Chapter 10

19.6K 448 29
                                    

ZELLE'S POV

Pagkatapos ng nangyari kahapon sa amin ni Yves ay hindi na naman niya ako iniimik. Talaga ngang pinagseselosan niya pa rin si Mike at baka nadisappoint rin siya nang hindi ko pa rin maibigay sa kanya ang virginity ko. Hindi pa ako handa para doon. Para hindi na kami mag-away pa ay kailangan ko nang sundin ang sinabi niyang dapat ay hindi ko na kakausapin o makikipagkita pa ulit kay Mike. Ano ba talagang nangyari sa kanila? Noon ay magbestfriend sina Yves at MIke na para ngang hindi na sila mapaghihiwalay pero bakit ngayon ay parang lumalayo na ang loob nila sa isa't-isa? Dahil ba ito sa akin? O dahil may mas malalim pang rason?

Nung unang araw naman na makita namin si Mike ay maayos naman sila kaya nga ininvite ni Yves si Mike na magdinner kami sa bahay nila pero kinabukasan nun ay parang nag-iba na rin si Yves. Masyado na talaga akong naguguluhan sa nangyayari.

"Sinasabi mo bang pinagseselosan ngayon ni Yves ang bestfriend niyang si Mike?" Tanong ni Winona habang kumakain ng junk foods.

Tumango naman ako. "Oo. Nag-away kami kahapon nang dahil lang dun. Ayaw na niyang makipag-usap o makipagkita pa ulit ako kay Mike." I sigh.

Napag-isip naman si Jade. "Naiintindihan ko siya girl, first love mo si Mike at baka natatakot lang si Yves na magkagusto ka ulit kay Mike pero kung mahal ka talaga niya ay kailangan niyang magtiwala sa'yo. Si Yves na ang mahal mo kaya hindi na niya kailangan pang magselos ng ganon." Sabi niya. Sumang-ayon naman si Winona.

Napatakip nalang ako sa mukha. "Ayon na nga e. Bestfriend niya si Mike kaya bakit hindi siya magtiwala sa kaibigan niya? Saka siya na ang mahal ko kaya bakit pa siya magseselos sa iba lalo na sa bestfriend niya?" Naguguluhan kong sabi.

"We can't blame Yves, Zelle. 6 years na kayong dalawa tapos bigla nalang dadating ang first love mo dito sa San Vicente. Intindihin mo nalang 'yung boyfriend mo, okay?" Biglang pag-imik ni Clarence na nakahiga sa damuhan.

Tama si Clarence. I need to understand Yves.

"You're right," Sabi ko bilang pagsuko.

"Oh? Look who's here?"

Napalingon naman kami sa babaeng nagsalita at nagulat ako nang nasa harapan na pala namin si Eunice kasama ang mga alipores niya.

Kapatid at kakambal siya ni Eusev.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Jade. "Ano namang ginagawa mo dito, witch?" Nang-aasar niyang sabi kay Winona.

Nagcross arms at tinignan naman siya na parang nandidiri ni Eunice. "I'm not talking to you poor and ugly girl. I'm talking to this bitch!" Nakangising sabi niya saka ako itinuro.

"Ano namang ginawa ko sa'yo?" Tanong ko.

Tumawa siyang bigla pati na rin ng mga alipores niya. "Don't act na parang inosente ka pa, Zelle. May boyfriend ka na, 'di ba? Pero bakit lapit ka pa rin ng lapit kay Mike? Malandi ka pala talaga!" Sigaw niya sa akin.

Napailing ako. Oo nga pala, si Eunice ay may gusto kay Mike. Mga bata palang kami ay palagi na siyang nagpapapansin at nagpapa impress kay Mike pero si Mike ay hindi naman siya magawang pansinin man lang.

Napatayo naman ang mga kaibigan ko at hinarap si Eunice na mukhang nagpupuyos na sa galit. Tumayo na rin ako at lumapit sa kanya.

"Watch your words Eunice, 'wag mo akong inaakusahan nang kung anu-ano." Matapang kong sabi at tinitigan siya ng masama.

Ngumiti at umirap naman siya sa akin. "Really? Attention seeker ka naman kasi talaga at feeling prinsesa dito sa bayan natin, right? Ginagamit mo 'yang ganda mo para lang makapang-akit ng mga lalaki dito katulad nalang ng kakambal kong si Eusev na patay na patay sa'yo tapos ngayon naman ay lumalapit-lapit ka kay Mike kahit na boyfriend mo na si Yves? Malandi ka rin e!" Bigla ay sinugod at sinabunutan niya ako kaya wala akong choice kundi lumaban.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon