Chapter 9 Bonding

10 3 0
                                    

I still can't over sa pagtatagpo namin ni Miss Majesty. It seems that one of my best day.

Nandito ako ngayon sa Bukid. Kaming apat pa lang nandito. Si raiken susunod daw.

"So anong pakiramdam?" Usisa ni Unis habang nakapatong ang mga siko sa unan.

"Super saya." Tipid kong sagot.

"Anong itsura niya?" Kay kath naman ako napatingin dahil sa tanong niya.

"Super ganda!" I replied.

"Mabait ba, ano?"

"Super bait."

Nakahiga sa tabi ko si Tony habang abala sa kanyang phone. "Girls look" sabi niya at pinakita ang isang picture na mata lang naman ang kuha sa litrato.

"Oh? Gagawin diyan?" tanong ni Kath. Naunahan niya akong itanong iyon.

"Parehas kayo ng mata, Hira!" Sabay ni tony at unis na sabi.

"Hala tingin nga!" Nakitingin at inagaw na ni Kath ang phone. "Oo nga 'nu." Sabay tingin sa akin.

"Big deal ba 'yun?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi naman" sagot ni tony. "Eh kasi post to ni Miss Majesty." Pagkasabi niyang 'yun, pati ako nagtaka na rin.

"Oh baka si Hira yan! Malapit ka na kasi ireveal, diba?" Sagot ni Kath.

"Sabagay" sang-ayun ni Tony.

"At tingin ko malapit ka na rin mapagalitan ni Attorney!" Ani Unis, sinamaan namin siya ng tingin dahil kailan pa bang ipaalala ang ganoon. Kinakabahan tuloy ako.

ILANG oras makalipas. Nakatapos na kami ng isang movie bago dumating si raiken.

Ang pwesto namin apat, si kath nakahiga sa hita ko habang ako nakasandal kay Unis. Si tony naman sa isang upuan. May kachat siguro, ngumingiti-ngiti pa na animo'y kinikilig.

"Hon!" At tumakbo si unis para salubungin ang kanyang boyfriend.

"Aray naman." Bigla kasi itong umalis kaya na-out of balance ako sa puwesto ko.

"Haha sorry" paumanhin niya habang lumalapit kay Raiken.

"Hi guys" bati ni Raiken sa amin.

"Tagal mo! Nasaan na yung pinabili ko sayo?"  Asik ni Tony dito.

"Hi kathmahlabs." Nagulat kami sa sumilip sa may pintuan.

"Anong ginagawa mo dito!?" Biglang bangon naman nitong isa.

"Gusto kasi kita makita." Sagot niya.

"Sana man lang tinanong mo ako kung gusto ba kita makita?" Pagsusungit nitong isa. At bumalik na sa pagkakahiga sa hita ko.

"Hi madlang dabarkads." Bati ni Toby na siya naman ang sunod na sumilip sa may pintuan.

What the heck?

"Ahm—" magsasalita na sana si Raiken ng magsalita rin si Toby.

"Halika pasok na kayo, 'wag kayong mahiya." Napatingin kami sa hinihila ni Toby.

Noam at Kiko?

"Kase—" ani Raiken.

"Ang ganda ng bahay niyo." Puri ni Toby habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Guys—" muling naputol ang pagsasalita ni Raiken dahil ulit kay Toby.

"Sa'n nga pala ilalagay itong pinamili natin? Ang bigat na kasi." Tanong ni Toby kay Raiken.

TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon