Chapter 5 He's back

17 7 3
                                    

"Pasensya kana ha naabala pa tuloy kita." Paumanhin ni raiken.

Nagpasama kasi ito mag grocery kasi darating daw sila tita. Itomong si Unis naman sinama ng mommy niya sa isang business.

"No worries." Tinext ako ni Unis na kung pwede ko raw bang samahan si Rai.

"E, bakit 'di ka nga pala nagpasama sa kaibigan mo?" Sabi ko dito habang pina-park niya 'yung kotse.

"Si toby at neil tamad mamalengke ang mga iyon, si kiko at noam may lakad naman." Sagot niya habang papasok na kami ng Mall.

"Sakto makabili na rin ng book sa NB. Alam ko kasi ngayon sale sa Nb." Pagdadaldal ko sa kanya habang nakatingin ako sa phone ko para i-check ang mga sale ngayon books. Kakapasok lang namin sa Mall. Maraming tao ngayon kasi pay day and family day. Wow, nakakamiss maging bata.  

Napatingin ako kay Raiken nang bigla siyang magsalita. "Okay lang ba sayo kung sa grocery na lang din tayo magkita?"

Magc-cr lang daw siya saglit at dun na kami magkita sa grocery. Pumayag na ako baka kasi mainip din 'yun kakaintay sa'kin mamili.

Hindi nga ako nagkamali. Sale ngayon!
Hindi ko mapigilan ang pagkaexcite ko. Naglakad-lakad muna ako para magtingin-tingin. Ako yung taong napaka kuripot sa sarili, i'm just being practical lang.

Tingin-tinging dampot tingin tingin dampot.

"Finally, I found you." Sabi ko sa libro na hawak ko.

Ang tagal ko na kasing naghahanap nito pero laging out of stock na raw.

Kumuha ako ng dalawa, bilhan ko na rin si Unis gusto niya rin kasi ito. Naghanap hanap pa ako ng ibang libro.

Ako na ang nasa counter, paalis na sana ako ng may di inaasahan akong makita.

Parang bigla akong tinakasan ng lakas ko. Lahat ng energy naging 0% na kumbaga sa cellphone ay na drain na ang bar.

"Miss, okay lang po ba kayo?" Nahulog ko tuloy yung mga libro.

"Naku pase-pasensya na po" sabi ko sa guard na tumulong sa akin pulutin yung mga napamili ko na libro.

Buti na lang may harang, pasimple ko silang sinilip at nandun pa rin sila sa isang sulok.

Naglalampungan pa! Habang ang loko naka-akbay at pakiss-kiss pa sa balikat.

Parang dinudurog yung puso ko!

Iba pala talaga ang sakit kapag personal mong nakikita ang pagtataksil ng mahal mo.

Hindi naman ako pwedeng magkamali! Kilalang kilala ko kahit mismong likod niya.

Sinisigaw ng isip ko sugurin mo na Hira pero may pumipigil sakin.

"KANINA pa kita tinext" salubong sa akin ni raiken nandoon na kasi siya sa labas ng grocery.

Nauna na ako maglakad at inis na kumuha ng Cart.

Gusto ko umiyak pero ayaw ko mag-aalala ang kasama ko dahil paniguradong susugurin niya ito at malalaman ng mga kaibigan ko.

"okay ka lang ba?" Tumango lang ako

"Umiiyak ka ba?" Namumuo palang ang mga luha ko sa mata ko.

"Wala naiyak lang ako doon sa nadaanan ko na maglola." Palusot ko.

"Bakit ba kasi pinipili mong maging mabait. Kahit sobra ka nang nasasaktan?" Sabi nya at inagaw ang cart na hawak hawak ko.

TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon