Ace's POV
I didn't bother to listen on what he was going to say. Naglakad ako papasok sa campus pero imbes na sa locker ay sa likod ng campus ako dumeretso kung nasaan ang punong paborito ko. Hindi pa man gumagaling ang mga galos ko mula sa tatlong bugok na yun pero alam ko na hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi maganda ang mood ko.
d>_<b
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan na naman nilang makialam. Sinabi ko na sa kanila na hindi nila ako kailangang pakialaman dahil hindi ko naman kailangan ng tulong nila. Ayokong tinutulungan ako ng kahit na sino dahil baka dumating yung araw na umasa ulit ako. Pagdating ko sa puno ay kinapa ko ang cellphone ko..
Nawala ko nga pala iyon..
d>_<b
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ko ba naiwan iyon. Sa totoo lang ay pwede naman akong bumili ng bago kung gugustuhin ko pero masyadong mahalaga sa akin ang cellphone na yun dahil bigay sa akin ni mommy yun kahit pa hindi mismo siya ang nag-abot. Naupo ako saka tumingala sa langit. Asul lang ang makikita at walang kahit anong bahid ng ulap. Hindi rin ganon kainit, masarap sa pakiramdam.
d-.-b
Napapabuntong hininga kong ipinikit ang mga mata ko. Kapag ginagawa ko ito pakiramdam ko ay napapayapa ang damdamin ko. Pakiramdam ko ako lang mag-isa pero hindi siya yung mag-isa na malungkot. Pinakiramdaman ko ang pagdampi ng hangin sa mukha ko.
d^_^b
Kung pwede lang na lagi na lang akong nakapikit..
Noong bata pa ako ay may isang taong nagsabi sa akin na kapag pakiramdam ko nag-iisa ako tumingin lang ako sa langit at pumikit. Ang sabi niya pa kahit na magkalayo daw kami sa isa't isa kapag nakatingin kami sa iisang kalangitan, naglalakad sa ilalim ng iisang buwan at nakararamdam ng init mula sa sinag ng iisang araw, magkalapit pa rin daw ang puso namin at mananatiling magkaibigan. Na kahit anong mangyari, matagal na panahon man kaming hindi magkasama, magkita o magka-usap hahanap ng paraan ang mundo para muli kaming pagtagpuin. Sabi niya magkikita at magkikita kami kahit anong mangyari dahil bilog ang mundo at pareho kaming nasa dulo. But..what if it's just a lie, like the millions of the same lies I used to believed?
"..na dapat hindi ko pinaniwalaan," iminulat ko ang mga mata ko. "..hindi dapat ako naniwala, hindi dapat ako.. umasa na muli tayong magkikita," malungkot na sabi ko habang nakatingala pa rin sa langit. I used to believed what people told me and that was my biggest mistake. "..dahil hindi naman yun totoo. I was looking at the sky every time I felt sad and alone, I can feel the same heat from the sun but I never felt you. Naniwala ako na balang araw magkikita ulit tayo dahil ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko, pero maging ikaw ay kinalimutan na din ako..tinalikuran mo rin ako Deb" nalulungkot na sabi ko habang nagbababa ng tingin.
Isang tao lang ang itinuring kong kaibigan magmula ng mabuhay akong parang hangin. Akala ko mananatili siya sa tabi ko at sasamahan ako sa kalungkutan at kasiyahan ko pero gaya ng dati mali ulit ako. People never stay, they'll just stop then walk away. Iniwan niya din ako kasama ng kanyang pangako. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong babalik siya kahit na alam kong hindi na iyon mangyayari pa.
BINABASA MO ANG
CHANGE
RandomPara kay Ace Brixton Cuevaz ay walang kwenta ang buhay dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya kabilang sa mundong kinatatayuan niya. Bata pa lang ay uhaw na siya sa atensyon nang mga magulang niya dahil masyadong abala sa pagpapayaman ang mga ito...