(SPG)
ZELLE'S POV
Napatakip nalang ako nang unan nang maalala ko ang paghahalikan namin ni Mike. Papaano ko ba nagawa ang bagay na iyon e, may boyfriend na ako? Alam kong nag-away kami ni Yves dahil sa matinding pagseselos niya kay Mike pero pakiramdam ko ay sobra akong nagtaksil sa kanya. He's my boyfriend at dapat hindi ko hinayaang halikan ako ni Mike at ang peste ko namang katawan ay tumugon sa mga halik niya. Mababaliw na ako sa kakaisip! Paano kapag nalaman ni Yves ito? Paniguradong mag-aaway na naman kami nito.
Napadapa nalang ako mula sa kama ko nang may magtext sa akin sa phone ko. Tinignan ko ito at nagulat naman ako nang si Mike iyon. Nasave ko na rin 'yung number niya simula nung ibigay niya sa akin ang calling card niya.
From: Mike
Good eve, Zelle. Can we talk tonight? May importante lang akong sasabihin sa'yo. Let's meet now sa tapat ng bahay niyo. I'll wait for you.
May importante siya ngayong sasabihin sa akin? Ano kaya iyon? Kaagad naman akong nagreply sa kanya.
To: Mike
Sure. Lalabas na ako sa loob ng bahay.
Pagkasend ko nung text ay kaagad akong nagsuot ng blue jacket at jogging pants dahil sigurado akong malamig ngayon sa labas. It's already 11pm at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Bumaba na ako mula sa kwarto ko at nagpunta sa labas ng bahay namin. Binuksan ko ang gate namin at nakita ko kaagad si Mike na nakatayo at nakasuot ito ng black longsleeves at pants. Kahit ganon lang ang suot niya ay ang lakas pa rin ng dating niya. Napansin ko naman na may iilan siyang sugat sa pisngi at sa gilid ng ilong niya at naka band-aid pa ito.
Lumapit ako sa kanya at sinuri ang mukha niya. "What happened to your face?" Nag-aalala kong tanong.
Umiwas naman siya ng tingin sa akin. "Hindi mo siguro gugustuhing malaman kung sino ang gumawa sa akin nito." Sabi naman niya.
Nagtaka naman ako. "Bakit? Sino nga ba ang gumawa niyan sa'yo?"
Humarap na rin siya sa wakas at bumuntong-hininga. "Nag-away kami ni Yves kanina. Sinisisi niya ako kung bakit hindi mo na siya pinapansin ngayon." Hinawakan niyang bigla ang isang kamay ko at hinalikan ito.
Natigilan ako sa sinabi niya. "G-Ginawa niya 'yon sa'yo? Hindi na talaga niya kayang kontrolin ang pagseselos niya kaya pati ikaw ay nadadamay na rin." Kinuha naman niya ang kamay ko at hinaplos ito sa pisngi niya.
"Hindi mo ba nakikita, Zelle? Nagiging bayolente na siya nang dahil lang sa pagseselos niya. Baka sa susunod ay masaktan ka na niya at hindi lang pagseselos ang magagawa niya sa akin o sa'yo." Tinitigan niya ako at nagulat nalang ako nang niyakap niya ako mula sa likuran ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pati ang nararamdaman ko para kay Yves ay unti-unti na talagang nawawala nang dahil sa ipinapakita niya lately. Sa loob ng anim na taon naming relasyon ay ngayon lang talaga nangyari itong hindi pagkakaunawaan namin at nakikita ko na rin ang pagbabago niya. Hindi na siya si Yves na minahal ko noon dahil ibang tao na siya.
"Let's go to my pad." Bulong sa akin ni Mike at kaagad na akong hinila papunta sa bahay ng lola niya.
Pumasok kami sa loob nito at dinala niya ako papunta sa kwarto niya. Kaagad naman niyang isinara ang pintuan at pagkatapos ay inupo niya ako sa kama niya. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto niya, medyo nagbago na ang ayos nito. Noong mga bata palang kami ay dito na niya ako dinadala sa tuwing maglalaro kami o manonood ng anime o cartoons.
Nagulat nalang ako nang bigla niyang tinanggal ang suot niyang black longsleeves at napanganga nalang ako dahil ngayon ay nakabalandra sa akin ang matipuno niyang pangangatawan.

BINABASA MO ANG
Obsessed Psychopath
General FictionZelle Alvarez is a famous girl in their town because of her beauty, kindness, and wealth and she has a lovable boyfriend named Yves but things change unexpectedly when she met again her first love and Yves ex-bestfriend, Mike. Their real selves show...