Chapter 18 (Part two)

7 0 0
                                    

SAPPHIRA's POV

ISANG araw makalipas. Nagdesisyon ako na dalawin ngayon si Noam. Naiinis din ako sa kanya pero hindi ko sila kayang tiisin.

"hoy gumising ka na d'yan. Aawayin pa kita." Kausap ko sa mahimbing na natutulog na si Noam.

Tanging tunog lamang ng makina ang maririnig. Sobrang tahimik dito sa loob ng kuwarto niya. Amoy mga gamot. Maraming nakatusok sa kanya na mga karayom. 

"Napakadaya mo din pala, akala ko ba hindi mo ako iiwan? kailangan kita, pero mas kailangan ka nila ngayon. Gumising ka na" bulong ko sa kanya "para makita mo na yung baby mo... baby niyo ni abby. Hindi ko pa rin masyado nakikita pero tingin ko kamukha mo 'yon. Pero sana huwag tumulad sa maloko mong ugali." Pagkausap ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sabi sa'kin ni Abby, magbabago na raw siya. Narealize niya yung pagkakamali niya. Kaya gumising kana para makabawi na siya sa'yo."

"...alam mo okay na kami ni Hugo, doon ako natulog sa kanila. Hindi pa kami nagpapansinan ni Kuya hindi ko nga rin alam kung ano itatawag ko sa kanila. Para akong tanga na walang kaalam-alam na tunay na ina ko na pala ang nakakasama ko." Pagsusumbong ko sa kanya. Para lang akong nagkukwento sa hangin. Natutulog lang siya at walang malay pero sabi nila naririnig naman nila.

May sasabihin pa sana ako ng mag vibrate ang phone ko. Unregistered number, sinabi niya rin ang place kung saan kami magkikita.

"Who's this?" My brows furrowed. Sabi ng kutob ko na sumunod na lang. Wala akong nararamdaman panganib. Kaya nagpaalam ako kay Noam, Nagreply ulit na doon na lang daw siya magpapakilala. "Aalis lang ako ha. Dapat pagbalik ko gising kana." Hinawakan ko muna kamay niya.

Pagharap ko, nagulat ako nang makitang nakatayo si Abby. "A-abby? Kanina ka pa ba?" May dala itong pagkain.

"Hindi naman" She smiled at me, genuinely. Pumunta na siya sa pwesto ni Noam.

Nasa may pintuan na ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Hira" nag-intay ako ng sasabihin niya "Thank you for taking care of my husband." Husband. Hindi ako umimik at umalis na.

NANDITO na ako sa place na tinext nung sino man iyon. Nilibot ko ang tingin ko para sana subukan hanapin kung sino man ang nagpapunta sa akin dito. May nakita akong isang lalaki kaso abala ito sa pagla-laptop,  hindi siya iyon. Sa kabilang side naman may nakatingin sa'kin na babae, ngumiti ito kaya siya na nilapitan ko. "Uhm, hi. Excuse me, are you the one who—" I asked politely.

"Yeah, that's me na so don't english me na" Napangiti rin ako sa kanya mukhang kalog siya. Naalala ko saglit si Kath. "You seat." Turo niya sa katapat niyang upuan. I can speak tagalog naman.

Wait...

...wait!

My eyes grew bigger. Siya iyong babae sa album ni Hugo!

Maliit lang sya ng konti sa'kin, simple lang din porma niya na bagay naman sa kanya. Naka cap ito pero yung patalikod na pagsuot ng cap. boyish ata 'to? Pero may itsura siya.

Hindi ko alam na magtitigan na lang ba kami rito dahil titig na titig siya sa akin. Kaya ako na ang nauna magsalita. "Miss?"

"Ay sorry sorry, Ako nga pala si Nikka" pagpapakilala niya.

"I'm Sapphira, but you can call me Hira."

"Grabe ang ganda mo pala" puri niya na parang mangha na mangha sa itsura ko kaya lalo akong nakaramdam ng pagka-ilang.

TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon