Chapter 16

1 0 0
                                    

Veronica's POV

Pag-uwi ko sa bahay ay wala pang tao bukod kay nanay Telma. Kumatok ako sa kwarto ni future husband pero walang sumasagot kaya naisip ko na baka may ginagawa siya kaya dumeretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga saka naligo at muling bumalik sa kwarto ni husby at kumatok pero wala pa ring sumasagot. Talaga bang ayaw niya sa akin? Napapabuntong hininga na langa kong bumaba dahil wala naman akong magawa.

"Good evening nay Telma" bati ko dito.

Ngumiti naman siya sa akin at bumati din. "Magandang gabi rin sayo hija"

"Kumain na po ba si husby?" kumunot ang noo niya sa tanong ko, malamang hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Ah, si Ace ba ang hanap mo, ay e hindi pa siya umuuwi hija" taka akong tumingin kay nay Telma dahil sa sinabi niya.

"E gabi na po e, bakit wala pa siya?" nakangusong tanong ko pero ngumiti lang siya.

"Huwag kang mag-alala sa batang iyon, kaya niya ang sarili niya"

"Bakit po parang siguradong-sigurado kayong walang masamang mangyayari sa kanya?"

"Dahil may tiwala ako sa batang iyon, Veronica, magtiwala ka rin sa kanya" nakangiting sambit niya.

Nginitian ko na lang siya saka ako nagpasiyang hintayin si Ace sa labas. Nasabi na sa akin nina tito daddy at tita mommy na madalas silang wala kaya kadalasan din ay si Ace lang ang mag-isang kumakain kaya nang magpasiya akong dito na tumira ay naisip ko ding samahan na siya sa mga bagay na mag-isa niyang ginagawa kahit na paulit-ulit niya akong ipagtabuyan. Is this really what love mean?

Second year high school ako nung una kong makita si Ace. Ilang araw bago ako bumalik ng America para sa pag-aaral ko. Nasa tabing ilog siya noon at umiiyak, lalapitan ko dapat siya noon para asarin pero napatigil din ako agad dahil sa paraan ng pag-iyak niya. Para siyang batang nawawala at takot na takot. Sanay na akong makakita ng lalaking umiiyak dahil sa kuya ko..hehehe..iyakin kasi yun. Pero sa kanya ko lang nakita at naramdaman ang sakit at pagdurusa. Noong makita ko siya ay parang wala siyang lakas. Walang laban.

Noong una akala ko dahil lang sa awa kaya hindi siya mawala sa isip ko kaya bumalik ako sa ilog kinabukasan pero hindi na siya bumalik doon. Matiyaga akong nagpabalik-balik, naghintay pero dumaan ang ilang buwan na hindi siua pumunta doon. Pero isang araw, nagbunga ang paghihintay ko, dumating siya at kagaya nung una ko siyang makita sa tabing ilog ag umiiyak na naman siya. Hindi ko siya nilapitan noon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinanood ko lamg siya sa hindi kalayuan. Muli, nakita ko na naman at naramdaman kung gaano kabigat ang pinagdaraanan niya. Sinundan ko siya noon pauwi sa bahay niya. Inalam ko kung saan siya nag-aaral. Hindi ako tumuloy sa pagbalik sa ibang bansa para alamin kung sino siya at kung bakit siya umiiyak.

Simula nang malaman ko ang bahay niya ay lagi ko na siyang pinupuntahan doon at hinihintay. Inalam ko kung saan siya nag-aaral at pinilit si daddy na payagan akong doon mag-enroll. Then, I realise I'm in love with him. Hindi na 'to basta curiosity lang kundi pag-ibig na. I fell in love just by watching him from a far. I fell in love with the guy I saw near the river..crying.

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon