Guitarist
DIMKunot-noo ko siyang tinitingnan.
Galit na galit, gustong manakit.
Napangisi ako sa aking na-isip. Mukhang galing siya sa matinding pag sabunot sa kaniyang buhok. Mula kasi sa likod ay kitang-kita kong bahagyang magulo ang pagkakahawi ng kaniyang kulot na buhok.
I do not know what's happening here? Palabas ako ng Cafeteria ng mabunggo siya sa dibdib ko. Bahagya niya akong tiningala at tanaw doon ang galit at inis.
Then this..
She is dragging me somewhere I do not know.
Matangkad at mas malaki ako sa kaniya subalit nakakaya niya akong hilahin. Napatingin ako sa kamay kong ngayo'y hawak niya.
Ano bang problema?
Mariin akong huminto dahilan upang mapatigil siya sa palalakad at mapansing matigas ang aking pagkakatayo.
Nauubusan siya ng pasensiya ng lumingon sa akin. Bakas ang inis at galit.
"The hell! Ba't ka tumigil?" Baritono niyang tanong, o singhal? Ewan ko.
Tinitigan ko muna siya bago sinagot.
"Dahil hinihila mo ako." Walang emosyon kong saad. Mariin naman siyang napasinghal at ngumisi. Sabay ayos ng tayo at nakakrus ang mga brasong humarap sa akin.
"Natural hihilain kita eh sa pabida ka eh!" Ramdam ang gigil doon.
"Wala akong ginagawa Del Vienna." I uttered.
"Wag ako Dim Sire Trivon! Iba na lang!" Nanunuya ba siya?
I don't get it!
"Nang-iinis ka ba?" She said.
Still, I don't get it.
"Linawin mo nga!" Ngayo'y naiinis na ako sa kaniya. Nung nakaraan lamang ay pinadugo niya ang aking ilong matapos akong layasan habang maayos ko siyang tinatanong.
She cleared her throat first bago nagsalita.
"Wala ka ba talagang alam?"
"Kaya nga gusto kong linawin mo!"
"Pangahas ka! Assumero at pabida!"
"Yun na yun?!"
"Hindi lang yun. Pinaiinit mo ang ulo ko-"
"At ako. Hindi mo ba sinasayang ang oras ko!"
"Dahil sinimulan mo! Nanti-trip ka ba!"
Sa inis ay inginiwi ko ang kaliwang bahagi ng aking labi tanda na hindi ako interesado sa kung anuman ang sinasabi niya. Again, wal akong ginagawang kahit ano sa kaniya.
Siya ang may ginagawa sa akin.
She's pissing me off!!
Ang ganitong mga bagay ay walang kwenta.
Marahas ko siyang tinalikuran at muling naglakad pabalik ng Classroom. No! I'm pissed. I'll go somewhere.."Ganiyan ka ba talaga!?" She said as I stopped.
Muli ko siyang nilingon. Matalim iyon at sinigurado kong masisindak siya.
"Tigilan mo ang pagtitig mo ng ganiyan. Mukha kang tanga!"
She's now turning on the Demon in me!
Marahas ko siyang nilapitan at mata sa matang tinitigan.
"State your purpose bago ka pa madal sa clinic woman. Naiirita na ako sa boses mo!"
BINABASA MO ANG
Come In With The Rain (#CIWTR_ON-GOING)
RomansaI want to see you covered in raindrops. But why the hell you don't want to? I love you like the rain but you're just like the blows of the wind. Cold and unpredictable.