Chapter 20

1 1 0
                                    

Timothy's POV

Nì hào!!

I'm Timothy James Zhang!! Sa wakas nagka-POV din ako dito, akala ko wala na e..

d^_^bv

Nagising ako dahil sa dampi nang sinag nang araw na dumampi sa balat ko. Laging bukas ang kurtina nang bintana ni Zion kaya naman malayang nakakapasok ang sinag sa loob. Inalis ko ang braso ni Saint na nakayakap sa akin--hayst! Ang likot matulog--siya kasi ang katabi ko. Dahan-dahan akong bumangon dahil tulog pa silang tatlo. Sabado ngayon kaya hindi ko na sila ginising. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at sipilyo. Dahil parang bahay na namin ang bahay ng isa't isa, narito na rin lahat ng gamit na kakailanganin namin. Ayos 'di ba?

d^_^b

Paglabas ko sa banyo ay bumaba na ako at hinayaan silamg matulog pa. Hindi ako marunong magluto pero mahilig akong kumain, sino ba naman ang hindi. Inilabas ko ang phone ko at um-order nang pizza saka naupo at nanood sa sala. Ilang sandali pa ay may nagdoor bell na.

Ding Dong!

Ding Dong!

Hanep, ang bilis ah?

Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto pero nang mabuksan ko ito ay nagulat na lang ako dahil may biglang yumakap sa akin.

dO_Ob

It a second bago naproseso nang utak ko ang nangyari saka ako nagreact.

d>>_<<b

"Hey! Get off me!" pilit kong itinutulak kung sinoman ito pero sadyang mahigpit ang yakap niya na halos 'di na ako makahinga. "I said get off me, ano ba!?" sa pangalawang pagkakataon ay nagawa ko na siyang mahiwalay sa akin.

dO_Ob

Teka!? Siya ba talaga yan?

"Why did you push me hyung!?" parang batang angil niya.

"Z-Ziggy Lee?" gulat na turo ko sa kanya.

"Didn't you missed me hyung!?" napalitan na nang ngiti ang pagnguso niya kanina.

"Hey! Of course I do! When did you came here in the Philippines, why didn't you called us?" masayang tanong ko pero sa halip na sumagot ay muli siyang yumakap sa akin.

d^_^b

Ganito talaga siya. Magkaibang-magkaiba sila nang kuya niyang si Zion na walang kasing snob. Si Ziggy, may pagka-isip bata pero malambing siya at masayahin. Itinuturi g namin siyang bunso sa barkada.

"Actually, I am suppose to be here next week but I told eomma to let me fly last night, that's why I'm here" nakangiti siyang humawalay sa akin.

[Translation: eomma-mother]

"Oh, I'm sure the boys would be happy to see you," saad ko at tumatango naman siyang ngumiti. "..oh, yeah, come in, come in..you sit there and wait for the pizza, I ordered some" aya ko sa kanya sa loob.

Naupo naman siya sa sala at parang batang tumitingin-tingin kung saan-saan. Nakakatuwa siyang panoorin dahil kahit seventeen years old na siya ay marami pa ring nakakakuha nang atensyon niya, kahit maliliit na bagay.

"Nothing changed here hyung" sambit niya habang abala pa rin sa paglilikot nang mata.

"Yeah, it's clean as always, you know you're brother" natawa naman kami pareho.

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon