Chapter 8 Nice to meet you

14 4 0
                                    

Lagay ng light na make up sa peslak.

Icheck ang mga forms.

Icheck ang wallet if may laman, meron naman. Keri na to!

Phone, full charged.

Dress ko? Okay naman.

And last pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Napangiti ako dahil sa naiisip na... malapit na ako sa pangarap ko.

Okay na. Im wearing simple black dress na medyo fit sa'kin. Bumakas ang hulma ng aking katawan.

And tenernuhan ko ng heels na bigay ni Noam. Hindi naman siya gano'n kataas kaya kaya ilakad ng matagalan at malayuan.

And last. Sumilip ako sa labas ng pintuan para tingnan kong may tao. Ngiting matagumpay akong naglakad papalabas, nagmadali ako dahil baka may makakita sa akin.

Malapit na ako sa pintuan ng biglang tumahol ang aming aso.

"Shhh" sabi ko sa mga aso na nagtatahulan ng makita ako "kayo ah binubuking niyo 'ko. Ba-bye babies ko!" 

Tumakbo na 'ko palayo sa bahay. Hays! Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang may taxi na dumaan, kaya agad ko na itong pinara.

"MANONG matagal pa po ba 'yan?" Magalang kong tanong. Nangangamba na akong mahuli sa aking lakad.

Palingon-lingon ako habang pumapara ng ibang taxi. Kaso may mga pasahero na. Grrr.

Tinulungan na lang ako ni manong pumara ng taxi "Pasensya na ho talaga, ma'am" paumanhin nya.

"Okay lang po 'yun manong, nagmamadali lang po kasi talaga ako." Mahinahon kong sabi.

Napatingin kami sa motor na tumabi sa gilid. Ang gara ng kanyang motor. Slow motion pa niyang tinanggal ang kanyang helmet. Nanlaki ang mata ko ng makilala ito kung sino.

"Hira!" Tawag niya sa akin.

"Oy" tanging ayun na lang nasabi ko.

"Halika na" pag-aaya niya. Bumaba siya ng kanyang motor at kinuha ang isa pang helmet.

Hindi na ako nag-inarte pa, nag pasalamat at binayaran ko na lang si manong dinagdagan ko na lang para may pambayad siya sa pag pagawa niya ng sasakyan niya.

"Mukhang may susunduin ka ah?" Tanong ko sa kanya ng abutan ako ng helmet. Naka-ngiti siyang nakatitig sa akin, doon ko lang narealize na tunog nagseselos pala ang pagtatanong ko. "Ahm paano ba ito?" Nahihiya ko pang sabi.

He chuckles, "ako na nga" sabi nito at lumapit na sa'kin, dahan dahan niya itong isinuot sa ulo ko. Masyado kaming malapit sa isa't -isa, amoy ko tuloy ang mabango niyang perfume.

Pero bago niya ikabit ng tuluyan anv helmet pinitik niya muna ako sa noo. "at wala rin akong susunduin."

I pout at what he said. Okay, sabi mo. Umiling iling na lang ito habang nagpipigil ng kanyang ngiti at sumakay na sa motor. Aligaga naman akong sumakay din. Mahirap na iwanan pa ako nito eh.

Sinabi ko sa kanya kung saan ako pupunta.

NAGPARK na ito, bumaba na ako.

"Oh bakit mo pa ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing nakasunod pa rin siya sa akin.

"Kase yung helmet sana baka gusto mo ibalik?" Anya habang naka-turo sa nasa ulo ko. Hala, nakakahiya. Siya na ang nag-alis nito.

"Sorry— Thank you sa libreng ride." Nakangiti kong pasasalamat.

TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon