EventHalos gabi na ng nakabalik ako sa room ko at doon sa kabilang room ay nagaantay ang manager ko na pawang may nagawa nanaman akong mali.
"Pagod ako, pwede ba!" Sabi ko ng magsasalita dapat siya.
"Ang sabi ko phoebe ay sight seeing lang, hindi swimming! Sino ang may kasalanan kung bakit ka pagod ngayon, ako ba?!"
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa kwarto ko. It was a tough day, really tough. Pagod sa buong maghapon kaya ng humiga ako sa higaan ko ay nakatulog agad. Kinabukasan, I woke up around five in the morning. Naalala ko na hindi pala ako kumain kagabi ng hapunan at flakes lang ang kinain ko.
Pumunta agad akong resto na bukas 24 hours, I ordered coffee and one slice of mango cake. Umupo ako sa may dulo sa tabi ng bintana.
Habang sumisimsim ng kape, luminga linga ako sa may bintana at there he was! Si supladong surfer boy kahapon. Naglalakad siya papasok ng resto, kasama ang dalawang lalaki na kaibigan niya ata.
He looks so happy pag kasama niya ang friends niya, pero kahapon hindi man lang siya ngumingiti sakin.
Umupo sila sa kabilang dulo ng resto, umorder ang isa at sila nalang dalawa ng kaibigan niya ang natira.
Tumayo ako, pumunta papalapit sa table nila. Nag lalakad palang ako alam ko na nakitingin siya sakin, kaya nung sobrang lapit ko na tinaasan niya ako ng kilay na na parang nagtataka kung bakit ako nandito.
"Can I sit here?" tanong ko.
"No." sabi niya, pero di ako nag patinag umupo ako sa tabi niya ng walang pasintabi. Naka tingin lang siya sakin habang ako naman ay kumportable na naka upo sa tabi niya.
"Miss, artista ka ah! Ikaw si Phoebe Alonzo, diba?" Shoot. May nakakilala na 'din sakin! Buti naman, akala ko laos na ako kaya walang nakakakilala sakin.
"Uhmm, yes." I answered awkwardly. Napatingin ako sa katabi ko, pero hanggang ngayon wala pa rin siyang reaksyon! Bato ata to e!
"Guest ka ba mamaya sa event? Bakit ka andito? Pwede pa picture?" He look like my fan na baliw na baliw sakin, palibasa taga probinsya e. He looks simple, white t-shirt on, just a simple. Hindi ko lang talaga alam bakit may naligaw na greek god dito, nasa tabi ko pa.
Hindi ko siya na sagot kasi tumayo itong katabi ko. Anong problema nito?
Pinabayaan ko siya, hindi naman ganon ka kapal ang mukha ko para sundan siya.
"Hayaan mo na 'yon si Isaiah, masyadong seryoso 'yon dahil sa competition na gaganapin mamaya." So, his name is Isiah. Cool.
"Ganon ba talaga 'yon? Masungit?" tanong ko sakanya. Wait, 'di ko pa pala alam ang pangalan nito.
"Hindi naman ata, depende ata sa tao na kausap niya." saad nito.
"Teka nga, anong pangalan mo?" tanong ko ulit, "Pedro, ang pangalan ko.."
Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sakanya dahil kailangan ko na mag prepare para sa event mamaya. Dumiretso ako sa kwarto ng manager ko at nag ayos na. Light make up lang ako ngayon dahil sa dalampasigan lang naman gaganapin at nag high waist shorts lang ako and midriff top. Sabi ng manager ko na, wala masyado akong gagawin kundi magsimula nung event. Yun lang, they only want me here to gain audience. Because this is not just a simple competition dahil ito ay ang Local Surfing Cup, these days hindi na raw napapansin ang mga surfing competition. Kaya inimbita ako rito para makakuha ng maraming audience para mas lalo pang sumaya ang event na ito at para sa mga tourista na dumadayo.
The program starts. Sobrang lively ng mga tao, malalaman no agad sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya ngayon. May mga bandiritas na nakasabit sa mga posts, and it really looks good, ang refreshing tingnan. Maganda ang simoy ng hangin, at ang tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan.
"Good morning everyone, are you excited?" Panimula ng host sa program na ito.
"But before that, let us welcome our guest for this event! Ang bibida sa pelikula na Love Cliche', Miss Phoebe Alonzo!" Pakilala din niya sakin.
I walked through the stage, I was all smiles 'di alintana ang init na tumatama sa aking balat.
"Hello po, I'm so happy to be here. Ito ang unang beses na maimbitahan sa ganitong event..good lock to those surfers na sasali sa competition.." ngiti-ngiti ko na sabi.
Napawi ang ngiti ko ng nakita ko si Isaiah sa harap kasama si Pedro at ang maraming surfers na lalaban mamaya. He's topless, naka shorts at hawak ang kanyang surfing board na sobrang laki. Bagay na bagay sakanya ang surfing board na hawak nya, tanned skin, thick eye brows, and very tall. Perfect.
"So, welcome to Local Surfing Cup here in Siargao!" Sabi ko nang nag cue na ang host na mag start na.
Bumababa na ako sa stage then kinausap ako ng manager ko.
"Dito ka lang, pinapatawag ako ng stage director. Wag ka muna umalis." saad niya ng aligaga na siyang umalis sa pwesto namin.
Tumingin mula ako sa lugar kung na saan sila Isaiah at mga kaibigan niya. There, I saw him watching me pero umiwas ng napagtanto na napatingin din ako. Gusto ko siya sabihan para mag good luck, kaso napapalibutan siya ng mga kaibigan, hindi naman pwede na lumapit lang ako dun basta basta.
Ilang minuto ang lumipas nang napansin ko na nawala siya sa pwesto niya kaya hinanap ko siya. Umalis ako sa pwesto kung saan sinabihan ako ng manager ko na wag umalis.
Sinuyod ko na ang buong shore wala pa rin, hanggang sa napunta na ako sa walk way patungo kung saan ko siya unang nakita. Dito ka lang pala makikita!
Naglakad ako papunta doon hanggang sa nalipatin ko na siya at kinausap."Hi.." panimula ko.
YOU ARE READING
Splendid love (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturPhoebe Alonzo known to be an artist, she is wild, and vulgar. She do what she wants even flirting to those guys,many issue came like a wild waves. Isaiah Yullo Nieves known to be a surfer. Who lives in a beautiful Island of Siargao. He is mysteriou...