Ace's POV
Nagdadalawang-isip kong kinuha ang damit na ibinigay sa akin ni daddy kanina. May kasama itong maskara na kulay asul. Mula mata hanggang ilong ang matatakpan kapag suot ito. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pumunta dahil wala naman akong kakilala doon at isa pa hindi naman ako kilala nang mga tao. Walang nakakaalam na may anak ang mga magulang ko. Bumuntong hininga ako saka ito isinukat. Puting long sleeve at itim na pants lang ito pero halatang mahal at may kalidad. May itim na din ang kulay nang topper pero hindi ko talaga gustong isuot yun dahil masyadong mainit kapag nasa labas na.
d-.-b
Bagay naman sa akin at mukha akong presentable. Hindi ako kumportable na magsuot nang ganito dahil masyadong pangmayaman. Hayst. Napapailing kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. I look good in this. Agad ko ring tinanggal ang mamahaling damit at ibinalik ang T-shirt at jogging pants ko. Tumingin ako sa orasan at alas-otso pa lang nang gabi. Nahiga ako at sinubukan kong matulog pero hindi ako magawang dalawin nang antok.
d-.-b
Bumangon ako sa kama at napatingin naman ako sa telepono ko. Kinuha ko iyon at hinanap ang recent calls. Agad ko namang nakita ang hinanap ko. Austine's number. Pinindot ko ito at ang sunod ay ang save.
Add New Contact
Name : Mr. Reality
Number : 0926 *** ****Saved!
Napangiti ako. Naalala ko nang minsang makita ko ang numerong ito sa screen nang cellphone ko. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang pagbabagong nagaganap sa akin. Kung paanong nagawa niya akong papuntahin sa park nang gabing iyon. Kung paanong biglang nagbago ang desisyon ko at pumayag akong maging kasabwat sa plano niya. Alam kong hindi mismo sa kanya galing ang mga salitang sinabi niya sa akin pero may kung ano sa kanya na kusang pinaniniwalaan nang puso ko.
d-.-b
Huminga ako nang malalim at saka muling nahiga. Nakatitig lang ako sa kisame, inaasahang aantukin ako sa pamamagitan nun. Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame pero hindi pa rin ako nakakaramdam nang antok.
d>_<b
Knock! Knock!
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.
"Ace? Gising ka pa ba?" dinig kong sabi ni Veronica.
"What do you want?" pasigaw na tanong ko.
"Can I come in?"
d-.-b
"Tss, no"
"Why? Kung hindi ako pwedeng pumasok, lumabas ka na lang dito,"
Napapapikit akong bumuntong hininga dahil sa kakulitan niya. Bata siyang tingnan pero napag-alaman kong mas matanda pala siya sa akin.
d-.-b
Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa pintuan.
"What?" walang emosyong tanong ko pagkabukas nang pinto.
"K-Kasi.."
"What?" pag-uulit ko sa tanong ko nang hindi niya ituloy ang sinasabi niya.
"N-Nanood kasi a-ako nang horror film, s-sobrang nakakatakot," nakayuko siya habang pautal-utal sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
CHANGE
RandomPara kay Ace Brixton Cuevaz ay walang kwenta ang buhay dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya kabilang sa mundong kinatatayuan niya. Bata pa lang ay uhaw na siya sa atensyon nang mga magulang niya dahil masyadong abala sa pagpapayaman ang mga ito...