Chapter 15

15.6K 380 19
                                    

ZELLE'S POV

"Yves, Ano ba nasasaktan ako!" Daing ko habang kinakaladkad niya pa rin ako papasok ng bahay namin.

"Shut up!" Galit niyang sabi sa akin hanggang sa makarating na kami sa kwarto ko it nilock niya iyon pagkatapos.

Kaagad niya akong tinulak paupo sa kama at tinitigan ako ng masama. He's breathing ragedly at nakikita ko kung gaano siya kagalit sa akin. Tuluyan na naman akong natakot sa ipinapakita ni Yves sa akin. Hindi ako sanay na ganito siya. Palagi na siyang nagagalit at hindi man lang niya naiisip ang mararamdaman ko. Nagbago na talaga siya at naging mas possessive na siya sa akin.

"Bakit mo na naman kasama si Mike? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na layuan mo siya?" Dahan-dahan niyang sabi na mas lalo pang nagpadagdag ng takot sa puso ko.

I sighed. Hindi ito ang tamang panahon para matakot ako kay Yves. Wala akong ginagawang masama kaya wala rin siya dapat ikagalit sa akin.

"Pinapunta ako ni Kuya Gray sa Wedding Ceremony nila Governor Monteverde at hindi ko naman alam na nandoon rin si Mike. Nagkataon lang na nagkita kami at hinatid niya ako dito sa bahay." Kalmado kong sabi at pilit nilalabanan ang takot ko sa kanya.

"Talaga?" Nagdududa pa rin niyang sabi at tinaasan ako nito ng kilay.

Tumango naman ako. "Oo. Nagsasabi ako ng totoo kaya ano bang ikinakagalit mo, Yves? Magkaibigan lang kami ni Mike at wala ka namang dahilan para pagselosan kaming dalawa." Sabi ko ng mariin.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang dalawang braso ko na nagpadaing sa akin at tinitigan niya ako mula sa mga nanlilisik niyang mata. Seeing him like this makes me tremble in fear.

"Magkaibigan? Siguro ipagpalagay na natin na ganon ang tingin mo sa kanya pero siya ba ganon ang tingin niya sa'yo? Huwag mo nga akong gawing tanga, Zelle! Alam ko na hanggang ngayon ay mahal ka pa rin ni Mike!" Sigaw niya.

Sa sinabi niya ay tila natigilan ako at hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang nang dahil sa sinabi ni Yves ay nagkaroon ako ng pag-asa na hindi ko maintindihan?

Hindi ako nakasagot kaagad dahil sa sinabi niya.

Huminga naman ng malalim si Yves at binitawan na niya ako. Unti-unti naman siyang kumalma at napaupo nalang sa tabi ko.

"I-I'm sorry, Zelle. Nagseselos lang naman ako sa inyo ni Mike. Hindi ko lang kayang makitang magkasama ulit kayong dalawa. Mahal na mahal kita at hindi ko alam ang magagawa ko sa sarili ko kung mawawala ka sa akin..." Nanghihina niyang sabi at napahilamos nalang ito sa mukha niya.

Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Parang sa ginagawa ngayon ni Yves ay unti-unti nang lumalayo ang loob ko sa kanya. Alam kong normal lang sa isang lalake ang magselos pero sa nakikita ko ngayon sa kanya ay hindi na niya kayang kontrolin ang sarili niya. Parang hindi siya nagtitiwala sa akin at nasasaktan ako nang dahil dun.

Niyakap ko nalang siya at hindi sinagot ang sinabi niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko at pakiramdam ko ay hindi na siya si Yves na minahal ko.

"I love you so much, Zelle. Please don't leave me. Ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin..." Naiiyak niyang sabi sa akin habang yakap-yakap ko pa rin siya.

Hindi ko na alam. Nalilito na ako at pati na rin sa nararamdaman ko.

ELIJAH'S POV

Naestatwa nalang ako sa kinatatayuan ko habang pinapakinggan sina Ate Zelle at Kuya Yves na nagtatalo tungkol kay Kuya Mike. Sumosobra na talaga ang Yves na 'yan! Ngayon ay ipinapakita na niya ang tunay niyang pagkatao kay Ate Zelle dahil nagseselos siya kay Kuya Mike. Alam ko at alam namin nila Kuya Gray at Kuya Ian na may tinatago talagang baho 'yang si Kuya Yves kaya hindi kami boto sa kanya para kay Ate Zelle.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon