Ace's POV
Knock! Knock!
Nagising ako matapos makarinig nang katok mula sa pintuan ko. Hindi ko iyon pinansin dahil talagang inaantok pa ako at wala akong balak magpaistorbo.
Knock! Knock!
d>_<b
Kumunot ang noo ko dahil sa inis. Inis kong iminulat ang mata ko. Nang mapatingin ako sa oras sa side table ko ay alas tres pa lang nang madaling araw. Tss. Sino naman gising nang ganitong oras!? Pinakinggan kong muli kung may kakatok pang muli.
Knock! Knock!
d>>_<<b
Nang marinig ko ulit ito ay napilitan na akong bumangon dahil alam kong hindi iyon titigil hangga't hindi ko pinagbubuksan!
Para bulyawan!
d>_<b
Sigurado akong si Veronica lang ito. Tch!
"What do you--" natigilan ako matapos kong buksan ang pinto. Walang tao?
Knock! Knock!
Kumunot ang noo ko dahil hindi pala sa pinto ko nanggagaling ang katok kundi sa mismong pintuan nang bahay na ito. Ganun na ba kalakas ang pandinig ko? Tss. Ginawa kong suklay ang mga daliri ko sa kamay dahil bumababa ang buhok ko at sumasagi sa mata ko. Madilim sa baba pero malinaw pa rin akong nakakakita dahil nasanay na ako. Napapabuntong hininga akong bumaba at bubuksan ko na sana ang pinto pero..is it not normal for someone to knock at someone's door in this hour. Ito ang unang beses na may kumatok sa pintuan namin dahil wala naman kaming nagiging bisita. Well, siguro meron pero kapag wala ako.
d-.-b?
Knock! Knock!
Bahagya akong napapitlag nang biglang may kumatok na naman. Hindi ako natatakot. Hindi rin ako kinakabahan. Puro pagtataka lang ang nararamdaman ko. Who are you? What do you want? Hinawakan ko nang mahigpit ang seradura. Kahit hindi ako natatakot o kinakabahan, nagdadalawang isip pa rin ako dahil walang kasiguraduhan kung ano o sino ang nasa likod nang malaking pintong ito. Huuuuuu!
d-o-b
Huminga ako nang malalim at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Walang tunog. Saka ko lang napansin na pinipigil ko pala ang paghinga ko nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang kanina ay kumakatok sa pintuan.
d-.-b?
What are they doing here?
"Magandang umaga Mr.Cuevaz," nakangiting bati ni Chief Canon.
"Don't call me Mr.Cuevaz, that's how they address my dad..just call me Ace"
"Ano yun, ayaw mo sa dad mo?" sambit nung lalaking nasa likuran niya.
He looks familiar..
"Siya nga pala si Detective Leonwye Cardenas, kasama ko siya sa pagha-handle nang kaso niyo" turo niya sa kasama niya sa likuran. Siya yung lalaki dun sa may station, yung mayabang.
BINABASA MO ANG
CHANGE
NezařaditelnéPara kay Ace Brixton Cuevaz ay walang kwenta ang buhay dahil pakiramdam niya ay hindi naman siya kabilang sa mundong kinatatayuan niya. Bata pa lang ay uhaw na siya sa atensyon nang mga magulang niya dahil masyadong abala sa pagpapayaman ang mga ito...