Chapter 29

14.9K 265 33
                                    

EUNICE'S POV

Kanina ko pa tinatawagan si Eusev pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. May importante kasing sasabihin sa kanya si Daddy kaya hinahanap siya ngayon nito sa akin. Naisip ko na baka nandoon siya ngayon sa bahay niya sa San Joaquin kaya pupuntahan ko siya.

Kahit kailan talaga ay palagi nalang niya akong iniistorbo. Kung saan-saan na naman kasi siya nagpupunta nang hindi ko alam. I hate this! Dapat ang inaatupag ko ay kung paano ko makukuha ang atensyon ni Mike pero heto't sobra-sobra pa ang pang-aabalang ginagawa sa akin ng kakambal ko.

Nagdrive ako papuntang San Joaquin kung saan ay nandoon siya. Ilang oras lang ay narating ko na rin 'yon at tama nga ako sa hinala ko, nandito siya dahil nakabukas ang lahat ng ilaw ng bahay niya. I don't know why Daddy spoil him so much, he's only 18 years old pero meron na siyang maraming kotse at may bahay na nga unlike me na nagtitiis lang sa lumang kotseng dala ko. He's a boy in our family that's why our parents really love him while me, they always treat me like a trash.

Lumabas na ako ng kotse ko at pumasok na sa loob ng bahay ni Eusev. I know the password of his gate dahil madalas akong nagpupunta dito. Pagkapasok ko sa loob ay may narinig akong nagsisigawan kaya napatakbo ako kung saan man nanggagaling ang ingay na iyon at nagtago ako sa gilid ng pader.

Nagulat nalang ako nang makita ko si Zelle na nakaupo sa sahig at umiiyak habang nakatayo naman sa harapan niya si Eusev na galit na galit at sinisigawan pa siya.

What the hell is happening here? Bakit nandito sa bahay ni Eusev ang babaeng 'yan?

"Sinabi ko naman kasi sa'yong huwag na 'wag kang magtatangkang tumakas pero hindi mo pa rin ako sinunod! Itatak mo diyan sa kokote mo na kahit kailan ay hindi mo na makikita at makakasama pa ulit ang gagong Yves na 'yon!" Sigaw ni Eusev at dinuro nito si Zelle.

Napahikbi naman si Zelle dahil sa takot at sigaw ng kakambal ko. Kahit ako ay natakot rin dahil nakita ko na naman siyang magalit pero kay Zelle na.

"Eusev, nakikiusap ako sa'yo, pakawalan mo na ako please..." Humihikbing sabi ni Zelle at napatalon nalang sa gulat nang biglang sipain ni Eusev ang upuan sa gilid niya.

"There's no need. Dito ka lang at hindi mo ako iiwan. Understand?" Galit na galit niyang sabi at hahatakin na sana si Zelle patayo nang lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko.

Nagulat sila nang makita ako lalong-lalo na si Zelle.

Lumapit naman ako kay Eusev na nakatitig ng masama sa akin. "Eusev, what are you doing to that girl? Bakit siya nandito?" Tanong ko.

Napahilamos naman siya sa kanyang mukha. "Simula ngayon ay dito na titira si Zelle. Gagawin ko ang lahat para hindi na siya makita pa ulit ng pamilya niya. We will live here as a couple." Matigas niyang sabi.

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at napailing. "What did you say? Are you nuts? Alam mong inis na inis ako diyan sa babaeng 'yan pero hindi mo kailangang gawin sa kanya 'yan, Eusev. She still have her family at baka ngayon ay hinahanap na siya nang-" Nagulat nalang ako nang hinawakan ni Eusev nang mahigpit ang braso ko habang nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

He's scary and at the same time ay alam kong hindi ko na siya mapipigilan pa sa gusto niya. I know that since then ay talagang may gusto na siya kay Zelle kahit noong mga bata palang kami. Hindi nga lang siya makaporma at makalapit dito dahil palaging nakabuntot sa kanya si Mike. He's been a quiet for a longtime sa nararamdaman niya at hindi na nakipagkumpitensya pa kay Mike at Yves. Now that he's acting this way, naiintindihan ko siya. He burst out all of his feelings and anger at ngayon ay naisipan na niyang dukutin si Zelle at ikulong dito sa bahay niya.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon