"Good morning! Wake up, wake up!" Maingay na bungad ni Aki pagkapasok sa akin kuwarto. Nagtalukbong agad ako ng kumot, alam ko na gagawin niyan. Mang-iinis hanggang hindi pa ako bumabangon.
"5 minutes, Aki. Alis" nahihirapan kong pagsasalita dahil antok pa talaga ako. Hindi ko pa kayang imulat ang mga mata ko. Napuyat kasi ako kakanuod ko ng mga 'how to walk like a model' sa youtube kagabi.
"No! We're getting late Hira, come on. Fix yourself na." Niyugyog niya ang braso ko. Wala akong nagawa kundi bumangon nang nakapikit pa rin. Dumaretso na akong banyo para mag-intindi ng sarili ko.
"Ahang lamig!" Shock! Cold water pala napindot ko sa shower! Kaya ang ending gising na gising na ang diwa ko. Kahit kaligkig na ako sa lamig, nagmadali pa rin ako.
"I'm excited to see him" pagdadaldal ni Aki habang pababa kami ng hagdan. Nag-iintay na sila mommy sa labas. Palibhasa may makakakampi na siya sa pang-aaway at inis sa akin.
Akiro Alani, Aki for short is my youngest brother. Kamukha niya si Daddy, pero nakuha niya ang tangos ng ilong niya kay mommy. May pagka-kapal din ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang inosenteng mga mata. Kahit lagi ko siyang asarin na pangit, hindi siya naapektuhan doon dahil alam niyang may itsura siya. Lagi niya rin pinagmamayabang sa akin na marami raw nagkakagusto sa kanya, pinag aagawan pa nga raw siya sa school nila. Tuwing nakakareceive siya ng mga chocolate from his admirers, sa akin niya ibinibigay. He annoys me everyday and he doesn't like to call me ate. I don't know why.
Minsan malalaman ko na lang na may inaaway siyang mga lalaki, na ang rason ay hindi niya ito gusto para sa akin. Nitong nakaraan araw lang may blinock siya sa Ig ko. Lagi niya kasing hinihiram ang phone ko. Well except to Tony and Raiken, sila ang kaibigan kong mga lalaki na 'di niya inaaway.
"Let's go, kids. Baka matraffic tayo." Pagtawag na sa amin ni mommy. I frowned. I'm not kid anymore, mom! The corner of my mouth turned up as I followed them.
Nagpaunahan kami sa kotse ni Aki. Kakasabi ko lang na hindi na kami mga bata diba? Hays.
"Dad, hindi pa po ako nakakapag breakfast." Pag inform ko kay daddy habang abala sa pag-drive. At nararamdaman ko na nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.
"Sorry dear, okay mag drivethru na lang tayo ah. Baka kasi maabutan tayo ng traffic."
Habang abala magkwentuhan sila Dad and mom sa unahan, at ang magaling kong kapatid busy sa online games nya.
Nagonline na lang din ako at nagchat sa Group chat namin magkakaibigan.
Hira.Aln : Going to airport.
Uniza : why?
MrtnzKath : pasalubong
antonyyy : aalis kayo?
Hira.Aln : Kuya is coming home!
Mrtnzkath : Punta ako sainyo bukas ha. 🥰
antonyyy : me too plz.
:siguro lalong naging hot si atty😍.Uniza : chocolates huh!🤤
Hira.Aln : Okay.
First, Antony is my Gay friend. Second, si Kath and Antony kinikilig kapag nakikita o napapag usapan si kuya. Si Unis naman napakahilig sa foods and she's not interested with boys dahil she's already taken.
BINABASA MO ANG
TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo)
General FictionSapphira Alani, lumaki sa isang marangyang pamilya at mayroon tapat at maaasahan mga kaibigan. Pero isang bagay lang ang gusto niya at hindi niya iyon magawa, ang pangarap niya maging model. Ngunit hindi siya sumuko na matupad iyon. Labag man sa kal...