ZELLE'S POV
Natapos ng mapayapa at maganda ang vacation trip namin ng mga kapatid ko sa Puerto Galera. Back to work na rin sila Kuya Gray at Kuya Ian habang kaming dalawa naman ni Elijah ay nandito lang sa loob ng bahay. Wala naman kaming masyadong ginagawa ngayong summer kaya medyo boring ito para sa akin.
"Nandyan 'yung jowa mo sa labas ng bahay." Bored na sabi ni Elijah nang pumasok ito sa loob ng bahay namin.
Napabangon naman ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa at lumabas ng gate para salubungin si Yves. Nakita ko naman siya habang nakangiti sa akin at may mga hawak itong paperbags. Hinalikan niya ako sa pisngi at pagkatapos ay pinapasok ko siya sa loob ng bahay namin.
Napatayo naman si Elijah na may nakasapak na headset mula sa tenga niya sa pagkakaupo nito sa sofa at dali-dali na itong umakyat sa kwarto niya nang makita niya si Yves. Pinaupo ko naman sa sofa si Yves at nginitian siya.
"Nakauwi ka na pala, hon. Kumusta naman ba sa Maynila?" Tanong ko sa kanya at sumandal sa balikat niya.
"Okay lang naman. Ito nga pala, marami akong pinamili para sa'yo. I hope you will like it, hon." Sabi niya at iniabot sa akin ang mga hawak niyang paperbags.
Kinuha ko naman ito at tinignan ang laman ng paperbags. May bags, shoes, dresses at make-ups ito. Niyakap ko naman si Yves at hinalikan siya sa pisngi.
"Thank you so much for this, hon!" Masaya kong sabi.
"You're always welcome, hon." Sabi naman niya habang nakangiti.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya. Napansin ko na sa bawat araw yata na lumilipas ay mas lalong gumagwapo itong si Yves. Si Yves ay gwapo, maputi, matangkad at may mga nakakaakit na mata. Hindi gaanong malaki ang katawan niya hindi tulad sa kapatid niyang si Miguel na halata namang palaging nasa gym. Hindi payat at hindi rin naman gaanong mataba si Yves kumbaga ay tama lang ang pangangatawan niya. Marami rin nagsasabi na mukha siyang artista.
"Why are you staring at me like that? Ang gwapo ko, no?" Nakangising sabi niya. Hinampas ko naman ang balikat niya ng mahina at tinawanan siya.
"Hindi kaya. Asa ka pa!" Indenial kong sabi.
"Kunwari ka pa. Alam ko namang kaya mo ako sinagot ay dahil rin sa nagagwapuhan ka sa akin, Zelle. Aminin mo na kasi!" Pang-aasar pa niya.
Umiling naman ako ng paulit-ulit. "Hindi. Never-" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan. It was a mild and sweet kiss, I response to his kisses.
Yves is my everything.
Nang matapos ang halikan namin ay tinitigan niya ako sa mga mata ko at sinapo ang buong mukha ko.
"I love you so much, Zelle. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin so please don't leave me." Paninigurado niya while his voice has full of sincerity.
I nodded. "I will never leave you, Yves." Ngumiti naman siya sa akin at pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko.
"Watch me later sa liga dun sa baskeball court. Kasama ko rin'g maglaro sina Van at Kyle. Gusto kong panoorin mo akong manood, okay?" Sabi niya.
"Okay, hon." Nakangiting sabi ko.
"Good. Kailangan ko nang pumunta kila Van. Magpapractice na kami para mamaya. Suotin mo 'yang binili ko para sa'yo mamaya." Nakangiting sabi niya bago tumayo.
Tumayo rin ako at niyakap siya. "Sige, galingan mo mamaya sa liga." Paglalambing ko.
"Of course, hon. Aalis na ako. Magpakabait ka sa mga kapatid mo, ha?" Natatawang sabi niya bago ito kumaway sa akin at umalis na.

BINABASA MO ANG
Obsessed Psychopath
General FictionZelle Alvarez is a famous girl in their town because of her beauty, kindness, and wealth and she has a lovable boyfriend named Yves but things change unexpectedly when she met again her first love and Yves ex-bestfriend, Mike. Their real selves show...