Chapter 17

13.6K 324 59
                                    

WINONA'S POV

"Let's play a game." Nakangiting sabi ni Henry at tumayo ito bigla sa harapan namin.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"What kind of game?" Tanong ni Benson habang umiinom ito ng beer in can na hawak niya.

"Hmm? How about truth or dare?" Suggestion ni Henry.

Natawa naman bigla ang katabi kong si Joey na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa akin. Kanina pa ako namumula at halos hindi ko na rin maipinta ang buong mukha ko ngayon. Bukod kasi sa crush kong si Kyle ay may konting pagkacrush rin ako kay Joey.

Speaking of Kyle, simula nung yayain niya akong kumain sa labas nang nakita ko siyang mag-isa sa basketball court ay nagtanong siya sa akin kung pwede daw ba niya akong ligawan. Sobrang tuwa ang naramdaman ko nun that time dahil sa wakas ay napansin na rin niya ako. Ayon rin ang unang beses na naglakas ako ng loob para lapitan siya at kausapin. Katulad nga ng palaging sinasabi ni Jade ay palagi akong natotorpe sa tuwing nasa harapan ko si Kyle. Dapat ay pigilan ko na itong konting pagkacrush ko kay Joey dahil may manliligaw na ako at iyon ay si Kyle. Hindi pa alam ng mga kaibigan ko na nililigawan na ako ni Kyle pero ipapaalam ko rin naman sa kanila iyon.

"Truth or dare? Are we in high school to do that kind of thing?" Natatawang sabi ni Joey.

"Why not? It's just a game." Pag-imik bigla ni Eusev kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Sobra-sobra ang pag-aasikaso niya kay Zelle na mukhang nahihiya na rin dahil sa ginagawa niya. Hindi ko naman masisisi si Eusev kung bakit ganito siya pagdating kay Zelle dahil noong mga bata palang kami ay alam ko nang mahal na mahal niya ang kaibigan namin at ngayon lang rin sila nagkaroon ng pagkakataon para maging magkaibigan for almost a years.

Tumango nalang ang mga kaibigan niya bilang pagsuko. Si Eusev ang leader ng grupo nila kaya wala na silang magagawa para tumanggi pa sa sinabi nito.

Naupo na ulit si Henry sa couch at kumuha ito ng isang bote ng alak na naubos kaagad nila. Mga heavy drinker yata sila. Kaagad niyang pinaikot ang bote at tumapat ito kay William.

"Truth or dare?" Nakangising tanong ni Henry.

"Truth." Sagot kaagad ni William.

"How many girls did you fuck this week?"

Sa tinanong ni Henry kay William ay nagulat kami nila Zelle at Jade don. Natawa naman bigla ang mga kaibigan ni Eusev dahil sa naging reaksyon namin.

"4 or maybe 5? Hindi ko na matandaan." Parang wala lang na sabi ni William at kinuha nito ang vape niya sa bulsa ng suot niyang jacket.

Napanganga nalang kaming magkakaibigan dahil don. Well, gwapo at hot rin naman si William kaya hindi na nakakapagtaka kung may mga babae mang magkakandarapa para lang sa kanya. Sa grupo nila Eusev ay siya ang playboy kaya normal nalang sa kanya ang makipagdigdigan sa mga babae.

Ang utak ko talaga nagiging berde na!

"Okay. It's my turn," Nakangiting sabi naman ni William at pinaikot na ang boteng walang laman. Natapat naman ito kay Jade.

"Truth or dare?" Tanong niya kay Jade.

"Truth." Sagot naman ni Jade na mukhang kinakabahan rin sa maaaring itanong o ipagawa sa kanya ni William.

Humithit muna si William ng hawak niyang vape bago ito nagtanong. "Kung may pagkakataon ba si Henry na ligawan ka ay papayag ka ba?" Tanong niya at ngumisi kay Henry na biglang nagulat sa tanong ni William.

Huminga muna si Jade ng malalim bago ito sumagot. "Dare."

Sa sinabi niya ay naghiyawan bigla ang mga kasama naming lalaki dahil hindi nila ine-expect na hindi sasagutin ni Jade ang tanong ni William. Napailing naman si Zelle doon.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon