ZELLE'S POV
"Hon, mag-usap naman tayo, oh? I'm sorry na. Hindi ko naman sinasadya 'yung mga nagawa ko sa'yo kahapon. Nadala lang ako ng matinding pagseselos ko kaya sorry na." Pakiusap sa akin ni Yves habang nakatingin lang sa kanya sina Jade at Winona. Si Clarence naman ay gulat na gulat at halos hindi rin makapagsalita.
Hindi pa rin ako umimik at hindi siya pinansin. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa tanawin dito sa bukid.
Ikwinento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari kahapon at naiintindihan nila ako kung bakit ako umaakto ng ganito. Hindi daw talaga tama na gawin sa akin ni Yves iyon kahit na nagseselos pa siya kay Mike.
Yves sighed. "Hindi mo na ba talaga ako papansinin? Normal lang naman sa isang boyfriend ang magselos, 'di ba? Hindi ko naman 'yon ginusto, hon. Kausapin mo na ako please..." Parang miserable na niyang sabi at nakita ko na napapaluha na siya.
"Girl, nakikiusap na si Yves, kausapin mo na siya." Bulong sa akin ni Jade habang nakatingin ng nakakaawa kay Yves. Umiling lang ako.
"What a great scene!" Natigil naman kami nang biglang dumating si Eusev kasama ang grupo niya at lumapit ito sa kinaroroonan namin.
Biglang sumama ang tingin ni Yves pagkakita nito kay Eusev. Lumapit sa akin si Eusev at tila parang sinusuri niya ako.
"Are you okay, Zelle? Mukhang nag-away kayo nitong pinsan ko, ah?" Nakatitig niyang sabi sa akin saka ito muling bumaling kay Yves.
Hinarap ko naman si Eusev at nginitian siya. "Eusev, thank you nga pala sa ginawa mong pakikipag-usap kay Eunice. Ngayon ay iniiwasan na niya ako at hindi na niya ako ginugulo pa." Sabi ko. Napahinto naman siya dahil sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay nginitian niya ako.
"You're always welcome. Alam mo naman na pagdating sa'yo ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maging safe ka lang." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Yves kay Eusev kaya napatingin kami sa kanya.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit habang tinititigan niya si Eusev. Ganon rin ang nakita ko noong nagalit siya sa akin.
Tumawa naman si Eusev. "Naglalakad-lakad lang naman kami dito ng mga kaibigan ko nang makita kong para kang nagmamakaawa pansinin ka lang ng girlfriend mo. Can't you see, Yves? Ayaw niya munang makipag-usap sa'yo kaya let her be." Nakangising sabi niya. Kaagad naman siyang nilapitan ni Yves at kwinelyuhan.
"Ano bang karapatan mong pagsabihan ako? Girlfriend ko si Zelle kaya wala kang karapatang makisali sa kung ano man ang problema namin!" Sigaw niya na ikinagulat ng mga kaibigan ko.
Siguro ay dahil ngayon lang nila nakitang magalit si Yves nang ganito at hindi ko sila masisisi kung bakit ganon ang naging reaksyon nila.
Nginitian lang siya ng nakakaloko ni Eusev. "Pero hindi mo ba nakikita na ayaw ka na munang kausapin ni Zelle? Bigyan mo naman siya ng space para makapag-isip." Bago pa suntukin ni Yves si Eusev ay humarang na ako sa harapan nila.
Hinarap ko naman si Yves. "Tama si Eusev, I think I need some space for now, Yves." Natahimik naman siya sa sinabi ko at napayukom ito sa kamao niya.
"Space? Sige bibigyan kita ng space, Zelle pero ito lang ang tatandaan mo, kahit kailan ay hindi ka makukuha ng ibang lalake sa akin at hindi mo rin ako maiialis sa buhay mo." Seryosong sabi niya saka na ito tuluyang umalis.
I sighed.
Si Eusev naman ang hinarap ko. "I'm sorry kung nakita mo pa 'yung hindi namin pagkakaunawaan ni Yves. Naabala pa tuloy kita." Paumanhin ko.

BINABASA MO ANG
Obsessed Psychopath
General FictionZelle Alvarez is a famous girl in their town because of her beauty, kindness, and wealth and she has a lovable boyfriend named Yves but things change unexpectedly when she met again her first love and Yves ex-bestfriend, Mike. Their real selves show...