The Book
MEL
🎧lover (Taylor Swift)Akma kong iaabot ang bill para sa pagkaing binili ko ng biglang may kamay na humawak sa kamay ko at bahagya itong iatras.
"Ako na! Miss ito po oh!" He said as he landed his credit card sa pasimano ng counter. Mabilis namang kinuha iyon ng cashier at inislide sa gilid bago ibinalik sa lalaki.
"Here's your credit card Sir!" Sabi pa nito na parang kinikilig. Napasinghal naman ako bago nilingon ang lalaking kanina lamang ay hawak ang kamay ko. Sino siya para hawakan ang kamay ko?
Sa inis ay mabilis ko siyang nilingon subalit bakit parang biglang tumigil ang oras at ang tanging nakikita ko lamang ay ang marahan niyang pagkilos. Mula sa kamay ay dahan-dahan niyang ibinalik ang card sa wallet at muling ibinalik iyon sa bulsa bago muling tumingin sa akin.
Bigla akong namula. Hindi ko man ito nakikita subalit alam kong kasing pula na ng loob ng kamatis ang pisngi ko ngayon.
Ang boses na iyon. Ang mapula at manipis nitong labi. Ang kaniyang inosenteng itim na itim na mga mata, ang kaniyang perpektong kilay at shit mukhang anumang oras ay hihimatayin na ako sa nararamdaman kong ito.
Nanginginig ang kamay kong ipinatong muli sa counter ang silyadong pagkain na binili ko para kay Ehms. At hindi malaman ang susunod na gagawin. Lalapitan ko ba siya at kakausapin o tatakbo at magtatago dahil sa kilig na nararamdaman.
Mel! The fuss what's happening?
Mabagal pa rin ang pagkilos niya sa paningin ko. Ang marahang pagpikit at muling pagmulat ng kaniyang mga mata. Hinagod niya ng kauntian ang kumalat na hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang mukha at promise!
Hihimatayin na ako sa kinilos niyang iyon.
Biglang nanlambot ang tuhod ko at mukhang anumang sandali ay bibigay na ang mga iyon. At ito na.
Mel! Shit pigilan mo!
Ang nilalang sa harap ko ay hindi ko matagalang titigan dahilan upang tuluyan ng bumigay ang tuhod ko at shit. Nakita ko ang mabagal niyang paglapit at paghapit sa bewang ko at muli akong itayo.
Dahil doon ay halos mahimatay ako sa kuryenteng dumadaloy ngayon sa buong sistema ko. Hawak ng kaniyang kaliwang braso ang bewang ko habang sinusuportahan naman ng kaniyang kanan ang kamay ko.
Shit Mel!
Ito na ba ang spark?
Mabilis niya akong itinayo at iginiya sa pinaka malapit na table. Walang masyadong tao ngayon sa Cafeteria dahilan upang masolo ko ang moment na ituu.
Mabilis kong inabot ang tubig na binigay niya sa akin. Hindi ako ganon katakaw sa tubig pero ngayo'y halos maubos ko ito. Nabilaukan pa ako ng masamid. Mabilis niya akong nilapitan.
"Miss ok ka lang?" Ang boses niyang iyon.
Please God stop it!
Hindi ko na kaya pang tumagal ng kahit sampung segundong kaharap siya. Ang boses niyang parang anghel. Hindi ko mapigilang mapanganga doon.
Mabilis naman itong pumitik sa ere dahilan upang bumalik ako sa sariling katinuan.
The hell Melissa! What happened!
I hurriedly stood up as I grabbed the food that he just payed at the counter.
I looked unintently at him.
"A-I h-have t-to go!" I said pero bigla siyang lumapit sa akin at mariing hinawakan ang kamay kong may hawak na pagkain.
Duggdugg, Duggdugg
BINABASA MO ANG
Come In With The Rain (#CIWTR_ON-GOING)
RomansaI want to see you covered in raindrops. But why the hell you don't want to? I love you like the rain but you're just like the blows of the wind. Cold and unpredictable.