Ace's POV
Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko habang pinapanood ko silang sirain ang dami ko dahil wala akong magawa! Kailanman ay hindi ko inisip na aabot sa ganito ang kamalasan ng buhay ko. Akala ko sa mga pelikula lang maaring mangyari ito. Pinapanalangin ko na sana ay isang masamang panaginip ang lahat nang nagaganap ngayon.
d>_<b
Bakit ba lagi na lang akong minamalas!?
"Huwag kang umiyak bata, masaya naman 'to e" parang asong ulol na usal nung isa saka pinunasan ang luha ko gamit ang magaspang niyang kamay!
d>>>_<<<b
Peste! Kadiri!
Naramdaman ko ang lamig ng hangin nang tuluyang masira ang pang-itaas na damit ko. Nandidiri ako sa bawat segundong nararamdaman ko ang balat nila sa katawan ko. Gusto ko silang tadtarin ng suntok at sipa pero masyado akong mahina para gawin iyon. Kaihit kailan naman pakiramdam ko ay himdi ako naging malakas dahil ipinanganak akong mahina o mas pinili ko lang sigurong magmukhang mahina kahit na ang totoo ay kaya ko namang maging malakas.
"Hoy!" napalingon ako sa gawing kalsada matapos may sumigaw mula roon.
d-o-b
Kung sino ka man, s-salamat..
Pagkatapos nun ay hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari. Nawalan ako ng malay at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak o sa takot na ngayon ko lang naramdaman. Basta ang alam ko, utang ko ang lahat sa taong iyon.
Austine's POV
Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o siya talaga ang nakikita ko. Hindi ko ine-expect na pumupunta pala siya sa mga ganitong lugar. Sa ayos niya kasi ay parang mas gugustuhin niya ang library kesa ang ganitong maingay na lugar. Napapangiti tuloy ako dahil may pagkakatulad sila ni Zion.
d^_^bv
Nagulat pa ako nang bahagya matapos niyang tumingin sa akin. Kahit malayo ay alam kong sa akin siya nakatingin. Nakatingin siya sa mga mata ko at nakaramdam ako ng saya nang makabasa ako ng paghanga. Ito ang unang beses na nag-iba ang paraan niya nang pagtingin sa akin. Maraming beses na akong tiningnan nang may paghanga pero kakaiba ang dulot nito nang sa kanya magmula.
d^_^b
"We found an everlasting... love...." pagtatapos ko nang kanta.
Nakangiti kaming kumaway sa mga nagpapalakpakang tao. Nilingon ko ang mga kaibigan ko at as expected, nambababae na naman si Saint. Halos lahat ng babae ay kinakawayan niya. Hindi niya yata kayang mabuhay ng walang babae sa paligid niya. Kahit halatang lasing na lasing na siya ay nagagawa niya pa ring manchix, hindi siya magpapapigil pagdating sa pambababae. Yeah, that's Saint, my friend.
d-.-b
Habang bumababa kami ay naghihiyawan pa rin sila. Halatang naasar na si Zion dahil ayaw na ayaw niya nang maingay. Sumasama lang siya dahil ayaw niyang magtampo si Saint sa kanya. Samantalang si Saint ay tuwang-tuwa naman. Si Timothy? Ayos na sa kanya ang alak, masyado siyang gentleman para mambabae kahit sa totoo ay wala naman siyang girlfriend.
d^_^bv
"Ayos ka lang, Zion?" nang-aasar na tanong ko, inirapan naman niya ako kaya lalo akong natawa.
"I really hate Saint, seriously" seryosong sabi niya, napapailing naman akong tumawa. "Ano bang nakakatua sa pambababae at paglalasing? I wanna know so I can fucking relate! Tss!"
BINABASA MO ANG
CHANGE
RandomPara kay Ace Brixton Cuevaz ay walang kwenta ang buhay dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya kabilang sa mundong kinatatayuan niya. Bata pa lang ay uhaw na siya sa atensyon nang mga magulang niya dahil masyadong abala sa pagpapayaman ang mga ito...