CHAPTER 4 Celebration

24 6 1
                                    

Nagising ako na parang may mabigat sa aking balikat. Bumungad ang mukha ni Aki malapit sa mukha ko. Inalayo ko ito gamit ang isa kong kamay.

Tatagilid sana ako ng may pumigil sa pag galaw ko. "Hira birthday ko na" Napatabon ako ng tenga, ingay. Kinakanta niya ang happy birthday song sa may tenga ko.

"Alis! Okay Hbd!" Tipid kong pagbati. Inaantok pa talaga ako.

"Yuck, ano 'yun?" Tanong niya "baho! Hininga mo 'yun ano?" Pagbibintang niya sabay alis sa pagkaka-yakap sa'kin. Napabalikwas ako ng bangon, itinapat ko ang kamay ko sa may bibig ko para amoyin nga kung totoo sinasabi nitong sa akin hininga iyon. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi naman.

"Joke lang! Oh ayan nakabangon kana. Bilisan mo." Mapang-asar siyang umalis sa higaan atsaka dumaretso na lumabas.

Wala na yung dalawang kasama ko. Nag inuman kasi kagabi, pero hindi ko na sila namalayan. Hugo called me last night, as usual we end up on fighting.

"Good morning" bati ko sa kanila.

Umupo ako sa tabi ni kuya. Inakbayan niya naman ako sabay humalik ng mabilis sa ulo ko. I smiled at him even though I was still sleepy.

We're all here outside. Tanaw namin na papalapit na ang bangka na nirentahan nila daddy.

Inalalayan naman ako ni Noam. "Thanks." I said.

Nakasuot naman na lahat ng lifevest. Mag snorkling daw muna kami. Natutuwa ako sa isda na nakikita namin sumusunod sila sa amin habang nakagrupo rin sila. Iba't ibang uri ng isda, maging ang kulay nila ay nakakamangha.

Next naman banana boat. Mahihilo-hilo naman kaming lahat na kamuntikan pang mahulog si Toby dahil sa kalikutan niya. Mabilis lang siya nahila ni Kiko kung hindi baka nakaladkad na siya sa tubig.

Jetski naman next, si kuya sana partner ko kaso walang makakasama si Aki kaya pumayag akong silang dalawa na lang ang magsama.

"Sakay na" si Noam pala 'yun.

'Di na ako nag-inarte pa. Dahil gusto na rin makapag jetski para makasabay sa kanila.

"Patumbahin natin sila!" Nagmamayabang kong sabi, itinaas ko ang isang kamay ko na animo'y handa ng sumugod.

"Ayay Madam! Let's go!" At humarurot na ito.

Hinabol namin sila Unis at Rai, hinahabol naman kami ni Neil at Kath, natawa ako sa ibinulong sa akin ni Noam na sobra raw makayakap si Kath kay Neil. Si Toby at Tony naman.

Si Kiko hindi nakasama dahil may kausap din sa phone niya.

Sila Mom and Dad may tiningnan na lugar. Sila kuya at Aki may sariling mundo hanggang sa nakisali sa amin.

Nagpahinga muna kami saglit. At sinimulan na ang selebrasyon ng kaarawan ni Aki. Lalong nagpagutom sa amin ang amoy ng mga pagkain. Mayroon din silang iniihaw.

Hanggang sa kailangan namin magbigay ng birthday speech sa bunso kong kapatid. Until it's my turn. "Happy birthday, Aki! Kailan mo kaya ako tatawagin ate?" May himig ng pagtatampo at pinanlakihan ko ito ng mata pero ang loko nagpeace sign lang. Napansin kong umiwas ng tingin si kuya. Tipid na ngumiti sila Daddy at mommy at nakinig sa akin. "16 kana binata na pero hindi pa rin tuli" yung mga boys kunware nagulat at pinag-aasar si Aki kaya napasimangot ito.

"Hindi ka pa tuli?" Pang a-asar ni Raiken

"Bawas points 'yan sa girls."  Ani Neil

"Gawin mo sa maganda doctor ka magpatuli para 'di ka masaktan."  Parang dapat hindi ko na lang pala binanggit iyon, Pag dating talaga kay Toby puro kalokohan.

TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon