Speak Now
PSYMaayos kong inabot ang kamay ni Lake.
Formal Introduction!
Nakangiti ito at parang walang balak baliin ang pagkakapit sa kamay ko.
Kumunot ang noo ko ng bigla naman siyang napayuko at mukhang nagpunas bahagya ng kaniyang mata.
Wait!
Umiiyak ba siya!?
Mabilis itong tumayo at hindi na muling tumingin sa akin.
Probably hiding his tears.
"Nice to meet you Psy! Mauuna na ako. May klase pa kami eh!" Paalam niya pa.
Anyare dun!
Matapos ay heto na ako ngayon at naglalakad pabalik ng klase.
Muli namang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina.
Naiinis ako.
Naalala ko naman yung titig sa akin ni Dim the Pokerboy!
Nakakatakot iyon at ayoko ng isipin pa. Subalit mukhang may sariling desisyon ang utak ko at muling ibinabalik sa aking gunita ang matalim niyang mga mata. Akala ko hindi na mawawala pa ang plain niyang expression.
Tss. Lemmery kalma. He's just a nobody!
Nakarating ako ng Classroom. Sabi ko nga wala na si Miss Lysoon. Anong akala niya. Dadalhin ko dito sina Mom. Nahh.
They're busy.
Pansin ko ang mapanuri nilang mga tingin. Sa inis ay nagpatuloy lang ako sa pagalakad patungo sa aking upuan.
Tsss.
Hapon na pero wala pa rin si Mel. Anong nangyari dun?
Wala din sa lamesa si Paksheyt.
Aissh! Ba't ko ba iniisip yung walang hiyang iyon?
Umupo ako at biglang nakaramdam ng antok.
"Psy! Saan ka nagpunta?'' Ramdam ko ang paglapit ni Nile.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinilit ngumiti.
"Wala!" Hindi ko pwedeng sabihing pumunta ako sa Cafeteria at eksaktong nakita si Dim at kinaladkad papunta sanang Discipline Office pero shit...
Ayoko ng balikan ang komprontahan namin kanina. Umiinit ang ulo ko.
Muli kong ibinalik ang paningin kay Nile at bahagyang ngumiti.
"Dito ka na uupo?" Tanong ko na mapagtantong dala niya ang bag niya.
"Yes/No!" Halos magkapanabay nilang sagot!
Napangiwi naman ako ng maramdaman ang paglapit ni Min sa upuan. Bugnot na bugnot ang mukha habang maangas akong tinititigan.
Don't tell me isa din siya sa maninira ng araw ko.
Tss. Pag nagkataon. Jackpot na silang Moskov Cousins.Inirapan ko siya at muling tumingin kay Nile. At malawak itong nginitian.
"Sige Nile. Dito ka na lang!" Sabi ko pa subalit para yatang kiakabahan siya.
Mukhang gawa iyon ni Min Paksheyt na ngayoy nakaupo na...wait!?
Nilingon ko ang upuan niya at wala siya doon. Nilingon ko ang kaliwa ko at shit nakaupo siya sa upuan ni Mel.
Nag-init ang ulo ko.
Gumuhit ng pakurbada ang dulo ng kaliwa kong labi.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa wala niyang interes na mukha.
BINABASA MO ANG
Come In With The Rain (#CIWTR_ON-GOING)
RomanceI want to see you covered in raindrops. But why the hell you don't want to? I love you like the rain but you're just like the blows of the wind. Cold and unpredictable.