Run For Watch
DIMMariin ko ngayong tinititigan ang white board sa unahan at kahit maayos naman ang pagkakasulat ng kung ano doon ay wala akong maintindihan.
Ngayo'y nasa unahan si Mr. Begz at nagli-lecture subalit wala talagang pumapasok ngayon sa utak ko sa kung ano man ang mga pinagsasasabi niya. Marahan akong tumayo at nagsalita.
"Sir!?" Inaayos kong ayusin ang pananalita upang hindi na lumikha pa ng kung ano mang hindi magandang impresyon sa kanila subalit tirik ang matang nagtagpo ang tingin namin ni Mr. Begz. Kasabay niyon ang kaniyang pamamay-awang at marahang pagbababa ng kaniyang salamin upang mas tanawin ako.
"Mr. Trivon! How many times do I have to remind that I'm not in my masculine uniform for you to address me that way!" May pagka sartiko nitong sabi. Napangiwi naman ako sa kasupladahan ng guro ngayon sa harapan ko.
You gay! Wala na akong oras!
Imbes na sagutin ay wala akong ibang ginawa kundi ang marahang hablutin ang bag at isukbit iyon sa kanang balikat sabay lakad papalabas ng silid.
Wala akong panahon sa walang kwentang usapang ito.
Dinig ko ang bulungan at pagkabigla sa aking mga kaklase. Bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Pumihit muna ako patalikod at muling hinarap ang guro.
"I need Comfort Room!" I said bago muling tumalikod at magsimula muling maglakad.
"DIM SYRE TRIVON!"
There you go with the complete name!
I frown
Sa tawag na iyon ay paatras akong humakbang patalikod at muling dumungaw sa silid. Kita pa rin ang pagkamangha sa mukha ng mga kaklase ko. Sa dulong parte sa kanang bahagi ay tanaw na tanaw ko pa ang humihikab at patulog nang si Foster. Sunod kong ibinaling ko ang tingin sa tumawag. Kunot na kunot ang noo itong nakatingin sa akin at may di maipaliwanag na galit ba o inis sa mukha.
Teka...
Ano bang ginawa ko?
Eh kailangan ko ng CR...
Anumang oras ay maiihi na ako. Bakit ba kailangang hadlangan pa niya iyon.
"Hindi ko gusto ang ugali mo! Where are your manner? I didn't expected that the youngest of Trivons is like this! You're nothing compared to your brother. What a great disappointment! GET OUT!" Sir Begz said.
Ano bang pinagsasasabi niya?
Maayos akong nagpa-alam na kailangan ko ang C. R. Bakit kailangang umabot sa ganito? Ang dami na ng sinabi!
Tinitigan ko lamang muli ito bago nagpati-unang lakadin ang daan patungong palikuran.
Hindi ko na mapipigilan pa at kung pipigilan pa nila ako sa pagpipigil ng kung anong pinipigilan kong lumabas ay mukhang makakasakit na ako sa puntong iyon.
***
HALOS kalahating oras din ang itinagal ko habang nasa loob ng cubicle. Ngayo'y nasa harap ako ng salamin at naghuhugas ng kamay. Tinitigan ko ang sarili sa malaking salamin sa harap. Walang mali, at maayos naman ang itsura ko. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ang daming nagagalit sa pagmumukhang ito.
Wala akong nakikitang mali.
Kung mali para sa kanila ang hindi pag-ngiti. Normal iyon sa akin. Kung galit sila sa akin sa tuwing laging bilang ang binibitawan kong salita, wala silang magagawa. Hindi ko kayang baguhin ang sarili ko at wala din namang dahilan upang baguhin pa iyon. Para sa akin, iyon ang normal kaya iyon ang susundin ko.
BINABASA MO ANG
Come In With The Rain (#CIWTR_ON-GOING)
Roman d'amourI want to see you covered in raindrops. But why the hell you don't want to? I love you like the rain but you're just like the blows of the wind. Cold and unpredictable.