"HAPPY BIRTHDAY love. Did you miss me? Are you proud of me? Miss na kita sobra kahit ang daya mo..."
"Sapphira?"
I stood up and do a little bit bow, "Ija. How are you?" They immediately hug me.
"I'm good Dra. How 'bout you po? Long time no see." I said. I also greeted her husband.
Nagyakapan naman kami ni Nikka. Medyo nagulat ako sa pagbabago ni Nikka, kung dati napaka-boyish niya ngayon napaka feminine niya na kumilos. "You look good now." She said.
They brought a flowers too, we sat down. And stared at Hugo's grave. We talked about our life now. Inampon na rin pala nila si Nikka, at ngayon nag-aaral siya ng Nursing sa tulong ni Dra. Si Gov. naman naka focus na lang sa business nila sa province at hindi na tumakbo pa sa politiko, ika niya 'Bagong buhay'.
"I know my son is happy right now. Ngayon ka lang ulit kasi bumisita. I can only say, hindi siya nagkamali ng piniling babae."
And from that moment, my tears fell down. Tears of joy. Did you hear that Hugo? Alam kong 'yan ang gusto mo marinig sa parent mo, right?
"Masyado kaming nilamon ng inggit at takot." Ani Gov. "Patawarin mo kami, ija. Patawarin mo kami kung sinira namin ang relasyon niyo. Sana buhay pa siya, edi sana may apo na kami." Natawa kami sa huli niyang sinabi. "I'm serious."
We hugged. Nahuhuli kami maglakad ni Nikka papunta sa aming sasakyan. "Lagi mo akong pinapahanga, Hira. Nandito lang ako pag may kailangan ka ah, huwag kang mahiyang tawagan ako."
Hinarap muna ako ng mag-asawa, nilapitan ako ni Dra. bahagya akong nagulat sa pagyakap niya ng mahigpit sa akin. "Anak, huwag kang matakot muling buksan ang puso mo sa iba. Maging malaya ka na." At nagpaalam na sila.
Pagkaandar na pagkaandar pa lang ng sasakyan nila habang pinapanuod ko ang sasakyan nilang papalayo. Agad ng bumuhos ang mga luha ko. Hinahayaan ko lang iiyak yung saya na nararamdaman ko. Hanggang maramdam kong parang may nakayakap sa aking malamig na hangin.
"Love, magiging malaya na ako ha. Salamat sa mga alaala na babaunin ko... mahal hanggang dito na lang tayo."
Mas lalo akong naiyak ng pakiramdam ko na may dumampi sa aking sentido. Lagi niyang ginagawa iyon, tuwing sang-ayon siya sa mga desisyon ko.
INIWAN KO si Jasper sa condo ni Tony, nagtext naman siya na medyo pinapansin na siya. Nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Kagat-labi akong nag doorbell, ilang saglit may lumabas na Guard.
"Ano ho kailangan?"
"Andiyan ho ba sila Dra and Chief, Alani?" I politely asked.
"Opo, saglit lang po." At may kinontak siya. "Sino ho sila?"
"Pakisabi pong nandito si Sapphira." At sinabi naman ng guard.
Ilang saglit nakita kong tumatakbo si Aki palabas, muntik pang madapa. Binata na ang bunso namin. "Hira!" Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Muntik ko na siyang hindi makilala. "Manong, ate ko po ito." Anya sa Guard at hinigit na ako papasok. Nagpasalamat naman ako sa Guard, at huminge siya ng paumanhin dahil hindi niya ako kilala. "Hira! Bakit ang tagal mong hindi umuwi!? Bati na ba tayo? Dito ka na ba titira ulit? Kumain ka na ba? Ano pasalubong mo?" Sunod sunod niyang tanong.
BINABASA MO ANG
TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo)
General FictionSapphira Alani, lumaki sa isang marangyang pamilya at mayroon tapat at maaasahan mga kaibigan. Pero isang bagay lang ang gusto niya at hindi niya iyon magawa, ang pangarap niya maging model. Ngunit hindi siya sumuko na matupad iyon. Labag man sa kal...