Chapter Five

3 1 0
                                    

Ace's POV

Nasaan ako?

Puting kisame ang bumungad sa akin nang magising ako. Hindi maalala kung paano ako napunta doon ngunit pagbangon ko ay nakita ko yung dalawa sa kasama kong tumakbo kanina. Tiningnan ko ang sarili ko at saka dali-daling ibinutones ang damit ko. Ang naaalala ko lang ay nahirapan akong huminga at pagkatapos nun ay bigla na lang pumuti ang paligid ko.

d>_<b

Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama para hindi sila magising. Nang makalabas ako ay hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko pero pinilit kong maglakad na lang patungong parking lot dahil wala na din namang oras para pumasok pa ako sa huling klase ko.

Hindi ko alam kung talagang malas ako sa buhay o ano dahil pagdating na pagdating ko sa parking lot ay nasalubong ko na ang apat na bugok na 'to!

d>_<b

"Mukhang hindi ka pumasok, tuta" nakangising tanong ni Lucas habang papalapit sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at balak kong umiwas na lang sana pero syempre hindi nila ako papayagang makaalis ng ganon na lang basta!

"Bakit ganyan ang itsura mo, tuta?" tanong pa ni Beiran.

Sa totoo lang ay nararamdaman ko pa rin ang konting pagkahilo. Ayokong mapaaway sa kanila ngayon dahil naupos lahat ng lakas ko kakatakbo kanina!

"Naku! Lucas, mukhang may sakit yang tuta mo" tumatawang saad ni Windler.

"Ano tuta, may sakit ka ba?" baling sa akin ni Lucas, walang emosyon ko naman siyang tiningnan.

"Kung balak niyong manakit ngayon, just do it and let me go home" sambit ko, ngumisi naman sila at kasunod non ay naramdaman ko na ang kamao ni Lucas sa mukha ko.

Hinayaan ko lang silang sipain at suntukin ako dahil ganon naman lagi ang ginagawa ko. Ilang minuto din nilang ginawa iyon saka nagmamadaling umalis. Hindi ko alam kung bakit pero kung ano man ang dahilan nun ay pabor naman sa akin. Napasandal ako sa pader habang inaalalayan ang sarili kong tumayo.

d>_<b

Pinahid ko ang dugong tumulo mula sa labi ko. I hissed when I felt it hurt. Napailing na lang ako dahil sa dalas ng pagkakabugbog ko ay nakakaramdam pa rin ng sakit ang katawan ko.

"Hey! Andaya niyo, hindi kayo pumasok" napalingon ako sa may gate ng may marinig akong sumigaw mula doon.

Yung apat na lang pala. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakatingin dito yung isa sa kanila. Hindi ko na maalala yung pangalan niya pero natitiyak kong isa siya sa nandun kanina sa clinic. Umiling na lang ako saka ako sumakay sa kotse ko. Hinintay kong mauna silang umalis bago ko pinaandar ang sasakyan ko pauwi.

Hindi ako komportableng nasa pakigid ko sila. Kahit pa ilang beses nilang sabihin sa aking gusto nilang mapagkaibigan hindi ko talaga iyon magawang paniwalaan. Hindi ko magawang maniwala sa maamong mukha nila maging ang makumbinsi sa bawat salitang binibitawan nila. Marahil ay dahil iyon sa ito na ang kinalakihan kong buhay.

Wala akong dapat pagkatiwalaan. Hindi dapat mapalapit ang loob ko sa kahit na kanino. Marahil ay natatakot na akong mabalewalang muli. Ayokong mabigyan ng atensyon na hindi naman magiging pangmatagalan. Natatakot akong muling maramdamang may nagbibigay sa akin ng atensyon dahil alam kong hindi rin naman iyon magtatagal.

CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon