Chapter 22

2 0 0
                                    

Tine's POV

Iniwan ko ang mga kaibigan ko sa itaas matapos sabihin ni Veronica na maagang umalis si Ace. Sinabi ko sa kanilang hihintayin ko si Ace sa parking lot. Bigla na lang kasi akong nag-alala nang sabihin niyang nakita niyang umalis si Ace nang madaking araw. Naisip ko na baka mapahamak siya kapag nakita siya nung mga kasama nang apat na lalaki. Naghintay ako sa parking lot pero hindi ko nakitang pumasok ang sasakyan miya kaya pumunta ako sa labas pero wala pa rin siya. Pumunta ako sa kanto dahil iyon lang naman ang daan papasok sa Academy pero hindi ko pa rin siya nakita. Nang hindi ko na mahintay si Ace ay nagpasiya na akong bumalik sa Academy dahil seven thirty na at wala akong balak mahuli. Nang makarating ako sa parking lot ay lumapit ako sa lugar na laging pinagpaparadahan ni Ace.

d-.-b

Wala pa rin yung sasakyan niya. Blangko pa rin ang space niya. Saan ka ba nagpunta, Ace? Kunot noo akong bumuntong hininga. Sana walang masamang nangyari sayo. Paglingon ko sa gate ay natigilan ako. Nakatayo si Ace doon habang nasa likod niya si Zion. Hinihingal sila pareho. Bakit sila hinihingal? Did they run? Dahan-dahang naglakad palapit sa akin si Ace. Pinanood ko lang siyang lumapit sa akin, ganon din si Zion. Hindi siya gumalaw sa pwesto niya. Anong nangyari sa kanila? Tumingin ako kay Ace pero kasalukuyan na siyang nakatingin sa akin. Para siyang nanghihina pero may saya sa mga mata niya. Ang mata niyang kadalasan ay walang emosyon ngayon ay meron na. Masaya ang emosyong nababasa ko sa mga mata niya. Masaya siya? Bakit?

Lalo akong naguluhan pero mas lamang ang gulat ko nang bigla niya akong yakapin nang makalapit siya sa akin. What's up with him?

d-.-b?

Teka..umiiyak ba siya? Naramdaman kong nabasa ang balikat ko. Narinig ko rin ang kaunting paghikbi niya. Umiiyak si Ace. Umiiyak siya habang nakayakap sa akin pero hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako kay Zion at bakas din ang pagkagulat sa mukha niya. Why is he crying? Did something happen? Kusang kulimos ang mga braso ko para yakapin siya pabalik. Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko. Mahapdi? Hindi, masakit..hindi literal pero masakit. Mabigat sa pakiramdam.

"A-Ace.." usal ko sa pangalan niya.

Hindi siya nagsalita pero bahagyang tumigil na ang pagluha niya dahil wala na akong maramdamang patak sa balikat ko.

dO_Ob

Nagulat ako nang bigla siyang humiwalay sa akin. Agad niyang pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi niya gamit ang likod nang palad niya.

"Anong problema?" Nag-aalalang tanong ko.

"Where the hell did you go!?" inis na tanong niya pabalik. Ngayon, bumalik na naman siya sa pagiging masungit.

"Hindi ko kasi mahintay na pumasok ka, kaya inabangan kita sa labas pero hindi ko nakitang dumating ang kotse mo, kaya dun ako sa kanto pumunta pero nang hindi kita mahintay bumalik na ako, yun," mahabang saad ko. Nag-aalala kasi ako.

"I was so fucking afraid I thought you were kidnapped!!" Sigaw niya, nagulat naman ako. He said he was afraid? Does he know the word afraid?

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon