Chapter Four

3 1 0
                                    

Tine's POV

"Woah!" namamanghang ungol ni Saint habang tinatanaw si Ace na papalayo.

"Grabe, kakaiba siya" saad pa ni Timothy.

Gusto kong humanga dahil sa inasta niya. Gaya noong una ko siyang makita, which is kagabi, straight to the point talaga siya kung magsalita. Napapangiti kong nilingon ang mga kaibigan ko saka tumakbo, sumunod naman sila sa akin.

"He's cool, Tine" napalingon ako kay Saint dahil sa sinabi niya.

"Yan din ang nasabi ko noong una ko siyang makita" natatawang saad ko.

"Ayaw nga lang niya sa mga tao, baka naman alien ang gusto niyang kaibiganin o kaya mga hayop? Weird" natawa naman kami dahil sa sinabi ni Zion.

"Basta gusto ko siyang makilala, malay niyo naman 'di ba? Maybe he's different from what he was outside" usal ko.

I find him interesting. Gusto ko siyang maging kaibigan. Marami akong gustong malaman tungkol sa kanya. Weird pakinggan pero noong una ko pa lang siyang makita sa may ilog ay may kakaiba na akong pakiramdam tungkol sa kanya. Pakiramdam ko hinihila ako ng personalidad niya para mas mapalapit pa sa kanya. Kakaiba lang.

d^_^b

Pero syempre hindi ako bakla gaya ng iniisip niyo.

"Tss, paano nga pala yung kasal mo?" napaisip ako dahil sa tanong ni Tim.

Maging ako ay hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang kasal na iyon. Hindi ako pwedeng magpakasal dahil hindi ko pa nahahanap ang true love ko!

d>_<b

Alam kong kapag sinabi ko kina mama at papa na ayokong magpakasal paniguradong hindi sila papayag. Ayokong makulong sa kapirasong papel dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay. Ayokong pakasalan at makasama ang taong hindi ko naman lubusang kilala. Paano kung hindi siya mabait katulad ng sabi nila mama at papa? Paano kung hindi ako maging masaya sa piling niya?

Alam kong nakakababae ang asta ko pero hindi ko isasakripisyo ang buhay ko para lang sa kasal na hindi ako sigurado. Gusto kong maging masaya ang mga magulang ko at handa akong gawin lahat para sa kanila, pero hindi ito. Bata pa lang ay pinangarap ko nang ikasal sa babaeng mamahalin ko habang buhay. Yung babaeng liligawan ko, susuyuin ko at kasama kong haharapin lahat ng masasaya at masasakit na pangyayari sa buhay ko.

At hindi ko hahayaang masira yun ng ganun-ganon na lang. Hindi ko isasakripisyo ang kalayaan ko para sa kayamanang sobra-sobra nang meron sa amin. In the first place, hindi ko naman kailangan ng maraming pera dahil maiiwan ko rin naman ito kapag namatay ako. And I don't wanna die unhappy!

"I don't know, Tim, kahit ako hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang kasal na yun, ayokong makulong sa kapirasong papel," napapabuntong hiningang usal ko habang tumatakbo. "Maaring sa ngayon ay nagagawa ko pang takasan sina mama at papa, pero paniguradong hinahanap na nila ako" problemadong dagdag ko.

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon