Chapter 24

15.2K 256 11
                                    

CLARENCE'S POV

"Talaga? Nililigawan ka na ni Kyle? Paano nalang kapag nasaktan ka ng lalaking 'yon? Alam mo namang playboy rin 'yon katulad ni Louie, hindi ba?" Sermon kaagad ni Jade pagkabanggit ni Winona na nililigawan na nga siya ni Kyle na isa sa mga kaibigan ni Yves.

"Alam ko na 'yan girl pero pagkakataon ko na 'to. Alam niyo namang matagal ko nang gusto si Kyle at kung lokohin niya man ako e, wala na akong magagawa dun. Hindi naman ako sobrang in love na in love sa kanya at baka makalimutan ko rin siya once na lokohin niya ako." kibit-balikat namang sabi ni Winona.

Napailing nalang si Jade at tinaasan siya ng kilay. "Talaga bang hindi ka super duper in love sa lalaking 'yon? I doubt it."

"Y-Yes, of course!" Defensive pang sabi ni Winona.

Napalunok nalang ako nang maalala ko 'yung ginawa ko at epic fail lang talaga! Nakita ko kasi sina Zelle at Mike na naghahalikan sa may parke at vinideohan ko iyon. Ipapakita ko sana kay Yves 'yung nakunan kong video para magalit siya at hiwalayan niya si Zelle pero nakita pala ako ni Mike matapos kong gawin iyon kaya kinuha niya sa akin 'yung kopya ng video ko at hindi ko na alam kung saan niya ginamit 'yon o kung binura na nga ba niya at tinapon kung saan.

Ako na siguro ang desperado para paghiwalayan sina Zelle at Yves. Sa nakikita ko kasi nitong mga nakaraang araw ay nag-iiba na ang trato ni Yves kay Zelle at nasasaktan na niya ito nang dahil kay Mike. Ayoko lang na masaktan ang kaibigan ko dahil matagal na akong nag-aalala at may gusto sa kanya. Alam ko namang walang nararamdaman sa akin si Zelle pero hindi ko naman hinihiling na maging kami. Hindi ko lang talaga mapigilan 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

"Hoy! Bakit ang tahimik mo dyan? May problema ka ba?" Siniko naman ako ni Jade nang mapansin niyang kanina pa ako tahimik sa tabi niya.

"Ah, wala lang 'to. Medyo napagod lang ako sa mga ginawa kong drawing at arts kagabi para sa 2nd round ng online art contest na sinalihan ko." Sabi ko nalang.

Tumango naman siya. "Dapat magpahinga kana. Medyo nag-aalala na rin sina Mama at Papa sa'yo dahil bibihira kana lang daw lumabas sa kwarto mo dahil sa kakadrawing mo." Natatawa namang sabi ni Jade.

"Oo nga, kaya single ka pa rin hanggang ngayon kahit 18 ka na kasi puro pagdadrawing 'yang nasa utak mo." Nakangising sabi ni Winona at alam kong inaasar na naman niya ako.

Napairap nalang ako. "Ewan ko sa inyo! Uuwi na nga ako." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa ilalim ng puno.

Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag nila sa akin at naglakad na ako papalayo. Kahit kailan talaga ay ang iingay ng mga babae. Bakit pa kasi ako sama ng sama sa kanila?

Habang naglalakad ako ay napahinto ako nang makita ko sa harapan ko si Mike na nakapamulsa habang nakatingin sa akin at papalapit rin ito. Nakasuot siya ng itim na jacket at sumbrero. 

"Hey, Clarence!" Nakangiting bati niya.

"Anong ginawa mo dun sa video?" Walang paligoy-ligoy kong tanong.

Tumawa naman siya. "Bakit? Alam kong ipapakita mo 'yon kay Yves, 'di ba? Pero hindi mo nagawa. Tell me, balak mo rin paghiwalayin sina Zelle at Yves, am I right?" Nakangisi niyang tanong.

Natahimik naman ako at hindi nakasagot kaagad.

"So, tama nga ako sa iniisip ko." Mas lalo siyang lumapit sa akin at tinitigan ako ng seryoso habang nakatiim lang ang bagang kong nakatingin sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang gumagawa ng paraan para paghiwalayin sila. Hindi mo na kailangan pang makisali sa aming tatlo. Zelle is mine, naiintindihan mo ba 'yon? Magfocus kana lang dyan sa hobby mo at 'wag kanang makisiksik pa sa buhay ni Zelle." May diin na tono niyang sabi.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon