Lahat ay abala sa paghahanda ng concert na magaganap ngayon araw. Malaking concert ang magaganap ngayon dahil special ang araw na ito para sa kanila, Anniversary ng kanilang grupo.
Sanay naman na sila mag-perform sa mala-dagat na tao. Nung una gusto lang nila na idaan sa musika ang kanilang damdamin. Mahal nila ang musika, kaya buong puso nila nilalaan ng oras ang pagsusulat para sa kanilang orihinal na kanta. Hindi naman nila lubos naisip na ganito karaming tao ang mag-mamahal at susuporta sa kanila.
Kunot-noo lumingon si Kiko sa kanyang mga kasama. "Ba't parang 'di kayo mapakali? Ngayon pa ba kayo kakabahan?"
"Ha? Ang lamig. Lakas ata ng aircon"
"Kinakabahan ako"
Kanya-kanya silang palusot sa kaibigan. Pagtalikod nito ay agad nag-senyasan ang mga ito na 'huwag mag pahalata'.
Si Tony ang kanilang napiling manager. Maraming nagtangkang kumuha sa kanila bilang artist pero tumanggi sila, hindi dahil ayaw nila. Kundi mas komportable sila sa mas kakilala nila. At hindi nga sila nag kamali sa pag-pili rito dahil pinapatunayan ni Tony na kaya niya imanage ang mga ito sa mabuting paraan.
"Napupuno na ang labas. Are you guys ready?"
Tumango sila. "Okay good then. Check ko lang kabilang tent. Take a rest muna, chill and relax."
Dahil nakatungo si Kiko dahil inaaral ang lyrics ng kanyang mga kakantahin. Hindi nito nakita ang kindatan ginawa ng mga kaibigan.
"Pangarap lang kita?" Pagbabasa ni Kiko. Inosente siyang lumingon sa mga kasamahan. Nagtataka niyang itinuro ang lyrics sa papel. "Meron pala nito? hindi ko alam. Sino ka-duet ko? Tara nga, practice natin saglit ito."
Agad nagtinginan ang apat na parang 'di alam ang gagawin, "ah diba sayo 'yun, Raiken?" Ani Noam.
"Oo nga pala. S-sige tara" napilitan na ito at kunwaring sinabayan na lang ang pagdu-duet.
SA KABILANG TENT naman naroon ang dalaga. Pinapanuod sa screen ang mga kaganapan sa labas. Napatingin siya sa yumakap sa kanya.
"Hira. This is it! Your happiness"
"Tony. kahit noon pa man, kayo rin ang happiness ko."
"Oo nga, pero iba ito. Alam mo noon pansin ko sa kanya na iba siya tumingin sayo, alam mo 'yun. May something na 'di ko madescribe."
"Masyado nga ata akong bulag, at hindi ko na napansin ang mga ganyan." Sagot ng dalaga.
"Alam mo nakaka-proud ka. Gusto ko sabihin na hindi mo kasalanan kung ganoon kasakit ang pinagdaan mo noon, dahil nag-mahal ka lang ng totoo." Seryosong sabi ni Tony sa dalaga.
"Gusto ko lang din sabihin na... salamat kasi hindi niyo ako sinukuan. Mula umpisa hanggang sa naabot ko na ang pangarap ko, nandito pa rin kayo. Kayo ang sandigan ko."
NAGSIMULA na umingay ang buong arena ng magsalita ang host. Nasa unahan din makikita ang mga kaibigan nilang babae. Si Unis, Kath, at Abby katabi si Chord. Kasama rin ang pamilyang Alani, Ang nanay ni Kiko na si Tita Kate. Si Miss Majesty katabi at magkahawak kamay na si Attorney Hiro. Kasama ni Nikka na pamilya ni Hugo. Pati si Jasper na kasundo na ang lahat.
Maging ang mga fans ay hindi na mapakali. Kanya-kanya ng bias, mga tarpaulin, LEDlights na nakalagay ang group-name nila at higit sa lahat ang mga fans ni Hira at Kiko mula pa noon nilabas ang litrato nila sa isang magazine na talaga nagclick sa lahat.
"Let's all welcome! Dream 'n Souls band!"
Naghiyawan ang mga tao ng biglang umusok ang smoke machine at umilaw na ang stage kasabay ng pagbukas nito. Pinangunahan ng nakakamanghang pagstrum ng gitara. Sinimulan nila sa kantang BORROWED TIME by Cueshe.
BINABASA MO ANG
TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo)
Ficción GeneralSapphira Alani, lumaki sa isang marangyang pamilya at mayroon tapat at maaasahan mga kaibigan. Pero isang bagay lang ang gusto niya at hindi niya iyon magawa, ang pangarap niya maging model. Ngunit hindi siya sumuko na matupad iyon. Labag man sa kal...