Sapphira
Naging okay naman ang paguusap namin ni Hugo, maging sa mga kaibigan ko nagsorry rin ito na pinatawad din naman nila.
Inamin naman nila na 'di sila galit kay Hugo, galit lang sila sa ginagawa saakin.
Madalas kaming nandito sa Bukid, dito na rin madalas ang mga kaibigan ni raiken na kaibigan na rin namin.
"Ulo mo naman diko makita! Laki laki kasi!" Reklamo ni Kath kay neil
"Nakita mo na?" Natutuwang tanong nito sa isa
"Ha? Alin?"
"Sabi mo nakita mo na ulo ko ang laki laki."
Hays.
"Nakakadiri kayong dalawa." Sabat ni Toby
"Eh pano mo nakita?" Pangaasar naman nito kay kath."Shhh wag kayong magulo!" Sita ni Noam sa kanila.
"Ayan na ayan na" Excited namin sabi.
Lahat kami nakatutok at nakaabang sa Laptop nagaabang ng mensahe.
"Hello Mr, we are inviting you to perform....." pagbabasa ni Noam
Kanya kanya kaming tilian at hiyawan.
"Wag nyo kaming kakalimutan ha pag sumikat na kayo." Sabi ko sa kanila.
"Sino kaya dito yung sikat?" Pagtutukoy sakin ni Toby.
"Oo nga, saka wag kayong magbabago." -kath
"Kayo di pa nga sila nakakapagperform advance naman kayo magisip." -unis
"Saka bakit naman namin makakalimutan ang una namin fans?" -kiko , na sinangayunan naman ng grupo.
UMUWI muna ako sa bahay. Nadatnan ko si Aki na naglalaro sa sala ng online games nya.
"Si kuya bunso?"
"Andyan"
"Si Daddy?"
"Pauwi palang siguro"
"Si mom?"
"Duty"
Umakyat na ako sa taas para magpahinga sa kwarto ko ng makasalubong ko si kuya.
"Oh umuuwi ka pa pala?" Walang kaemosyon emosyon nyang tanong
"Bakit namiss mo ko?" Nasa mood akong asarin sya bigla naman itong umiwas ng tingin.
HAPUNAN na at gaya ng nakasanayan salo salo kami, mamaya babalik na sa hospital si mommy.
Nagpaalam din ako na sasama kela Raiken sa Ilocos. Pinayagan naman nila ako.
Pero si kuya mukhang tutol pero di na lang umimik.
LIBRE lang ang ticket namin at pamasahe, ay lahat pala nakapackage na.
Naimbitahan kasing tumugtog sila Raiken sa isang sikat na Lugar dito sa Ilocos.
Pababa na kami ng eroplano
"Diba sabi mo isa sa gusto mong puntahan itong Ilocos." Nasa likod ko na pala si Noam.
Palabas na kami ng Airport.
"Well nandito na tayoooo." Excited nyang sabi. "Kaya sulitin muna."
"Susulitin ko talaga!"
NAGPAHINGA muna kami sa hotel, at nagintindi na para mamaya.
Magkakasama kami dito sa isang kwarto. Malaki naman ito kaya mas pinili na lang namin magsama sama.
BINABASA MO ANG
TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo)
Fiksi UmumSapphira Alani, lumaki sa isang marangyang pamilya at mayroon tapat at maaasahan mga kaibigan. Pero isang bagay lang ang gusto niya at hindi niya iyon magawa, ang pangarap niya maging model. Ngunit hindi siya sumuko na matupad iyon. Labag man sa kal...