Chapter 27

13.8K 281 139
                                    

EUSEV'S POV

Matapos kong maihatid si Zelle sa bahay nila ay ginulo ko nalang ang buhok ko dahil sa inis. Grabe ang pagpipigil na ginawa ko kagabi para lang hindi siya gapangin o galawin sa kama ko. Mahal ko 'yung tao at pagkakataon ko na sana iyon para maangkin siya pero napag-isip ko na kung gagawin ko iyon sa kanya ay sigurado akong kamumuhian niya ako at hindi na niya ako ulit kakausapin pa. Alam kong hindi ako kasing gago ni Mike at naipangako ko nang tutulungan ko siya para hindi na siya ulit guluhin pa ng lalakeng iyon.

That moron, sinasabi ko na nga ba't gagawin niya talaga iyon kay Zelle at kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya. Hindi ko siya hahayaang sirain ang relasyon nila Zelle at Yves. Ako na ang martyr sa pag-ibig at kung noon ay gusto kong makuha si Zelle kay Yves pero napagtanto ko na maling-maling gawin ko iyon dahil wala namang nararamdaman si Zelle para sa akin. Naikuyom ko nalang ang kamao ko.

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin at pinatawag mo pa ako dito sa bahay niyo?" Tanong ni Mike at humalukipkip sa harapan ko.

I clench my jaw and I glared at him. "Stop blackmailing Zelle. Kung anuman 'yang binabalik mo ay itigil mo na dahil hahadlangan kita sa mga pinaplano mo sa relasyon nila ni Yves." May diin kong sabi.

Ngumisi naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala. "Is that really you, Eusev? Kung noon ay gustong-gusto mong maagaw si Zelle mula kay Yves ngayon naman ay nagpapakamartyr ka at hinahayaan mo lang silang dalawa na maging masaya? Nasaan na ang Eusev na kilala ko? Bumahag yata 'yang buntot mo kay Yves." Nang-aasar niyang sabi.

"Because I love Zelle at kung saan siya masaya ay doon na rin ako. I can't force her to love me back at kung si Yves talaga ang mahal niya ay wala na akong magagawa pa dun." Sabi ko naman at naikuyom ko ulit ang mga kamao ko.

Tinignan naman ako ni Mike na parang sinusuri pa ako. "Talaga ba? Nagpaparaya kana kay Yves? Makakaya mo bang maging masaya silang dalawa ni Zelle at baka in the near future ay magpakasal na sila at magkaroon ng maraming anak habang ikaw naman ay uuwing talunan. Is that what you want, Eusev? Altamirano ka, 'di ba? At ang mga kilala kong Altamirano ay hindi nagpapatalo at nagpapadaig sa iba. Too bad dahil isa rin'g Altamirano ang kalaban mo at alam kong hindi rin magpapatalo si Yves sa'yo." He said while he's smirking and he crossed his legs.

I stayed silent for a moment at tila naapektuhan ako sa sinabi ni Mike. He's right, I can't afford to lose Zelle because I really love her so much at naiisip ko palang na magpapakasal na sila ni Yves at magkakaroon ng maraming anak ay kumukulo na bigla ang dugo ko sa inggit at selos.

Makakaya ko ba talagang magparaya dahil hindi ako mahal ni Zelle?

"Eusev, pwede naman kitang tulungang mapasa'yo si Zelle but at least you should play fair with me. Kumbaga ay may the best man wins tayo. Kung sino ang mananalo sa atin ay sa kanya mapupunta si Zelle." Tumawa siya at pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay at hinihintay ang sagot ko.

Umiling ako. "You're crazy, Mike. Hindi isang premyo si Zelle para pag-agawan natin. Alam mo dapat 'yan. You need to consider her feelings hindi 'yung tinatakot at pinipilit mo siya sa isang bagay na hindi naman niya gusto!" Sagot ko sa kanya.

"What do you mean na pinipilit ko siya sa mga bagay na hindi niya gusto? Lahat ng ginagawa ko sa kanya ay nagugustuhan niya, Eusev. Baka gusto mong ipakita ko pa sa'yo ang video namin habang nagsesex?" Nakangisi niyang sabi.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya pero pilit kong kinalma ang sarili ko. Ayokong magkagulo kami dito sa loob ng mansyon dahil ang plano ko lang ay kakausapin ko siya ng maayos para hindi na niya tuluyang guluhin pa si Zelle.

"Anong gusto mong mangyari?" Tanong ko habang nakatitig pa rin ng masama sa kanya.

He smirk. "Ikaw ba? Sasabihin ko ang plano ko sa'yo kung papayag ka. Ikaw rin naman ang makikinabang dito kung mananalo ka sa akin. Si Eusev Altamirano ka at dapat hindi ka nagpapatalo sa pinsan mo nang dahil lang sa babaeng matagal mo nang gusto. Mas deserving ka naman siguro kay Zelle kaysa kay Yves, right?"

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon