CHAPTER 04_DAMSEL IN DISTRESS

6 1 0
                                    

Damsel In Distress
PSY

I can't find the goddamn Comfort Room! Andami ng tumatagas na dugo shit! Panunabuhay ko nito?

NANG sa wakas ay makita ko na ang banyo. Dali dali akong pumasok sa loob at umiiyak na isinarado ang pinto. Agad akong humarap sa salamin at shit. Ang haggard  na ng itsura ko. Para na akong taong grasa. Oh!

Muli akong napatingin sa kanang kamay ko. Halos mamula na ito sa dami ng dugong tumagas. Pakshit talagang first day ko ito.

MABILIS at maayos akong naghugas ng kamay. Naghilamos at inayos na rin ang buhok kong nagkalat na sa mukha ko. Haist.

Matapos kong makapag ayos ay agad na rin akong lumabas ng C.R. para balikan si boy Pakyu. Anong akala niya makakaligtas siya sa ginawa niyang pamamahiya sa akin. No way! Atsaka kasalanan niya rin itong nangyari sa akin. Kung di baga naman siya tanga eh gupit ng gupit ng magagandang bulaklak tapos itatapon lang. Sira-ulo ba siya? It also has life, breathing, and helping the ecosystem to generate oxygen that help human to keep the cycle of Carbon Dioxide to oxygen and Vice Versa. Hindi ba niya alam yun.

He did it again. I'm pissed. Pangalawa na to.

Subalit wala na siya dito. Asan na yun? Haist. Ang dami kong pinagdaanan para mahanap lang siyang hinayupak siya tapos eh ito. Makakawala lang. Isda naman oo.

Bahagya akong lumapit sa batibot kung saan ko siya iniwanan. Napakagandang lugar. Puno ito ng samut saring mga bulaklak. Namumukadkad. Isa itong parang paraiso na sinusuportahan ng parang kulambo na siyang nagbabawal sa mga paru-paro na makalabas. Sa paligid naman ay naroon ang nakapalibot na mga benches. Walang masyadong estudyante dahil oras ngayon ng klase...

Wait!

Shit!

It's class hour at nasa labas ako. Shit expelled na talaga soguro ako kapag nagkataon.

Mabilis akong tumalikod, tumalikod at muli tumalikod. Takte. Saan nga ba ang classroom ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Sa sobrang kadesperadahan ko. Naliligaw na ako. Hello napakalawak kaya ng Moskov. Eh halos kioo-kilometro na ang layo ng bawat building oh!

Ano bang buhay ko ito.

HINDI ko man alam ay naglakad na lang ako. Hindi ko rin alam kung anong section class ko. Ang alam ko lang eh STEM strand ang kinuha ko. Ewan ko rin sa sarili ko. Lakad ako ng lakad hanggang sa matanaw ko ang Cafeteria kung saan kami kumain ni Mel kanina. Sakto kumakalam na rin ang sikmura ko. Tanghali na at unti-unti ng naglalabasan ang mga estudyante. Tumuloy ako sa loob at pumuntang counter. Umorder ako ng isang kanin, curry, isang maiinit na sabaw at softdrink.

NANG iabot ito sa akin ay siyang abot ko naman sa kanya ng debit card  ko.

"Thank You!" I muttered as I reach my card back to my pocket.

Tumalikod ako at humanap ng pwesto. Di bale pabilog ang Cafeteria. Hindi makapal na pader na yari sa semento ang dingding kundi gawa ito sa bubog at transparent glass kaya naman kita ang labas. Marami ng mga estudyante sa paligid. Nakatutuwa ang uniform ng freshmans, sophomores, junior at senior students. Kase magkakaiba sila.

Tiningnan ko ang napili kong pwesto. Napakaaliwalas sa pwestong ito dauil sa mga nakahilerang berdeng halaman. Presko. Nang marating ko na ang sulok na parte ng Cafeteria. Umupo ako at nagsimulang lantakan ang mga pagkain. Nagutom ako dun grabe.

Bigla naman akong nagulat ng biglang may humampas sa mesang kinalalagakan ng mga pagkain ko.

Aba't bastos 'to ah!

Maangas akong humigop muna ng sabaw bago tiningala ang lapastangan.

"What!?" Angil ko sa kanila. Di bale nasa harap ko ngayon ang isang nakangising babae. Maganda ito subalit mukhang make up lang ang nagdala. Nasa gilid naman niya ang dalawa pang babae. Yung isa nakapony tail. Habang ying isa naman ay may green na buhok umajot hanggang balikat. All in all mas maganda silang dalawa kesa sa nasa gitna.

Come In With The Rain (#CIWTR_ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon