Chapter 11

3 1 0
                                    

Tine's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Ngayon ang araw na kailangan kong sabihin sa mga kaibigan ko kung sino ang napili ko para magpanggap na boyfriend ko. Kahit pa matagal ko na silang kaibigan ay hindi pa rin ako komportable sa ganitong usapan kaya nakakaramdam pa rin ako ng kaba. Siguro kung isinilang akong simple lang ang buhay hindi ko na kailangan pang magpanggap para lang hindi ikasal. Wala talagang perpektong buhay.

"Austine, Yesha is here, bumangon ka na diyan"

dO_Ob

Agad kong tinapos ang pagbibihis ko matapos marinig ang sinabi ni mama.

What the heck!?

"Akala ko ba ako ang makikipagkita sa kanya!?" inis kong tanong.

Pagbaba ko ay agad na tumayo si mama at yung babaeng kausap niya. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Austine, I want you to meet Yesha" nakangiting sabi ni mama doon pa lang humarap yung babae.

"Hi" nakangiting bati niya.

Maganda siya. Maputi, mahaba ang kulot niyang buhok. Maganda rin ang katawan niya at mukha siyang artista na parang modelo. Maganda rin ang mapupula niyang labi, mapupungay din ang itim niyang mata. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

"Hi, I'm Austine, Austine Josh Yamada" inilahad ko ang kamay ko na kanya namang tinanggap. Malambot ang kamay niya halatang hindi nagtatrabaho.

"I'm Yesha, Ayesha Ellaine Lim"

"Chinese ka?"

"Ah yeah, pero matagal na kami sa Pilipinas kaya hindi na halata sa pananalita ko"

"Ah, Tine, sasabay sayo si Yesha papasok sa school, kahapon ko lang nalaman na sa Luna International Academy ka pala lumipat hindi mo man lang sinabi sa akin" nagmamaktol na sabi ni mama.

"Teka, sa LIA ka din ba nag-aaral?" tanong ko kay Yesha, tumango naman siya.

Hindi sana ako papayag na sumabay siya sa akin pero nakakahiya namang tanggihan ko si mama sa harap niya. Naisip ko ding baka kapag kinausap ko siyang huwag nang ituloy ang kasal ay mapapayag ko siya. O kung hindi man ay magagawa siyang kausapin ng mga kaibigan ko dahil siguradong hihintayin nila ako sa parking lot ng school.

"Sure" pagpayag ko.

Matapos ko siyang ipagbukas ng pinto ay sumakay na din ako at nagmaneho. Tahimik lang siya habang ako naman ay nakatuon lang sa daan ang atensyon. Napansin ko nakatingin siya sa akin kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para kausapin siya.

"Bakit ka pumayag na maipakasal sa akin?" tanong ko.

"Because of business" sagot niya.

"What? You're willing to sacrifice your freedom for business and money!?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Why not? Money can buy anything"

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon