.

"Austine, ano na?" niinip na tanong ni Saint.

"Ahm.. Ace--"

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon