Tine's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa ni Ace para sa akin. Takot na takot talaga ako kagabi nang bigla na lang siyang mawalan ng malay. Mabuti na lang hindi naman pala ganun kagrabe ang sugat niya. Hindi ko naisip na itataya niya ang buhay niya para lamg iligtas ako sa mga kidnappers na yun. Sa ipinapakita niya sa akin ay inisip ko na pababayaan niya lang ako pero hindi..hinabol niya yung van at iniligtas ako. Nasugatan siya nang dahil sa akin. He put his life at risk just to save me. Sina Timothy, Saint at Zion lang ang inaasahan kong gagawa nun para sa akin..well, bukod samga bodyguards syempre.
d-.-b
Tahimik na nagmamaneho si Zion habang si Saint naman ay paulit-ulit na sinasabing hindi na 'muna' siya mambababae at lagi akong sasamahan para kung sakali ay hindi na maulit yung mga nangyari kagabi. Napapailing na lang ako habang nakangiti dahil kung babalikan ko ang nangyari kagabi ay hindi pa rin ako makapaniwala. Natatakot pa rin ako. Inisip ko na lang na isang masamang panaginip iyon na kailangan kong kalimutan.
d-_-b
Huminga ako nang malalim nang makita kong papasok na kami sa parking area ng LIA. Nang itigil ni Zay ang kotse ay huminga pa ako ulit ng malalim bago bumaba. Naunang bumaba si Saint at Timothy. Medyo kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari kagabi. Lalo na at medyo madilim ang dito.
d-o-b
"Heyy!! Brix, bakit ba umuwi ka nang hindi nagpapaalam? Grabe nag-alala kami sayo!" agad akong bumaba ng sasakyan nang marinig kong tawagin ni Saint ang pangalan ni Ace.
He's here!? Nang magising kami kanina sa hospital room kung saan inilagay si Ace ay wala na siya kaya hinanap namin siya pero kalaunan ay naisip naming baka umuwi na siya kaya umuwi na rin kami. Nag-aalala ako kay Ace pero hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Akala ko ay hindi siya papasok ngayon kaya naman hindi ko inasahang makita siya dito sa parking lot..kasama si Veronica.
Nasunod lang ito sa kanya pero biglang tumigil nang huminto si Ace sa paglalakad. Hinanap niya kung saan nagmumula ang boses ni Saint at doon nga ay bumaling ang tingin niya sa amin. Gusto kong matawa nang bigla na lang siyang sumimangot nang makita kami ng mga kaibigan ko. Well, sa mga mata niya, rival kami. Tsk. Tsk. Tsk.
d--,bv
"Hindi ka muna dapat pumasok, baka hindi makabuti para sayo" saad ni Timothy, nakatayo na siya ngayon sa tabi ni Saint, nakaharap kina Ace at Veronica.
Nakakunot ang noo ni Veronica, halatang wala siyang ideya sa pinagsasasabi nung dalawa. Hindi siguro sinabi ni Ace ang nangyari kagabi kaya walang alam si Veronica tungkol dito. Masaya akong makitang okay lang si Ace pero nag-aalala pa rin ako dahil baka bumalik yung mga lalaking nakatakas.
"Hindi niyo kailangang mag-alala para sa akin, ayos lang ako" sagot ni Ace. Kahit walamg emosyon ang mukha niya ay masaya pa rin akong hindi 'it's none of your business' ang isinagot niya.
"Pero nakakapagod at hindi biro yung ginawa niyo ni Austine kagabi, hindi rin maikakailang nasaktan ka dahil doon" sambit naman ni Zion.
BINABASA MO ANG
CHANGE
RandomPara kay Ace Brixton Cuevaz ay walang kwenta ang buhay dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya kabilang sa mundong kinatatayuan niya. Bata pa lang ay uhaw na siya sa atensyon nang mga magulang niya dahil masyadong abala sa pagpapayaman ang mga ito...