Chapter 16 Revelation

11 4 0
                                    

Alam kong uusok sa galit si kuya kapag nalaman niya ang ginawa ko lalo't na ilang beses niya ako sinabihan na 'huwag'. Ngayon pa lang ay naiimagine ko na ang itsura niya. Huminga ako nang malalim. Nandito na rin ako at naumpisahan ko na. Sana marealize na ni kuya na gusto ko ito—pangarap.

Napatingin ako sa aking phone na umilaw. Binasa ko ang mga mensahe mula sa aking mga kaibigan na papunta na rin sila.

"Mommy." Hinarap ko si mommy para magpaalam na aalis na.

"Pasensya na ha anak ha, hindi na kita masasamahan." Malungkot niyang tugon, inayos pa aking buhok.

"Okay lang po, nauunawaan ko po. Sana sa susunod na rampa ko, makikita ko na kayong naka-upo sa mga audience. Gusto ko makita ngiti niyo nila daddy na proud sa maganda niyong anak." Hindi ko maiwasan na pangarapin iyon. Why not? Walang imposible sa taong pursigido.

"Ang ganda mo naman mana ka talaga sa mommy mo." Nakangiti niyang sabi. Pakiramdam ko may kakaiba sa sinabi niya.

"Kanino pa po ba ako magmamana? Ikaw lang naman mommy ko." why there seems to be sadness in those eyes?

Pilit s'yang ngumiti "Sige na baka matraffic ka." Mom said.

Lumapit samin si Aki "I love you Hira. Good luck!"  paglalambing ng kapatid ko.

"Sus, gusto mo lang may pasalubong ka 'no? Kaya kailangan mo na akong tawagin ate baka sabihin nila wala kang galang sa akin."

Wala siyang response sa sinabi ko. Humalik siya kay mommy pagtapos ako yakapin, atsaka umalis na. Maglalaro pa raw siya. 

HINATID ako ng driver namin sa venue. Sa labas pa lang kita na ang kaengrandehan ng lugar. May red carpet, at mga spotlight. May kasabayan pa akong bumababa sa mamahalin sasakyan nila suot ang elegante nilang gown.

"Hira, rito!" Agad kong rinig na pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko. Muntik pa akong mapatigil nang makita sila.

Ang ganda ng mga kaibigan ko. Lahat sila ay nakaayos at halatang pinaghandaan ang araw na ito. Nakasuot ako ng simpleng white fitted dress backless, na lalong nahubog ang balingkinitan kong katawan. 

"Mukhang kayo ang ipapakilala ah?" Mas maganda pa ang suot nila kesa sa'kin. Well okay naman sa akin, trip ko lang sila asarin.

"Baka sabihin iyan ba mga kaibigan ni Hira mga mukhang basahan?" Ani kath habang nakaturo kay Tony.

"why are you pointing at me? Eks.kyus.me!" Tony raised a brows.

"Excited na ako ilabas ang picture niyo sa magazine. Diba may partner ka? Turo mo sa akin." Ani unis.

"Gaano siya kagwapo? Hot ba? Nakaka-excite!" Namamangha tanong ni Kath.

Pasimple naman akong napatingin sa tukmol.  He just shrug his shoulder while grinning at me. Tsk, yabang! Sigurado na magugulat sila kung sino ang kapartner ko.

"Tara na?" Yakag ko sa kanila.

Bago pumasok may mga photobooth muna.
Nilahad ni Noam ang braso niya kaya naman humawak na rin ako sa braso niya.

Ngayon ang Launch ng new magazine ng CoftheM. Ang daming tao, may natatanaw din akong mga sikat na celebrity, vlogger, influencer at may mga reporter din.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin si Miss Majesty. Napatingin ako sa isang staff na lumapit sa akin. "Miss Hira, this way po tayo."

Sumunod naman ako, at mabilis na nagpaalam sa mga kaibigan ko. "Guys, doon muna ako."

"Sige goodluck, wag kang kabahanan nandito lang kami." Pagkindat ni Raiken sa akin.

TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon