"Nurse? May pasyente po ba kayo ditong Noam Hadley?"
"Yes po, Room 206 4th floor."
"Thanks"
Kasama ko ngayon sila Unis, kath at tony. Tumawag kasi samin si Raiken sinabing sinugod sa hospital si Noam
Natanaw na namin sila "Girls?"
"Where is he?" Nagaalalang tanong ko.
Kompleto silang apat, "Nasa loob. Magintay na lang muna tayo dito." -Neil
"Bakit, anong nangyare?" Tanong ko sa kanila
"Intayen na lang natin yung Doctor."-toby
Kahit sila mukhang stress at pagod na rin.
Nandito kami sa Hospital, dito rin nagwowork si mommy. Mamaya pupuntahan ko sya, mamaya pa kasi out nya.
Napatingin kami sa doctor na lumabas, "Doc Ven?" Kilala ko to, friend siya ni Kuya na naging kaclose namin ni Hugo. Hindi din naman nagkakalayo ang edad namin.
"Hira? Friend nyo ba si Noam?" Tumango naman kami "Well, tatapatin ko na kayo. sad to say lumalala na ang kondisyon nya sa puso, at kapag hindi pa nakahanap ng donor as soon as possible maaari nya itong ikamatay."
Lahat kami nanghina sa narinig namin. Nagpaalam na si Doc. Sinabihan nya rin kami na ililipat muna ng room si Noam 30 mins pede na sya bisitahin.
Pinili muna namin tumigil dito sa canteen.
"So may sakit sya?" Tanong ko ulit sa kanila habang tulala ako.
Tumango naman sila
"Kelan pa?" -Kath
"Matagal na." -Toby
So may sakit na sya nung nakilala namin sila. Kaya pala minsan ingat na ingat sila sa kilos nito. Kaya pala malalalim ang pinaghuhugutan nya sa buhay?
"Alam na ba to ng family nya?" Napatahimik naman sila "why?"
"Eh kasi matagal ng walang koneksyon si Noam sa family nya." -Neil
"Kahit isa wala ba tayong makokontak?" -Unis
Umiling iling lang sila.
"GISING na sya..." Sigaw ni Toby mula sa loob kaya agad kaming nagsipasukan.
"Buhay pa ako?" Nanghihina nyang sabi.
"Syempre magbabayad ka pa ng utang mo sakin eh" -toby
"P-pede b-ang wag nyokong...palibu--tan?"
Sabay sabay kaming umalis, nakapalibot pala kami sa kanya.
"Hira" tawag nya sakin habang nakangiti
"You're here." He smiled."Bakit naman ako mawawala?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Nagugutom ako pede mo ba akong ipagbalat ng prutas?" Sabi nya kay Toby
"Ha? Wala tayong prutas dito." Nagkatinginan naman kaming lahat.
Oo nga walang prutas, wala ng nakaisip bumili dahil siguro sa pagaalala.
"Mukhang hindi nyo ako mahal." Pagiinarte nya.
"Ako na bibili." Ani kiko, at umalis na ito.
"I love you bro!" Habol ni Noam sa kakaalis lang na si Kiko.
BINABASA MO ANG
TAYO MUNA (Kahit Hindi Tayo)
Narrativa generaleSapphira Alani, lumaki sa isang marangyang pamilya at mayroon tapat at maaasahan mga kaibigan. Pero isang bagay lang ang gusto niya at hindi niya iyon magawa, ang pangarap niya maging model. Ngunit hindi siya sumuko na matupad iyon. Labag man sa kal...