Chapter 14

14.5K 359 21
                                    

MIKE'S POV

"You don't need, Mike. Ako na ang maghahatid kay Zelle pauwi. She's my brother's girlfriend after all." Seryosong sabi ni Miguel.

"And I'm her childhood friend." Seryosong sabi ko naman.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa tuwing nilalapitan at kinakausap ni Miguel si Zelle. I know that Miguel is a nice guy pero hindi mapanatag ang loob ko kapag may ibang kasamang lalake si Zelle. Dapat nga ay hindi ko maramdaman ito dahil hindi ko naman siya girlfriend at pagmamay-ari na siya ni Yves but I can't help it.

Sa huli ay sumuko rin si MIguel at napabuntong-hininga nalang.

"Okay. I guess ikaw nalang ang maghahatid sa kanya pauwi." Sabi naman niya saka nilapitan si Zelle at hinawakan ang mukha nito. I closed my fists because of that at napatingin nalang ulit sa ibang direksyon.

"Mag-iingat ka, Zelle. You need to rest." Sabi niya. Ngumiti at tumango naman si Zelle saka ito napakapit sa braso ko. Napangiti nalang ako.

Tumingin naman sa akin si Miguel ng seryoso. "Sige na, ihatid mo na siya pauwi." Tumango naman ako at hinila na si Zelle paalis ng reception area.

Nang makalabas na kami ay sinakay ko siya sa dala kong kotse na nakaparada lang sa gilid ng simbahan. Inupo ko siya sa front seat habang ako naman ay umupo sa driver's seat. Hindi ko aakalain na nandito rin pala si Zelle sa Wedding Ceremony nila Governor Monteverde. Pinaattend lang rin kasi ako ni Mom na hanggang ngayon ay nasa amerika pa rin as one of her representative. Gusto ko rin itanong sa kanya kung bakit blinock niya ako sa Facebook pero sa ibang pagkakataon nalang muna siguro.

"I-Im sorry kung inabala pa kita, Mike. Medyo nahilo lang talaga ako sa ininom ko. Hehe." Natatawang sabi niya habang nakahawak ang mga kamay nito sa ulo niya.

Napailing nalang ako saka lumapit sa kanya at inayos ang seatbelt niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at naaamoy ko ang alak sa bibig niya. May kung ano na naman akong nararamdaman sa dibdib ko sa tuwing kaharap ko si Zelle. Napatitig ako sa kanya kaya napatitig rin siya sa akin. Bumaba ang tingin ko mula sa mga labi niya at napalunok ako. Her lips, I want to taste that, hindi na ako nakapagpigil pa at hinalikan ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi niya ako pinigilan. Bago pa ako makagawa ng ibang bagay ay kaagad na akong lumayo sa kanya at tumikhim.

Naghahabol ako ng hininga at sobrang bilis ngayon ng pintig ng puso ko. Ano ba itong nagawa ko? Damn!

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Ginulo ko naman ang buhok ko at huminga ng malalim saka pinaandar na ang kotse.

Mike, bakit mo hinalikan si Zelle? Girlfriend 'yan ng bestfriend mo, 'di ba?

"Sorry..." Sabi ko nang mahina.

Hindi naman siya nakasagot kaagad.

"Mike," Biglang pag-imik niya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Ano 'yon?" Tanong ko naman at itinuon nalang ang atensyon ko sa pagmamaneho.

"Bakit hindi mo ako binalikan kaagad?"

Napatigil naman ako dahil sa tanong niya. Tinignan ko ulit si Zelle. Nakayuko lang siya at alam kong marami pa siyang gustong sabihin at itanong sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at kaagad akong nagmaneho papuntang kabilang bayan. Hindi ko muna siya iuuwi hangga't hindi ko naipapaliwanag ang sarili ko sa kanya. Alam kong kailangan niya ng paliwanag sa akin. Gusto kong ipaliwanag ang side ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay maguguilty ako ng sobra kapag hindi ko siya nakausap ng maayos.

Hininto ko ang kotse sa isang malawak at tahimik na bukirin ng San Andres kung saan ay mga puno at halaman lang ang makikita mo. Lumabas ako ng kotse at inalalayan si Zelle na makalabas rin. Umupo naman kami sa isang damuhan sa ilalim ng puno. Sumandal siya sa puno at sinandal ang katawan niya doon. Napailing nalang ako. Talaga ngang nahilo siya sa ininom niyang wine.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon