Chapter 26

15.3K 316 93
                                        

ZELLE'S POV

Mga 10pm na rin nang makapagkita kami ni Eusev sa isang coffee shop dito sa bayan namin. Hindi alam ng mga kapatid ko o ni Yves na makikipagkita ako sa kanya. Alam kong si Eusev ang makakatulong sa akin para tuluyan na akong layuan at tigilan ni Mike.

"Do you want some drinks? Dessert-" Nakangiting alok ni Eusev sa akin pero nagsalita na kaagad ako.

"No need, Eusev. Nakipagkita lang naman talaga ako sa'yo dahil may sasabihin ako." Sabi ko kaagad.

Tumango naman siya at ngumiti sa akin. "Go ahead. What is it?"

I sighed. Kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Mike. I trust Eusev so much at alam kong hindi niya ako huhusgahan sa ginawa ko.

"May nangyari sa amin ni Mike."

Natigilan siya sa sinabi ko at hindi kaagad nakaimik.

"Really?" I can see the disappointment in his eyes.

I nodded and sighed again. "He blackmailed me na kapag hindi ko sinunod ang mga sinabi niya ay ipapakalat niya ang video namin habang naghahalikan sa parke. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang video na 'yon pero alam kong kinukuhaan talaga kami ng video nang kung sinumang taong 'yon." Sabi ko.

"Then why are you kissing Mike? Do you still love him?" Tanong niya.

Umiling ako. "I didn't love him anymore. Siguro ay naconfused lang ako sa nararamdaman ko para sa kanya dahil ang akala ko ay mahal ko pa siya pero hindi, si Yves lang talaga ang mahal ko." Napaiwas naman siya ng tingin dahil sa sinabi ko.

I'm sorry Eusev.

Ilang minuto lang ay humarap ulit siya sa akin. "I see. Alam ko nang mangyayari rin 'to. Mike is not an ordinary guy. He's so selfish and crazy at ako lang ang nakakapansin nun noon pa man. He's obsessed with you, Zelle at hindi na ako magtataka kung bakit niya ginagawa 'yan sa'yo ngayon." Hinawakan niya ang isang kamay ko at hindi ko na mapigilang mapaluha.

"I-Im so scared of him. Ayokong maghiwalay kami ni Yves kaya sinusunod ko ang lahat ng gusto niya. He's molesting and blackmailing me now. Hindi na siya 'yung Mike na kababata ko noon dahil nag-iba na siya. I know you're the only one who can help me, Eusev. Ayokong magsumbong sa pamilya ko o kay Yves dahil natatakot akong sila naman ang atakihin ni Mike. He can do everything para lang masira ang buhay ko. Please help me, Eusev..." Pagmamakaawa ko and I held his hand too.

He nodded at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. "I can do everything for you, Zelle. You know how much I love you at kahit hindi ako ang mahal mo ay tutulungan pa rin kita sa abot ng makakaya ko." He sincerely said.

Napakabait niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang nagustuhan niya sa dami ng babaeng nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon niya. Eusev didn't deserve such a girl like me. I'm so helpless and pathetic!

"Thank you, Eusev." Nakangiting sabi ko.

Ngumiti naman siya at bigla nalang akong hinila papatayo. "I think this is not the right place para pag-usapan natin 'yung problema mo. Let's go to my place." Sabi niya at nang makalabas na kami sa loob ng coffee shop ay isinakay niya ako sa dala niyang motor.

Inabutan niya ako ng helmet at isinuot 'yun sa akin. Sobrang lapit na halos ng mukha namin habang ikinakabit niya iyon. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha niya. Eusev doesn't look like a filipino dahil alam kong half Spanish siya at nakuha niya iyong features niya sa mother niya. He's so handsome and gorgeous too.

"Sorry kung motor 'yung dala ko. Hindi ko kasi nadala 'yung kotse ko dahil coding ako ngayon." Sabi niya nang matapos na niyang ikabit ang helmet sa akin at tinitigan ako.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon