Chapter 25

14.1K 255 11
                                    

ZELLE'S POV

"Are you okay, hon? Kanina ka pa tulala diyan." Napaayos naman ako nang mapansin ni Yves na kanina pa ako tahimik at halos hindi nagsasalita.

I feel guilty again at sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. May nangyari sa amin ng bestfriend niyang si Mike pero kung hindi ko gagawin iyon ay alam kong ipapakalat ni Mike 'yung video namin at ipapakita niya ito kay Yves kaya kailangan ko munang tiisin ang lahat ng ito alang-alang sa relasyon namin ni Yves.

Ngumiti ako ng pilit. "Okay lang ako, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon." Sabi ko nalang.

Hinawakan naman niya ang noo ko. "Hindi ka naman mainit, siguro exhausted ka lang o kulang sa nutrisyon. Kumain ka kasi ng marami." Nakangiting sabi niya at pinaglagay ako ng iba pang pagkain sa plato ko.

Nandito kami sa mall kalapit ng bayan namin at nagyaya siyang magdate kami since hindi na namin nagagawa iyon simula nung nag-away kami. Bumabawi siya sa mga araw na hindi kami nakapag-usap at nakapag bonding. He's very sweet and a good boyfriend to me ever since pero ako lang 'tong babae na gaga na nga at pinagtataksilan pa siya.

"Thanks, hon." I smiled at itinuloy na ang pagkain.

We're here at the restaurant at kakatapos ko lang mamili ng mga damit at sapatos. Dahil mapilit si Yves ay siya na ang nagbayad lahat ng pinamili ko. Wala naman akong magagawa dahil kapag gusto niya ay hindi ko na siya mapipilit pa.

Habang kumakain kami ay biglang nagring ang phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.

It's Mike.

Pwersahan niyang kinuha ang bagong number ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang ibigay nalang ito sa kanya.

I sighed.

"Sino 'yang tumatawag sa'yo?" Tanong ni Yves.

I bit my lower lip. "A-ah si Mom, baka may itatanong siya sa akin. Sagutin ko lang 'to, ha?" Pagsisinungaling ko at saka tumayo.

Ngumiti at tumango naman si Yves. "Sure, hon. May importanteng sasabihin yata si tita sa'yo. Take your time." Ngumiti nalang ako sa sinabi niya at kaagad nagpunta sa restroom bago sagutin ang tawag ni Mike.

Ano na naman ba ang kailangan niya? Hindi ba niya alam na may date kami ni Yves? Sinabi ko na 'yon sa kanya kanina, ah?

"What do you want?" Pambungad kong tanong kay Mike.

He chuckled on the other line. [Ang sungit mo naman yata ngayon sa akin, baby. Hindi ba pwedeng tumawag lang ako sa'yo dahil namimiss kita?]

I also feel that he's smirking.

I groaned. "Sinabi ko na sa'yong may date kami ni Yves, 'di ba? Huwag ka nga munang tumawag ngayon. We're eating right now at hinihintay na niya ako." Sabi ko.

[I'm also here at the mall.]

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ibababa ko na sana ang hawak kong phone nang biglang may humablot sa kamay ko at nagulat ako nang si Mike iyon.

He's wearing a white longsleeve polo shirt and black jeans habang nakabukas ang ilang butones ng kwelyo niya. Naka brush-up ang buhok niyang medyo brownish at hindi rin mawawala ang hikaw sa kaliwang tenga niya. Talagang pinaghandaan niya ang pagsunod sa akin dito sa mall.

"W-what are you doing here? Paano mo nalaman na nandito kami?" Gulat kong tanong.

Hinatak niya ako at niyakap sa likuran ko saka inamoy-amoy ang buhok at leeg ko. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya.

"Kanina pa ako nasa labas nitong restaurant, baby. Pinagmamasdan ko lang kayo ni Yves. Alam ko naman na dito ka pupunta kaya ako pumasok. Shit! Namimiss na kaagad kita." Mahinang sabi niya at inumpisahan nang halikan ang leeg ko.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon