Chapter 13

15K 357 45
                                    

ZELLE'S POV

It's been a week since nung nag-away kami ni Eunice. Ang akala ko pagkatapos nun ay uumpisahan na naman niya akong i-bully pero nagulat nalang ako nang iniiwasan na niya ako pero hindi pa rin nawawala 'yung mga masasamang titig niya sa akin. Siguro ay dahil nakausap na siya ni Eusev at sinabing 'wag na ulit akong guguluhin pa. She really loves Mike and she's so jealous to me. I need to thank Eusev para doon.

Ngayon ay okay na ulit kami ni Yves at back to normal na ang lahat. Ang kailangan ko sigurong iwasan ay ang makipagkita at makipag-usap pa ulit kay Mike para hindi na kami muling mag-away pa. I need to understand him bilang girlfriend niya.

"Zelle, hindi pala ako makaka attend sa Wedding Ceremony ngayon nila Governor Pablo at Mrs. Cecilia Monteverde dahil may kailangan pa akong asikasuhin sa kompanya natin. Si Ian naman ay maagang umalis ngayon at nagpunta sa ospital dahil maraming pasyente sila ngayon so I want you to attend the ceremony." Sabi ni Kuya Gray habang kumakain kami kasama si Elijah.

"Ako? Eh kuya, wala naman akong kakilala doon at hindi ako pamilyar sa kanila." Sabi ko and I pouted.

"Aattend ka lang naman e. Hindi mo rin naman kailangang magtagal doon. I want you as my representative so, please?" Pakiusap niya sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang tumango nalang at sumuko. "Fine."

Ngumiti naman si Kuya Gray. "Great. Ihahatid muna kita sa venue ng kasal bago ako pumasok. Mag-ayos ka na. Binilhan kita ng dress na isusuot mo para mamaya." Sabi niya.

Tumaas naman ang kilay ko. "Talaga ngang pinaghandaan mo na umaattend ako sa Wedding Ceremony nila Governor Monteverde, ano kuya?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Ngumisi lang siya sa akin. "Bilisan mo nang kumain dyan at mag-ayos ka na." 

Nginisian lang rin ako ni Elijah pero inirapan ko naman siya. Mukhang may pinaplano 'tong si Kuya Gray knowing na pinaghandaan niya talaga pati ang susuotin ko. Pagkatapos naming kumain ay kaagad akong nagtungo sa kwarto ko saka naligo at nag-ayos. Tinignan ko ang dress na binili ni Kuya Gray sa akin at isa iyong simple white dress. Sinuot ko naman ito at kasyang-kasya nga sa akin. Nag-apply rin ako ng light make up at nilugay ang buhok kong plinantsa ko nalang. Nagsuot ako ng silver stilletos na hindi naman gaano kataas at color silver pouch na niregalo sa akin ni Yves nung mag 6th year anniversary kami last year. Nang matapos na ako ay kaagad akong bumaba mula sa kwarto ko at nakita ko si Kuya Gray na nakasuot na ng black coat na may white necktie na usually ay sinusuot niya pagpasok. At the age of 27 hanggang ngayon ay single pa rin si Kuya Gray. Gwapo naman at super attractive pa ang kapatid ko kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang walang babaeng nagkakagusto sa kanya. Siguro ay hindi pa siya handa sa pakikipagrelasyon.

"Ganda naman," Nakangiting sabi niya sa akin pagkababa ko ng hagdan.

Nagflip lang ako ng hair at kinindatan siya. "Ako pa!" Tumawa naman si Kuya Gray sa ginawa ko.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ako sa kotse ni kuya.

"By the way, i-text mo nalang si Manong Herbert kapag magpapasundo ka na. Okay?" Sabi ni Kuya Gray at pinaandar na ang kotse niya.

"Okay, kuya." Sabi ko naman at ngumiti.

Makalipas ang isang oras ay narating na rin namin ang venue ng kasal nila Governor Monteverde. Maraming mga tao na ang nasa loob at labas ng simbahan at ang iilan sa kanila ay alam kong makapangyarihan at mga business tycoon rin mula sa iba't-ibang bayan at bansa.

"Take care, Zelle." Sabi ni Kuya Gray at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Thank you, kuya." Nakangiting sabi ko at bumaba na sa loob ng sasakyan niya. Kumaway naman siya sa akin at pagkatapos nun ay pinaandar na niya ang kotse niya papaalis.

Obsessed PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon