Prologue

17 2 1
                                    

Mariin ako ngayong nakatanaw sa napakaraming liwanag sa paligid. Mula sa mga nakahilerang poste sa paligid ng daan, sa mga parke, sa naglalakihang mga gusali hanggang sa maliit na bumbilyang nagbibigay liwanag sa bawat tahanan. Hays. Ang sarap nilang pagmasdan. Malamig ang hangin at bahagyang nagkukubli ang gasuklay na buwan. Wala akong maaninag na bituin. Mukha yatang uulan. Matagal-tagal na rin ah. Summer Season ngayon kaya naman bihirang bihira ang umulan. Nakakapanibago tuloy.

Umihip ang malakas na hangin. Parang galing sa freezer. Ang lamig. Napayakap tuloy ako sa aking sarili. Subalit nakatitig pa rin sa blangkong kalangitan bago bumalik sa maliliit na ilaw sa aking ibaba.

Ilang taon na rin magmula ng lumipat kami rito. Magdadalawang taon na, kaya naman masaya akong meron na kaming permanenteng tirahan. Dati kasi palipat lipat kami ng apartment. Mabuti at nisipan nina mama at papa na sa isang village na lang kami.

Dito malaya akong gumala, mag-ingay dahil sigurado akong walang makikialam sa kabaliwan ko, hindi tulad sa kabayanan. Napakaingay, mabaho at puro alikabok lamang.

Muli kong dinama ang lamig ng hangin. Napakasarap. Sana lagi na lang ganito.

Mula sa kinauupuan ko. Tumayo ako at lumipat ng pwesto kung saan view naman ng kagubatan ang makikita. Ang sarap tingnan ng mga pine tree na isinasayaw ng hangin. Kahit yung parteng dulo lamang ang nakikita ko. Namamangha pa rin ako. Lumipat naman ang aking paningin sa ibabang parte ng kagubatan. Mayroon ditong malalago at matatayog na mga talahib na tulad ng mga puno. Isinasayaw rin ito ng malamig na hangin. Tiningnan ko ang buwan, bahagya pa rin ang pagsilip nito mula sa ulap. Napabuntong hininga ako. Sayang gusto ko kasing matanaw yung napakaraming bulaklak doon sa dakong kakahuyan. Malalaki sila at iba-iba. Matagal ko nang pinagbabalakan ang pagpunta doon pero ayaw akong payagan ni mama. Naiintindihan ko naman kong bakit.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa dakong iyon kahit wala naman akong natatanaw na kahit ano.

Nagulat naman ako ng parang winalis ang ulap at bahagyang lumagak ang sinag ng buwan sa parteng iyon ng kakahuyan. Ng mga sandaling yun, hindi ko mapigilan ang galak at ang aking ngiti ng tumambad sa harapan ko ang iba't ibang kulay ng samut saring mga bulaklak.

Ang Ganda

Yun lang ang tanging nasa isip ko noon. Pang-uring umiikot sa aking isipan...

That was Enchanting

Subalit may nahagip ang aking paningin bukod sa mga bulaklak. Isang pigura. Pigura ng isang tao. Hindi mo ito mapapansin kung hindi mo ito titingnan ng maigi dahil kinokonplimenta ng dilim ang suot nito. Subalit hindi nakatakas sa aking paningin ang maputi nitong mukha, matangos na ilong at nakangiting labi. Mapula ito kahit nasa malayo ako naka pwesto.

Nag-init naman ang aking ulo ng bahagya itong yumuko at pumitas ng buaklak.

Sino itong pakialamera. Nagsiselos ako sa mga bulaklak. Gusto ko ring pumitas... nakakainis

Pinaningkitan ko ito. Matapos pumitas, eh itinapon niya iyon sa kama ng mga bulaklak. Pumitas at itinapon muli. Kumulo naman ang dugo ko ng isang bungkos ang inipon nito sa kamay at inilapag lamang naman iyon sa lupa.

Bastardo!

Matapos mamitas at tumitig sa mga bulaklak ay tumalikod na ito. At hindi ko inaakala na may dala pala itong itim na kabayo. Mula sa tindig at postura ng hayop na nilalang ay napagtanto kong lalaki ito. Humanda siyang hinayupak siya oras na magtagpo ang aming landas. Kung ako nga hindi makapitas ni isa. Siya, ang lakas ng loob na lapastanganin ang mga ito.

Asshole!

Tinanaw ko na lamang ang papalayo nitong pigura sabay tingin sa langit.

Darn that rain. It just teased the hell out of me! Nakakainis, nawala na tuloy ang malamig na hangin at napalitan na lamang ng malamyos at payapang hangin. Tanda na maghahating gabi na. Lumabas na rin ng tuluyan ang kaninang nagkukubling buwan.

Nakakainis...

Nakakainis talaga!

Tapos muli kong naisip yung lalaking lapastangan. Sanggala yan!

Bigla akong hinampas ng hangin.

Malamyos pa ba 'to? Puto!

Sa inis ko ay padabog akong tumayo sa railing ng aming terrace at malalaki ang hakbang na tinungo ang hagdang pababa sa aking kwarto.

12:01 am

Inirapan ko ang malaking orasang bumungad sa akin sa aking kwarto. Nakakainis na inumaga nanaman ako sa taas.

Mabilis akong lumapit sa pinto at marahas na inabot ang aking tuwalya patungo sa banyo.

Makalipas ang halos kinse minutong paliligo. Kinse minuto rin akong nagpatuyo ng buhok.

At dahil hindi pa rin ako inaantok. Tumunganga na lamang ako sa harap ng aking bintana. Mula naman dito, kitang kita ang blangko at preskong kalsada. Nagkalat ang light posts at ang mga puno sa paligid.

Halos mapaigtad naman ako ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Halos umurong naman ang mga mata ko sa inis. Kung kailan nakaligo na ako oh! Darn that rain...

Gusto ko pa naman sanang maligo sa ulan. Subalit malalim na ang gabi at tiyak akong papagalitan ako ni Dad. Hayss. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig na lang dito. Bahagya kong binuksan ang bintana. Isinahod ang kamay at nakangiting sinasalo ang bawat patak.

Rain is so much special to me. I do not know but everytime I listen to it's sirene. It's like a melody with so good dynamics in my ear. With its melancholy, I feel everything is fine. That there is nothing need to worry about. It's been my escapes whenever Mom bargain me with lots of bullshits arguments. Whenever I was mezmerising my life, thinking about my friends, crushes, whenever I want to go back to the times when I was so much felt down, up and in my mixed emotions feeling hardness and easiness in life. I don't know either about the feeling, but ever since I let my self be drowned in the thought of rain. It's raindrops. I became the stranger of my own feeling. My own heartbeat. Rain is that special and important to me.

I've never been in any relationship before. I am that too young for that stuff and I believe that, it only exist in those matured type of people. And I am an exception of that.

I'm Immature...

Naive...

Less Educated

or

better not...

when it comes to LOVE

This is not exist in my world...

Family is enough

Adding friends that I've got alot..

Never Imagining myself getting into any intimate relationship other than my family. I am not a bi. I am a girl of big dreams and wants in life. I will not used life for such thing. I was completely devoted to my family.

And if someone will ask me for a thingy called

ETERNAL LOVE

I will gladly refused that. And response with a big big NO!

But what if time comes, that I need to go through these drops of intimacy...

Like the raindrops. I have no any single chance to stop it.

Like the raindrops..It's unstoppable!

Eeeh?

Nahhh!

NEVER...

lieutenant_M😎
Caryl Balagosa who says I miss you?
"I missed you!"

Come In With The Rain (#CIWTR_ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon