7 years ago
YVES' POV
Napayuko nalang ako habang tinitignan sina Mike at Zelle na masayang nag-uusap sa may ilalim ng puno habang may binabasa silang libro. Hindi ko mapigilang malungkot dahil nakikita ko silang dalawa na masaya. Mula sa malungkot kong ekspresyon ay napatitig akong bigla ng masama kay Mike saka ko naikuyom ang mga kamao ko.
Nagseselos ako. Nagseselos ako sa tuwing nilalapitan ng traydor kong bestfriend si Zelle. Alam niyang may gusto rin ako kay Zelle pero bakit hindi niya magawang layuan ang babaeng gusto ko? Ganon ba ang magbestfriend? Hinayaan kong palagi siyang nangunguna sa lahat ng bagay habang ako ay parang anino lang niya na pumapangalawa at bumubuntot sa kanya pero kahit man lang kay Zelle ay uunahan niya pa rin ako?
"Grr! Hindi talaga sila bagay. It looks so disgusting na magkasama sila. Mike only belongs to me at hindi dyan sa whiteboard na Zelle na 'yan!" Narinig kong galit na galit na sabi ng pinsan kong si Eunice habang nakatingin rin kila Mike at Zelle sa malayo.
Lihim naman akong napangiti. Eunice really likes Mike but Mike doesn't like her because she's very bratty, spoiled and annoying.
"Bakit? Nagseselos ka ba? Hindi ka naman girlfriend ni Mike para magselos, ah?" Nang-iinsulto kong sabi sa kanya.
Sinamaan naman niya ako ng tingin at ngumisi rin sa akin. "I don't care. All I know is he's only mine. How about you? You act like you are okay na magkasama sila palagi pero deep inside, alam kong selos na selos ka rin, Yves. I know that you like Zelle so much but Mike always overshadowing you. Kawawa ka naman." Sabi niya at tinawanan ako.
Nagpantig bigla ang tenga ko dahil sa sinabi niya. I glared at Eunice at hinawakan ko ang panga niya ng mahigpit dahilan para matakot siya sa akin. "Don't insult me again. I'm still better than Mike at lahat ng nasa kanya ay kukunin ko rin. Tandaan mo 'yan!" Nanggigigil kong sabi at padabog ko siyang binitawan pagkatapos ay umalis na.
I slapped Eunice very hard. Gulat na gulat siya sa ginawa ko at napaiyak na.
"H-how dare you to slapped me?" Umiiyak niyang sigaw sa akin.
Tinulak ko naman siya ng malakas dahilan para mapaupo siya sa sahig. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang buhok niya. She looks very scared to me. Ito ang matatanggap niya dahil sinaktan niya ang babaeng mahal ko.
I smirk and chuckled. "And how dare you to hurt my girlfriend? Wala kang karapatang saktan siya, you stupid!" Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng ito. Wala akong pag-aalinlangan kung mapatay ko man siya.
Lahat ng mananakit at aagaw kay Zelle mula sa akin ay papahirapan ko.
Humagulgol na ng tuluyan si Eunice at nagmamakaawa na sa akin. "I didn't mean to hurt her. Nagselos lang ako dahil nalaman ko na nag-uusap sila ni Mike. I'm sorry, Yves. Forgive me!" Pagmamakaawa niya pero sinampal ko ulit siya. I don't have a mercy for this girl.
"Hindi na niya malalapitan pa si Mike dahil ilalayo ko na siya sa traydor na 'yon! Remember this, Eunice, palalampasin ko 'tong ginawa mo dahil kahit papaano kamag-anak kita pero sa oras na saktan at guluhin mo pa ulit si Zelle ay hindi ako magdadalawang-isip na patahimikin ka. I'm dangerous and scarier than your twin brother and you know that." Sabi ko at itinulak ang ulo niya kaya tuluyan na siyang napahandusay sa sahig.
"I will never do that again. Sorry..." Takot na takot niyang sabi pero nginisian ko lang siya at umalis na sa madilim na esknita kung saan siya dinala nina Van at Kyle kanina.
Sinalubong naman ako ng dalawa kong kaibigan at sumakay na kami sa kotseng dala ko na nakaparada lang malapit sa madilim na eskinita.
"You're so cruel, bro. She's a girl and she's your cousin pero nagawa mo pa rin siyang saktan." Namamanghang sabi ni Van.
"She deserves that. She doesn't have any rights to hurt Zelle. Kahit babae pa siya ay papatulan ko siya." Sabi ko naman at sumandal sa upuan ng kotse ko.
"How about your cousin, Eusev? Balita ko ay siya 'yung umawat nung nagsabunutan sila Eunice at Zelle, 'di ba?" Tanong naman ni Kyle.
Napangiti naman ako. "That's what only he can do. Hindi rin naman niya ako mapapatay since kailangan ako nila Tito Ronaldo sa business ng kompanya nila. Poor him." Sabi ko at binuksan ang beer in can na kinuha ko mula sa compartment ng kotse ko.
"You're the wisest guy I've ever know, Yves." Van smirk.
I smile again at pinaandar na ang kotse ko.
"By the way, where's Louie?" Tanong ko sa kanila.
"He's on a trip with his 1 week girlfriend." Sabi naman ni Kyle at tumawa pa ito.
I know, wala namang babaeng nagtatagal kay Louie. Louie only knows to fuck and flirt women.
Nang makarating na kami sa hideout namin ay kaagad na nagbilliard sina Van at Kyle habang ako naman ay umupo nalang sa sofa at nagbukas ng alak na nakahanda na sa lamesa.
Hindi ako makapaniwala, nakuha ko rin sa wakas ang isang Zelle Alvarez na pinakamamahal ng ex-bestfriend kong si Mike. The most beautiful, hottest and sexiest Zelle Alvarez na pinagpapantasyahan at hinahangaan ng lahat ng lalaki dito sa buong San Vicente. I'm glad that I already get her at hindi ko hahayaang makuha pa siya sa akin nila Mike, Eusev, Miguel o nang kahit na sino pang lalaki diyan.
She already owned me and she can't easily escape from me.
Sino ba ang hindi makakakilala sa katulad ko? I'm Yves Altamirano and I can get all I want. Many people know me for being a kind and carefree guy but that was all an act. I'm also Altamirano and Altamirano's are well known for being the most dangerous and cruel clan in our town that's why I'm just like this.
Nang nabored na ako ay binuksan ko ang social media account ni Zelle at binuksan ang account niya sa Facebook. Inalam ko sa kanya ang password niya para mamonitor ko kung may mga lalaki bang lalandi o magkikipag-usap sa kanya.
'Yung picture naming dalawa nung mag 6th year anniversary kami ang profile picture niya at naka in a relationship rin ang status namin. Napangiti ako pagkakita nun pero napawi rin iyon nang may makita akong nag-add sa kanya.
1 new friend request from Mike Harvey Wang.
Napatiim ako ng bagang at naikuyom ang mga kamao ko. He really have the guts to add Zelle on Facebook? Kaagad akong nagpunta sa profile ni Mike at blinock siya para hindi na niya ulit ma-add o 'di kaya ay i-message si Zelle. Inis ko namang inihagis ang hawak kong phone sa sahig na ikinagulat nina Van at Kyle na naglalaro pa rin ng billiard.
"Any problem?" Nakangising tanong ni Van sa akin.
Hindi ko siya sinagot at kaagad akong umalis sa kinaroroonan namin.
Lumabas ako sa hideout at nagpunta sa labas at doon ko na ibinuhos ang lahat ng frustration at galit ko kay Mike.
"You can't get away Zelle from me! Never!" Sigaw ko at nagpatuloy na ako sa pagwawala. Napasabunot na rin ako sa buhok ko.
I devoted my life to Zelle. She's only mine at hindi ako makakapayag na kunin lang siya sa akin ni Mike.
Hindi.
Nilapitan naman ako nina Van at Kyle na mukhang sinundan ako at pilit nila akong pinapakalma.
"Bro, you need to calm down. Okay?" Nag-aalalang sabi sa akin ni Van.
Umiling naman ako ng paulit-ulit. "Paano ako kakalma, Van? Paano kung nag-uumpisa na si Mike na gumawa ng paraan para lapitan at agawin sa akin si Zelle? Paano? Sabihin mo sa akin!" Sabi ko at hindi ko na mapigilang mapahagulgol ng iyak.
Hindi naman nakapagsalita si Van at pilit pa rin niya akong pinapakalma habang si Kyle naman ay nginisian ako.
"I have a plan," Sabi niya na ikinatigil ko.
--
2 updates for today :)

BINABASA MO ANG
Obsessed Psychopath
Aktuelle LiteraturZelle Alvarez is a famous girl in their town because of her beauty, kindness, and wealth and she has a lovable boyfriend named Yves but things change unexpectedly when she met again her first love and Yves ex-bestfriend, Mike. Their real selves show...